Ipinapalagay ko na kailangan ng ating mga ninuo ang pag-aalingawngaw ng kanilang boses upang malaman nilang kahit pa kunwari lang ay hindi sila nag-iisa. Patunay iyon na sila ay buhay at kinatha ng sarili nilang isip. Echo na siyang nagpapadaling isunod ang hakbang o maging anumang kilos mula sa lumipas na posisyon, dahil upang malaman ng tao na siya’y may nilalandas, kailangan niyang diinan pa ang kaniyang yapak. At pag madiin na ang kaniyang yapak, hudyat iyon upang kumilos pasulong.

Para sa modernong taong hindi na nagtatago sa kuweba ng sinaunang panahon, umaalingawngaw pa rin ang bakas ng kanilang danas sa pamamagitan ng pagkukwento. Maaaring mag-iwan ng marka ang daliring dumaan ngunit, hindi ito makapagpapakita ng pinagdaanan at tataluntunin pa ng daliring dumapo. Nasasakripisyo ang nararapat na textura hindi lamang ng pandama, kung hindi rin ng interpretasyon. Interpretasyon na maaaring sa haba ng panahon ay walang pagbabago.

Masasabi ko ba ngayon na napakaswerte ko na at ako ay may trabaho, nakapagtapos ng pag-aaral at itinaguyod nang maayos ang pamilya, na kahit noon ay nakaranas ng kahig isang tukang pamumuhay. Siguro hindi. Kahit naman sino ay maaari mangyaring rin sa kanya ang mga ito.

Isang araw, alas otso ng umaga na ako nakauwi sa bahay galling trabaho. Dahil sa pagod, bagsak agad ang katawan ko sa higaan.

Sa isang sulok ng madilim na lugar, isang bata ang aking nakita. Batang kakakitaan ng bakas ng poot, galit at hinanakit sa kaniyang mukha at damdamin.

Hindi lang ito ang unang beses nakita ko ang batang iyon. Hindi ako nagkakamali, siya ang batang nakatira sa bahay na barong-barong na nasa gilid ng kalye ng baryo namin noon. Isang bahay na maingay, magulo at nakakatakot. Siya ay may pamilyang hindi nagkakasundo, laging nag-aaway at sila ay watak-watak. Siya ang bata na nakaupo sa gilid ng kanilang bahay. Tahimik, nakatulala, at parang may ikinukubli na kung ano. Hindi ko maintindihan. Hindi ko malaman.

Nilapitan ko siya. Nalaman ko ang kaniyang kuwento nang magsabi siya sa akin. Apat silang magkakapatid. Panganay siya sa magulang na hiwalay na hindi pa nakakapag-usap nang harapan. Naipapadaan ng kaniyang mga magulang ang habilin at hinanakit para sa isa’t isa sa kanya.

Noong apat na taong gulang pa lamang siya, madalas na pagkatapos maghapunan ay nagbabatuhan na ang kanyang mga magulang ng mga pinagkainang plato. Hindi naman siya natatamaan ni mariringgan ng pagtutol. Andun lang siya sa likod ng pinto, nanonood sa paghampas ng bubog sa sahig. Wala siyang magawa, hindi man lang niya sila maawat. Sa sinabi niyang ito, bigla kong nadama ang galit niyang tumagos sa buto’t laman ko.

Sa likod ng pintong nagugurlisan ng paghampas ng mga plato ay ang murang pag-asam para sa mapayapang kahinatnan. Hindi man ito nakukwento sa mga kalaro o naipanghehele sa nakababatang kapatid, isa pa rin itong pagpapasuko sa kanilang mga lumalaban. Siya ang pintong hindi nila namamalayang nananatiling nakatindig, nilalabanan ang naidudulot nilang pagguho, bilang pangongonsensya. Ngunit sa tagal ng panahon, sa dami ng mga platong naubos, at pag-uulit ng mga maaanghang na salita, wala sa kanilang nakaramdam. Hindi nila nakikita ang pintong kanilang namarkahan ng mga alingawngaw ay tumatanda, lumalaki at nagkaka-isip.

Hindi ako nag-iisa sa aking problema, may kasama ako. Maaaring ikaw, siya at sila na may kinikimkim ring galit. Hindi lang ako ang nakararamdam ng sakit. Marami kami, hindi lang ako, pati ang nakita ko. Lahat kami ay nakaranas ng magulong mundo. Kaya hindi kataka-taka na marami sa amin ang napapariwara at nagrerebelde. Ngunit hindi lang ito ang paraan para makabangon: magsumikap, magsipag, mag-aral ng mabuti. Iyan ang dapat gawin. Kaya kung ikaw man ay isa sa amin, tumayo ka, ‘wag mawalan ng pag-asa, hindi ka nag-iisa.

Mula sa dilim, nabasag ako ng katahimikan na dati ko pang ikinukubli, kasabay ng pagkabasag ng batang aking nakita sa dilim. Nawala siyang parang bula, kasabay ng pagkamulat ko sa dilim ng nakaraan. Sa aking pagdilat, liwanag at katahimikan ang aking nasilayan.

Mga istorya ito ng mga kabataang napapariwara ng landas at tumatakas mula sa pananakal ng mga magulang at pamilya. Takot harapin ang katunayang wala nang mababalikang buo at mapayapang pamilya. Wala kasing hirap ang pag-abswelto sa winasak na pagkabata, lalo na sa panahon ng pagbalik-tanaw at sa pagbigay ng interpretasyon nito.

Naisasalba ang gunita, ngunit ang sakit ng alaala ay mananatili sa isip na sariling pamilya ng may likha.

Ako ang batang nalugmok sa dilim. Ako ang batang may kinikimkim na hinanakit. Hinanakit na kailan man ay hindi ko mawawaglit.

Eboy Cornejo

hmmm... wla masabi eh... hahaha.... basta alam ko na na pinanganak ako sa UP diliman Q.C... anak ako nina ....oOOpppsss tama na nga... baka humaba pah... hahaha... at magaaral pO ako ng UnibErSiDAd...

Join the Conversation

1 Comment

  1. is that you best friend..?
    anyway…
    your selection or what’s this? is good ..
    you use very deep words,and if i dont know you.
    .i may think that your a child whose past is gloomy..
    maybe in some of your work..enlighten..best.
    its very nice..keep doin works like this>!
    -ANGELINE

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.