Ang pagtitiwala ng mga Pilipino kay Noynoy Aquino at sa kanyang pamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya’y nahalal na pangulo. Dahil din sa tiwala kaya’t dinumog si Secretary Leila De Lima ng mga kababayang nais magpakuha ng larawan pagkatapos ng inauguration at ipinagbunyi ng marami ang pagkakahirang kay Jesse Robredo bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government(DILG).
Sa kabilang banda, ang pagguho ng tiwala naman ang nagtutulak sa mga nananawagan sa Pangulo na sibakin na ang paborito niyang Puno: si DILG Undersecretary Rico Puno. Sinasabing kasunod ng pangulo, si Puno ang may pinakamalaking pananagutan sa Manila hostage crisis noong Agosto dahil siya ang may hawak sa Philippine National Police.
Si Puno ay isa rin sa mga inakusahan ng pagtanggap ng suhol mula sa jueteng. Ang nagbibintang ay si retired Archbishop Oscar Cruz ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng, na eksperto na sa usaping ito.
Sa kanyang pagtatanggol kay Puno matapos na di niya sundin ang orihinal na rekomendasyon ng DOJ-DILG Incident Investigation and Review Committee, halatang puno na si Pangulong Aquino sa mga batikos laban sa kanyang kaibigan.
Ngunit dapat niyang unawain na malaki ang inaasahan ng bayan sa kanyang administrasyon kaya’t di maiiwasan ang mga puna, lalo na mula sa mga taong sumuporta’t sumama sa kanyang pagsusulong ng daang matuwid. Inaasahang magiging mataas ang pamantayan ng Pangulo sa kredibilidad ng kanyang mga opisyal. Dapat niyang sundin ang kanyang slogan noong kampanya: ang kanyang mga tao ay dapat na walang bahid at walang duda.
Sa ibang bansa, anumang magdulot ng kahihiyan sa isang opisyal ng pamahalaan ay sapat nang dahilan upang siya’y magbitiw. Samantalang sa nakalipas na rehimen sa Pilipinas, sobra ang kakapalan ng mga kapit-tuko. Sana ay di maging ganito sa kasalukuyang administrasyon. Dapat, wika nga ni Erap (kahit di niya tinotoo), “walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.”
Hindi dapat gumuho ang tiwala ng mga tao sa kanilang gobyerno. Balakid sa landasing matuwid ang anumang bahid ng pagdududa sa kanilang mga pinuno.
naniniwala ako na ang tagumpay ng isang bansa ay hindi dahil sa pagsisikap ng gobyerno LAMANG. Laging karamay dapat ang mamamayan nito. kaya, manalo man o matalo ang manok natin sa naganap na halalan, suporta sa nakaluklok na pamahalaan ang kailangan.
hanggang ngayon,nanatiling panaginip pa rin ang pagbabago. mahirap mang tanggapin pero ang katotohanan pa rin ang dapat harapin.higit na mas kailangang higpitan ang pagpapatakbo ng pamahalaan dahil aanhin natin ang demokrasya na sa ating isipan ay puro lang kalayaan kung itoy hindi nabibigyang hustisya. kung kalayaan ang nais natin, mas maagap na mas malaki ang responsibilidad na nakapatong sa bawat balikat nating mga pilipino dahil ang kalayaan na hangad ay dapat pangalagaan at hindi dapat abuso ang pasan. bawat paglaya ay may kaakibat na responsibilidad.ilagay natin na ang isang bata ay pinayagang lumabas.kung kaya may tiwala ang kanyang mga magulang na iingatan niya sarili niya.para hindi masira o mawala ang tiwalang yaon ay dapat talagang ingatan niya sarili niya.kung baga may babaeng nabuntis dahil nglakwatsya ay mawawalan ng tiwala ang mga magulang niya.gaya ng ating minumutyang pilipinas ay inaabuso n ng sangkatauhan ang kanilang kalaayaan. siguro hindi naman natin to maikakaila sapagkat maramng krimen n ang hindi pa nareresulba, may mga di inaasahang pangyayari na nakakasira sa reputasyon nating mga pilipino gaya ng hostage taking ng mga turista, may maraming batang napabayaan, may maraming krimen at may kalapastangang gawa ng mga taong tatak pinoy. hindi ba ito ay abuso na.?tanungin mo sarili mo?sa ating kapanahunan, hindi marapat na sundin ang pamahalaang demokrasya.hindi karapat-dapat ipaubaya ang ganitong uri ng pamamahala sa mga pilipinong abusado at sarili lamang ang iniisip. we are not worthy to share freedom.we are not worthy to be praised for even our own selves arent worth- praising for.
Hanggang ngayon,nanatiling panaginip pa rin ang pagbabago. Mahirap mang tanggapin pero ang katotohanan pa rin ang dapat harapin. Higit na mas kailangang higpitan ang pagpapatakbo ng pamahalaan dahil aanhin natin ang demokrasya na sa ating isipan ay puro lang kalayaan kung ito’y hindi nabibigyang hustisya. Kung kalayaan ang nais natin, mas maagap na mas malaki ang responsibilidad na nakapatong sa bawat balikat nating mga Pilipino dahil ang kalayaan na hangad ay dapat pangalagaan at hindi dapat abuso ang pasan. Bawat paglaya ay may kaakibat na responsibilidad. Ilagay natin na ang isang bata ay pinayagang lumabas. Kung kaya may tiwala ang kanyang mga magulang na iingatan niya kanyang sarili para hindi masira o mawala ang tiwalang yaon. Kung baga may babaeng nabuntis dahil naglakwatsya. Talagang guguho ang mundo ng kanyang mga magulang at ang tiwala ay hindi na babalik muli. Gaya ng ating minumutyang Pilipinas ay inaabuso na ng sangkatauhan ang kanilang kalaayaan. Siguro hindi naman natin ‘to maikakaila sapagkat maramng krimen na ang hindi pa nareresulba, may mga di inaasahang pangyayari na nakakasira sa reputasyon nating mga Pilipino gaya ng hostage taking sa mga turista, may maraming batang napabayaan, at iba pang maraming kalapastangang gawa ng mga taong tatak Pinoy. Hindi ba ito ay abuso na.?Tanungin mo sarili mo?
Sa ating kapanahunan, hindi marapat na sundin ang pamahalaang demokrasya.Hindi karapat-dapat ipaubaya ang ganitong uri ng pamamahala sa mga Pilipinong abusado at sarili lamang ang iniisip. We are not worthy to share freedom. We are not worthy to take pride being a Filipino for even our own selves aren’t worth- praising for.