ng mumunting tulong…
“Ne’ baka naman e maitawid mo ‘ko? Patulong lang.
Hirap lang kase akong lumakad…”
ngunit
sa paos niyang boses
na garalgalin at may bahid-hiya siya…
siya’y hindi lamang napagdamutan
at ilan pang nilalang
ang sa kanya’y umiwas
Maliit.
Mabaho.
Maitim.
Matanda.
Ginagalis.
walang nagtangka…
sa aba niyang kalagayan anong naghihintay?
Ilan pa kayang tulad niya
ang napagkaitan?

magmasid...kumilos...lumaya! -----We do not have to visit a madhouse to find disordered minds; our planet is the mental institution of the universe.----- Johann Wolfgang von Goethe quote

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.