Welcome
to Tinig 1.0a, our pre-launch issue.
Isang
online magazine ang Tinig.com na ia-update dalawang beses sa isang
buwan.
Layunin
nitong maging venue kung saan maipapahayag ang sentiments ng mga kabataang
Pilipino sa iba't ibang usapin. Mababasa ng mga site visitors ng Tinig.com
ang mga opinyon at personal essays ng mga contributor tungkol sa maraming
isyu, maging personal man o panlipunan. Parehong gagamitin ang mga
wikang English at Filipino sa Tinig.com.
Napapanahon
ang paglabas ng Tinig.Com. Nasa yugto tayo ng kasaysayan kung saan
naipakita nating mga kabataan ang kahandaang maging involved sa mga
national issue. Sa katatapos lamang na People Power II, naipakita
nating hindi tayo tatahimik lamang. Iba na ang ating panahon. Tumayo
tayo at nagpahayag--na siya rin namang ini-expect na gagawin natin
ulit sa national elections ngayong Mayo.
Pero
sa gitna ng mga pambansang usapin, may mga personal stuff tayo sa
ating mga bagahe. Pwedeng love life, pakikipagkaibigan o family concerns.
Tatalakayin natin iyan sa bawat isyu ng Tinig.com.
Sa
mga susunod na isyu ng Tinig.com, magdadagdag tayo ng iba pang features
sa site kagaya ng mga pambansang balita na iko-contribute sa atin
ng Philippine News
and Features. Bibigyan din natin ng space ang mga announcement
at maglalagay tayo ng links papunta sa ibang sites, ganoon din ang
mga downloads.
We
invite the Filipino young netizens to join us at Tinig.com. Mag-contribute
kayo at sama-samang nating i-discuss ang mga isyung tungkol sa atin.
Hayaan
ninyong marinig ang inyong Tinig. Tatanggapin namin ang inyong mga
artikulo tungkol sa anumang topic na gusto ninyong isulat upang mailabas
ng Tinig.com.
Speak
up!
Tinig.Com
IN
THIS ISSUE:
Tinig
ng Generation txt
Ni Ederic Peņaflor Eder
(Unang lumabas
sa Pinoy Times
noong Peb. 8, 2001)
KAMI ang generation
txt. Malaya, masayahin, malikot, makulit, masipag, malakas, makabayan,
matapang, may direksyon, at may paninindigan. Itinatatwa
namin ang kanluraning konseptong Generation X na pilit na ikinakabit
sa amin ng pandaigdigang kulturang komersiyal. Ang GenXers ay sinasabing
lito, malabo, walang direksiyon, at palaasa ngunit mapaghimagsik. [more]
There
in EDSA
Ni Noel Pascual
UNDERSTAND that
we are not hate mongers. All that ruckus we carried out during the
revolution at EDSA; our shouting, marching, rallying, even our cussing
of Estrada and the 11 senators do not mean we revelled in finding
conflict and reason in abasing such negligent officials. Rather, we
each found, in ourselves, reasons to congregate in EDSA and the dozens
of other places where the throng voiced out the singular call of the
people. Was it a calling that made us all go there? [more]
Pogi
ako!
Ni Noli Pasco
MAHIRAP talaga
kung ang pogi points ay mataas.
Hindi ko alam
kung kailan o saan nag-umpisa ang paggamit sa terminong pogi points
bilang sukatan ng kagwapuhan ng isang lalake. Alam ko lamang na noong
kalagitnaan ng dekada nobenta, ang ilan sa aking mga kamag-aral at
kapitbahay na babae ay nag-umpisa sa gabi-gabing pagtawag sa aming
bahay (na kinainis naman ng aking mga magulang at dalawang nakatatandang
kapatid na babae dahil hindi raw makatawag ang anilang mga syota).
[more]
More
articles sa aming first issue.