…judgement is hereby rendered in Criminal Case No. 26558 finding the accused, Former President Joseph Ejercito Estrada,guilty beyond reasonable doubt of the crime of plunder defined in and penalized by Republic Act No. 7080 as amended.

Nakasaad ang hatol ng tatlong husgado
Hindi ng tatlong pulo na bumubuo
Sa vox populi, vox dei
Na dapat maghusga at magtimbang
‘Sing haba ng EDSA ang mga pahina ng hatol
Na hindi nakayanang ibigkas at
Ipagsigawan tulad ng mga parada sa
Kahabaan ng makasaysayang kalsada
At ngayo’y reclusion perpetua
Ang pataw na parusa
Sa 399 na pahina ba’y maging halimbawa
O maging simula
Ng pagbabagong-anyo
Ng gobyerno
Na bangko ng mga kawatan
At tambayan ng mga halimaw sa kapangyarihan
Sila-sila sa matataas na upuan
Sila-sila ang magtutuos
Pagkatapos
Pabagsakin at patalsikin
Ipagpatuloy kuno
Ng mga mas marurunong at may pinag-aralan
At mas marunong ng salamangka
Silang mga naghugas-kamay
Tikom ang bibig ng may mga pangil
Na mas mapanganib pa sa isinakdal
At dapat sa Palasyo matanggal.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.