Kangina pa napapansin ni Sham ang batang lalaking iyong nakatayo malapit sa kanya at nakatitig sa kanya. Hindi na lamang niya pinapansin.

Sa palagay niya’y hindi naman tiktik ang batang iyon, sapagkat paano kaya magiging tiktik ang isang sa hitsura’y ni hindi pa tin-edyer?

At kung tiktik man ang bata, ano naman ngayon kung malaman ng militar at ng pamahalaan na ang ipinunta nila sa paaralang iyon sa Datu Piang, Maguindanao ay isang humanitarian mission para sa mga napilitang lumikas mula sa kani-kanilang tahanan dahil sa mga operasyon ng militar laban sa Moro Islamic Liberation Front? Wala siyang makitang masama sa posibilidad na malaman ng militar at ng pamahalaan na siya, si Sham, ay kabilang sa pangkat na namimigay ng relief goods sa mga napilitang lumikas, habang ang iba naman sa mga kasamahan niya’y nagsasagawa ng serbisyong medikal at psycho-social, gayundin ng dokumentasyon ukol sa kalagayan ng karapatang pantao sa nasabing lugar.

Naalaala niyang may kailangan siyang kunin sa kanilang sasakyan kaya’t saglit niyang iniwan ang kanyang mga kasamahan.

Habang lumalakad siya’y napansin niyang sinusundan siya ng bata. Hindi pa rin niya ito pinapansin – hanggang sa tawagin siya nito. “Kuya.”

Tumalikod siya at tiningnan ang bata. Noon niya napansing parang pirming nanlilisik ang mga mata nito.

“Halika, me sasabihin ako sa ‘yo.”

Huwag naman sanang tumagal at marami pang gagawin, naiisip ni Sham. Nilapitan niya ang bata.

“Ano y’ong sasabihin mo?”

“Sabihin mo muna sa ‘kin, Muslim ka ba o Krist’yano?”

“Muslim.”

Saglit na wari’y sinipat-sipat siya ng bata bago ito nagsalitang muli. “Y’ong tito ko, binaril ng mga sundalo. Hindi naman rebelde ‘yon. Nakita ko. Nangingisda lang sa ilog, pinatay na nila.”

“Ano’ng pangalan mo?”

“Ahmed.”

Nagpakilala rin si Sham. “Ilang taon ka na?” tanong niya kay Ahmed.

“Sampu.”

Naalaala niya ang mga kasamahang bahagi ng psycho-social team.

“Alam mo, me mga kasama akong p’wedeng makatulong sa ‘yo. Gusto mo, ik’wento natin sa kanila y’ong nangyari sa tito mo?”

“Mga Muslim din ba sila?”

“Me Muslim, me Krist’yano.”

“Ayoko!”

Ang pagtakbo ni Ahmed ay yaong takbong tila hindi siya hihinto hangga’t may lupa sa ilalim ng kanyang mga paa.

Alexander Martin Remollino was Tinig.com's associate editor. He was a poet, essayist, and journalist. He also wrote some short fiction.

Join the Conversation

20 Comments

  1. hellow po,,

    ..ganda po ng story nyo..

    ..pwede ko po ba itong gamitin para sa project namin sa Filipino..??

    ..pwede ko rin po bang kunin biography nyo?? kelangan din po kasi namin e…

    pakipasa na lang po sa yahoomail ko..

    jamaica_sistona19@yahoo.com

    ..maraming maraming salamat po…

    ..God Bless..

  2. ,,pwede poh bang mgamit ung story nyo sa project ko???

    ,,tnx puh at at nagkaroon na puh aq ng projet ^_^

    ,,godbless puh

    ———————>>>>>>>>”YUNA”

  3. kuya.. hanggang sa “Ang pagtakbo ni Ahmed ay yaong takbong tila hindi siya hihinto hangga’t may lupa sa ilalim ng kanyang paa” lang po ang kwento? wala nang continuation ?

  4. kuya gamitin ko lang ho sa report ko yung kwento nyo,
    ganda po kasi..and madami ho ako masasabi about dun.
    Thank you po

  5. elow po…gusto ko po ung kwento ninyo…maaari ko po ba itong gamitin para sa project ko po….salamat po…god bless…..

  6. gusto ko po ang sistema ng kwento mo….sana more pa kc may project kc ako maganda cyang e- present sa project paki email mo nalang sa mommy ko glynes_olbes@yahoo.com pls.10 po kc ang kailangan ko sa project.hu.hu,.thank you po….

  7. I am in Grade III project ko po kc maikling kwento wala na akong ibang choice kundi humingi sayo po kc maganda po ang mga story nyo.thank you…

  8. :lol2: :) :lol2: hai poh ang ganda ng kwento nyo………. pwede ko poh bng gmitin ang kwento nyo poh pra sa project ko….salamat poh…………….. :lol2: :p

  9. hello po! ang ganda po ng kwento niot. gusto ko po sanang kopyahin para sa project ko na maghanap ng maikling kwentong pilipino. sana po paunlakan po ninyo ako. salamat po!

  10. hello po! ang ganda po ng kwentong ito. gusto ko po sanang kopyahin para sa project ko na maghanap ng maikling kwentong pilipino. sana po paunlakan po ninyo ako. salamat po!

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.