Gaano kasakit bumitaw sa isang bagay na itinuring mo nang buhay mo? Bagay, lugar, mga tao, na itinuring mo nang pamilya at tahanan? Sa isang iglap lang, naglaho ang lahat. Hanggang sa gusto mo nang kumawala sa mundong nagbibigay sa iyo ng kasiyahan at buhay.

Nakakalungkot, pero may mga bagay na dapat iwan upang hindi ka masaktan. Na tanging pagtakas o paglayo lamang ang tanging solusyon.

Mahirap. Hindi. Napakahirap!

Gusto mo mang sisihin ang mundong iyon dahil sa kabila ng pagpapahalaga at pagmamahal ay nagawa kang isantabi at ituring na walang kwenta. Gusto mo mang isumbat lahat ng tulong at paghihirap na ibinigay at dinanas mo upang mapabuti lamang ang mundong iyon pero hindi mo magawa! Dahil halos ayaw mo nang tumapak pa at masulyapan ang dating buhay na iyon. At kasama sa paglimot ang mga taong naging malapit sa iyong puso.

Napakasakit tumalikod ngunit kailangan. Bago pa mawala ang lahat ng paggalang at pagmamahal sa mundong iyon…

Join the Conversation

4 Comments

  1. Sa akin lamang ito: Hindi tuos-tuos ang pagtalikod hangga’t konsyus ka sa ginagawang pagtalikod. Ang paglaya ay wala sa pagtalikod, kundi nasa paghahaya. Kapag hindi na siya/sila bahagi ng mundo mo, kahit andiyan pa rin siya, kahit hindi mo siya/sila tinalikuran.

  2. Things will get better if you accepted the trials/circumstances in life.Gaano man kasakit kelangan tanggapin. Buksan ang puso at palayain ang galit.GUDLUCK=)

  3. Irene,
    Naiintindihan ko ang column mo. Paminsan-minsan ang buhay sa mundo ay hindi mo maiintindihan kapag bigla na lang mararanasan mo ang hindi kanais-nais na mga pangyayari sa buhay natin. Kahit gustuhin man natin na gagawin ang nararapat at normal na mga bagay-agay na naaayon sa gusto ng komunidad; nguni’t may mga pangyayari na kailangan ang iyong sariling desisyon upang ikaw ay hindi masasaktan at mahihirapan sa huli. At any rate, there will be still changes awaiting for you. Just as nothing is permanent in this world, since changes always have a major role in our life; don’t lose you hope.

  4. Irene,
    Naiintindihan ko ang column mo. Paminsan-minsan ang buhay sa mundo ay hindi mo maiintindihan kapag bigla na lang mararanasan mo ang hindi kanais-nais na mga pangyayari sa buhay natin. Kahit gustuhin man natin na gagawin ang nararapat at normal na mga bagay-agay na naaayon sa gusto ng komunidad; nguni’t may mga pangyayari na kailangan ang iyong sariling desisyon upang ikaw ay hindi masasaktan at mahihirapan sa huli. Just as nothing is permanent in this world, and that changes always have a major role in our life; don’t lose you hope.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.