Isa lamang akong simpleng estudyanteng nangangarap na maging isang mahusay na manunulat. Kahit hindi pa ako ganun kahusay, meron naman akong maibubuga. Tagagawa ako ng script namin sa school.

Mabait naman ako, kaso sa paningin ng mga magulang ko, ako’y may sungay. Nakaka-bad trip nga tuwing tutungtong ako sa bahay namin. Di pa ko nakakapagbihis, parang terrorist na ang nanay ko na uunahan ako ng ratrat. Ayaw nila ng one shot; puro ratratan ang gusto. Lagi nilang iniintay ang pagkakamali ko pero ang lahat ng tama ay balewala.

Pag tumunganga ka naman, may sasabihin pa sila. Ang tanong ko sa ‘yo, masama bang tumunganga? Pati mabilis na pagtu-tooth brush, masama ba yun? Pati ba naman pag-aapak, masama? Eh, sa trip ko mag-apak! Eh, ano ngayon sa kanila?!

Lagi nila akong nilalait–bobo raw ako at tanga, Ipinapasok talaga sa sentido ka na ganito: “Tanga kaaaaa!!!!!!!!!” Pero mamaya pag nag-encode na yung nanay ko, ganito: “‘nak, ano spelling nito?” Ba’t kasi sila ganun? Pagkatapos sabihan ako ng tanga, magtatanong. Sino ang tanga ngayon?

Talaga nga naman! Kung hindi ang nanay ko, ang kapatid ko namang bahog — bubuwisitin ka hanggang Marimar! Sipsip na nga kay Mami, pang-asar pa ang loko. Biruin mo, four years old ganun ang ugali. Oo tama ka, bata pa siya, pero sinasadya! Kaya nga minsan gusto ko ng bigwasan eh! Nakakabad trip!

Hindi lang yun. Di nila alam, “emo” ako. ‘Yun ang ikinagagalit ko — ni wala silang alam sa akin. Birthday, name, age, address — yun lang ang alam nila sa akin. Buti pa sa iskul, mababait ang mga titser ko kahit may terror din. Sana nga sa iskul na lang ako tumira — kung pwede lang. Mas naiintindihan nila ako, at lagi akong masaya sa room. Sana, pwede kaso hanggang sana na lamang ako…

Join the Conversation

7 Comments

  1. “ENJOY THE LITTLE THINGS, FOR ONE DAY YOU MAY LOOK BACK AND DISCOVER THEY WERE THE GOOD THINGS…”

    For now, that’s what adolescents (12 to 21 yrs old) normally reacts and feels towards parenting…as per erikson’s stages of development..this “emo” kid is in the stage “identity vs role confusion”.

    Time and aging will be the only answers to her questions regarding her “angst” in life…soon..she will understand why and bakit ganoon ang pakiramdam nya noong 12 yrs old pa lng cya..bakit mas feel nya sa kaibigan kesa sa nanay at tatay nya…kasi nga she’s is in the process of finding out her identity..she needs to be identified..she needs to belong to a group…

    after adolescense comes young adulthood…her search will then be a partner because in this stage termed as “intimacy vs isolation”….her focus to her friends will be diminished and her center in life will then be having a deeper, personal relationship to a person of opposite sex or even same sex if she failed to really find her identity on the previous life stage development (identity vs role confusion)…

    yet, this piece of work is a good therapy for this emo kid..at least she voiced it out and let it go…nice work awen….!!!true story ba ito..hahahahahahha!!!!

    keep your cool girl…being young is the best thing that happens in every person’s life….kung pwede lng bang maging teen ager na lang eh……

    clap clap clap clap (standing ovation)for awen !!!!!!

  2. yan si doremon, maraming gadgets, maraming alam, pamangkin ko yang si doremon< magaling, magaling, magaling! DOREMON! DOREMON! dOREMON! HE HE HE

  3. korek si ^_^…hahanapin mo rin ang ratratan kapag wala na ito.

    1/4 century na akong buhay, mag-aasawa na lang nga ako eh walang sawa pa rin sa kaka-machine gun ang nanay ko. tama naman minsan ang sinasabi niya. hehe.

    nakakarelate lang ako sa feeling mo na “misunderstood” ka…ganyan din ako kasi “iba” daw ako sa mga kapatid ko. yung 4y/o mong kapatid, hayaan mo lang siya. pag lumaki-laki siya maaappreciate ka rin niya. :-)

    goodluck sa pagsusulat! kudos!

  4. ang galing!!! halos pareho lng pla tau eh. ganyan din ading ko pang-inis, dagdag pa mga kuya q. pati ung tawagin kang tanga tapos tatanungin ka pagkatapos, haaay buhay

  5. I want you to know na hindi lang ikaw ang nakaka experience ng ganyan. Na magkaroon ng nanay na “unique”.

    Pero alam mo, maswerte ka nga e, kase nakakasama mo ang nanay mo. Di tulad ko, nasa malayo, di ko makakausap ng matagal at personal. My mother is an OFW. Ganyan din cya kautlad ng nanay mo, but I am telling you na pagdating ng panahon na magkakalayo kayo, ay mamimis mo ang mga pinaggagawa nya sayo.

    So pagtyagaan mo nalang, tiisin mo, it is better na ganyan cya kaysa malayo cya sayo (di mo kasamang kumain, pasko birthday etc.)

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.