naroroon kami sa piling ng mga damo at talahib
nagingisay sa lamig ng gabi
nag-aabang sa anumang pagkakataon
na kami’y ihulog sa bangin ng kawalan
malalim na ang hugot ng aming hininga
masalimuot ang kagubatan
may mga kaluskos at yabag sa kunsaan
mapanganib ang bawat hakbang na inilalaan
sigawan at mga putok ng baril at mortar at granada
ang bumungad sa ‘sang iglap
sinikap naming bumalik, umatras, humingi ng tulong
ngunit namayani ang higanti, galit at poot
mga gatilyo ang nagsilbing diyos
na hahatol sa mga tibok at hininga
tibay, tikas ng kalamnan
ang magliligtas sa ‘sang iglap na impiyerno
nilamon ng usok at halimuyak ng pulbura
ang berdeng pustura ng mga puno’t ligaw-halaman
mga impit na sigaw, panaghoy at habol-hininga
siyang tumunghay matapos ang saglit na kaguluhan
bumati ang malansang dugo
na nagkakalat saanman
mga basag na mukha, wakwak na braso, butas na tiyan
ang ipininta ng mga nagngangalit na daliri
dalawampu’t pitong kaluluwa
ang pumapailanlang ngayon
silang biktima ng walang katapusang sigalot
na pinalubha’t pinalala ng babaeng salot

gad, puro ba tibak mga nandito. pano naman ang pakikibaka naming mga beki.