Pumanaw na ang premyadong manunulat na si Genoveva Edroza-Matute o mas kilala sa tawag Aling Bebang sa edad na 94 habang mahimbing na natutulog sa kanilang tahanan nitong nakaraang Marso 21, 2009. Dinala siya sa kanyang huling hantungan noong Marso 25 sa Manila North Cemetery.

Maituturing na dakilang guro: nagsilbi nang mahigit 46 taon sa pagtuturo sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal University noong 1980. Ipinanganak noong Enero 3, 1915, nag-aral at nagtapos ng kolehiyo sa University of Santo Tomas kung saan niya kunuha rin ang kanyang Master’s Degree at Doctorate.

Nakilala si Aling Bebang bilang kauna-unahang manunulat na nagkamit ng Gawad Palanca para sa kategoryang Maikling Kuwento sa Pilipino na may pamagat na “Ang Kwento Ni Mabuti”. Sinundan pa ito ng ilan pang premyadong panulat gaya ng “Pagbabalik” (1952); “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”(1955); at “Parusa” (1961) na pawang nagkamit rin ng pretihisyong Gawad Palanca. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992 at tumanggap ng Lifetime Achivement Award sa kanyang katangi-tanging ambag sa pagpapayabong Panitikang Pilipino nitong July 7, 2005.

Isang tanyag na manunulat ng libro sa wikang Filipino; ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Napabilang din sa prestihiyosong “Filipina First” si Genoveva E. Matute. Ang Filipina First ay talaan ng mga kababaihan na naguna sa larangan arts, sciences, humanities, entertainment, governance, business at iba pa, bilang kauna-unahang babaeng manunulat na nagkamit ng Gawad Palanca sa pagsulat ng maikling kuwento sa Tagalog. Kinabibilangan ito ng ilang tanyag na kababaihang Pilipina gaya nina dating Pangulong Corazon Aquino, Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Cecilia Munoz-Palma at iba pa.

Sa kanyang pagpanaw, masasabing nabalian din ng isang haligi ang mga nagtataguyod sa wikang Filipino ngunit ang kanyang adhikain at panulat ay mananatiling buhay puso ng bawat Pilipinong nagmamahal sa wikang pambansa.

Rodel Mayores

Si Rodel Mayores ay blogger sa Tech Corner at RodelMayores.com.

Join the Conversation

2 Comments

  1. sir,
    may write-up kami tungkol kay GEM ilalabas namin sa aming newsletter (jan-june) ngayong buwan ng Hulyo. kumpleto ang balita ang kulang ay picture ni aling Bebang. maaari bang makahingi ng larawan niya kung may naitatabi ka.
    salamat,
    jess

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.