Para kay B: Book Review

R. G. Tesa

Hindi na bago ang pangalang Ricky Lee kung napanood mo na ang Himala, bumili ka ng Trip to Quiapo at nabasa mo na ang kanyang pulitikal na maikling kuwentong “Kabilang sa mga Nawawala”. Sa totoo lang, labis akong humahanga sa writing style niya, suwabe ang bagsak pero mapaggiit ang mga ideya sa likod ng bawat linya. Ganoon din ang nakita ko sa Para kay B.