Napakadali ang Magsabing ‘Maghintay’ Kung…

Ngayong bumubulwak na muli ang mga panawagan para sa pagbabago sa pambansang liderato, kasunod ng mga pagbubunyag ni Rodolfo “Jun” Lozada hinggil sa mga anumalya sa kontratang National Broadband Network (NBN) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ZTE Corp. ng Tsina, pati na sa ibang proyektong pinasukan ng pamahalaan gaya ng NorthRail at SouthRail, umeeksena rin ang ilang henyo’t nagsasabing dapat ay hintayin na lamang ng mga puwersang anti-administrasyon ang 2010 para sa pagkakataong mapalitan si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo — na diumano’y Pangulo ng Pilipinas.

Sa 2010 ang susunod na halalang pampanguluhan ng Pilipinas. Sapagkat diumano’y nakapagwagi na sa halalang pampanguluhan, ayon sa Saligang Batas ay hindi na maaaring maihalalal “na muli” si Arroyo — na ang kahina-hinalang “tagumpay” sa halalan ng 2004 ay ipinagbunyi ng gobyerno ng Estados Unidos — bilang Pangulo.

Ngunit may halos dalawang taon pa hanggang sa 2010, at sa halos dalawang taon ay napakaraming maaaring mangyari. Sa loob ng halos dalawang taon ay marami pang maanumalyang proyekto ang maaaring pasukin ng pamahalaan, malaki pa ang maaaring ilawak ng agwat ng halaga ng pamumuhay at ng kabuhayan ng nakararaming mamamayan, at marami pang paglabag sa karapatang pantao ang maaaring isagawa.

Pinatalsik si Joseph “Erap” Estrada noong 2001 sa isang pambansang pag-aaklas na sa kalakha’y laban sa katiwalian, upang pagkatapos ay palitan ni Arroyong ang panunungkula’y kinatampukan ng lalo’t lalong katiwalian — mula sa anumalya sa pagpapagawa ng President Diosdado Macapagal Avenue hanggang sa kagila-gilalas na mga kickback sa kontratang NBN. Sa ilalim ng rehimeng Arroyo nasaksihan ang mga antas ng kagutuman at karalitaan sa bansa na hindi nakita sa loob ng mahabang panahon, batay sa lahat ng kapani-paniwalang panlipunang sarbey (IBON Foundation, Social Weather Station, at Pulse Asia). Ang rehimeng ito’y nakapagtala rin ng mga paglabag sa karapatang pantao — mula sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang at sapilitang pagkawala hanggang sa mga pagbibibilanggong pulitikal, mula sa marahas na pagtugon sa mga kilos-protesta hanggang sa pagbubusal sa pabatirang-madla — na ang dami’y hindi kayang pantayan ng alinmang rehimen, marahil, sa kasaysayan ng Pilipinas maliban sa kay Ferdinand Marcos (na malapit-lapit na nga nitong maungusan).

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong hindi nagtitiis na magpainiksiyon sa mga nars at duktor na gumagamit ng hiringgilyang naninilaw; o magklase sa damuhan, sa ilalim ng init ng araw, sapagkat ang salapi ng taumbayan na dapat sana’y inilalaan sa mga serbisyong panlipunan ay ipinapasok sa maanumalyang mga proyektong ang nakikinabang lamang ay iilang salanggapang na opisyal ng pamahalaan gaya ng mga Benjamin Abalos, at mga kamag-anak ng mga nasa kapangyarihan tulad ng mga Mike Arroyo.

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong nagtatampisaw sa salapi kahit na hindi igalaw ang mga daliri at hindi nagkakangkukuba sa pagtatrabaho sa mga pabrika’t opisina upang pagkatapos ng isang buong araw ng pagpapatulo ng pawis ay mag-uwi ng sahod na maaaring kitain sa loob lamang ng isang oras sa ibang bansa, o sa paggawa sa bukid upang pagkatapos ng bawat anihan ay maipagbili ang palay sa halagang kulang na pang-isang buwan ngunit kailangang papagkasyahin sa tatlong buwan.

Napakadali ang magsabing “maghintay” para sa mga taong walang kamag-anak, kaibigan o kakilala man lamang na kabilang sa mahigit na 900 na ngayong biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at mahigit sa 180 biktima ng sapilitang pagkawala, o sa mahigit sa 200 bilanggong pulitikal — batay sa pinakahuling mga tala ng Karapatan — na kaya humantong sa gayon ay sapagkat nangahas na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod, ang karapatan ng mga magsasaka na pakinabangang lubos ang mga bunga ng lupang sinasaka, at ang karapatan ng mga mamamayan sa mga serbisyong tulad ng kalusugan at edukasyon — mga karapatang dapat ay tinatamasa ng lahat sa alinmang bansang tulad ng Pilipinas na namamaraling siya’y isang demokrasya.

Dahil sa ang alinmang pamahalaan ay lubhang nakapangyayari sa kalakhan ng buhay ng mga mamamayan, ang pag-iral nito ay dapat na nakabatay sa kapakanan ng tanang nasasakupan. Kung hindi ganito ang batayan ng pag-iral ng isang pamahalaan, karapatan ng mga mamamayan ang ito’y lansagin.

At sapagkat karapatan ito ng mga mamamayan, hindi nila kailangang maghintay ng pagkakataong gawin ito, kundi karapatan nilang likhain ang ganitong pagkakataon.

Hintayin ang 2010? Hayaan ang mga hunghang at hangal na maghintay kung siya nilang ibig.

6 Comments

  1. Sa mga hindi makapaghintay at gustong mapukso agad ang korupsyon, hindi ito ang solusyon sa problema ng ekonomiya natin. Tingnan mo ang Tsina at Vietnam na pawang matataas ang growth rates pero alam naman nating lantaran ang korupsyon sa mga yan, pero matataas ang growth rates nila at yun ang tinitingnan ng husto ng foreign investors.
    Hindi sa ayaw kong mapukaw ang korupsyon. Ang pinakaproblema kasi satin ngayon ay di angkop yung democratic system natin. Yung nakahelera kasing papalit sa kanya kung sakali, ay binoto lang dahil sikat siya sa masa at wala nang iba. So maaaring napawi mo nga ang corruption (pero merong mga bansang may high growth rates kahit corrupt), pero kung mananatiling binoboto lang yung mga sikat kahit walang kakayahan, andun pa rin yung peligro.
    Yung mga surveys na nabanggit mo ay purely subjective lang, based sa pananaw ng tao. Dun nako sa objective data like GDP/GNP. Pag mga ito ang ginamit, masisigurong mas may pag-asang masugpo ang kahirapan.

  2. Unang-una, wala akong sinabing ang kampanya ngayon upang baguhin ang liderato ng bansa ay may layuning wakasan nang tuluyan ang katiwalian, bagama’t dapat na maging bahagi ito ng isang mas pangmatagalang kampanya para nga pawiin sa wakas ang katiwalian.

    Pero kung hindi mangyayari ang mga ganito, tuluy-tuloy na lalala ang katiwalian. Kailangan ang mga ganitong kampanya upang sa pana-panaho’y maputol ang pagtindi ng katiwalian.

    Totoong may mga bansang mataas ang growth rate kahit mataas din ang katiwalian. Pero mas mataas pa sana ang growth rate nila kung walang katiwalian. Matindi ang epekto ng katiwalian sa mga bansang katulad ng Pilipinas na hindi pa maunlad.

    Hindi rin natin isinasantabi ang panganib na maulit ang problema ng bansa sa katiwalian sa ilalim ng mga susunod na mamumuno sa bansa sakaling mabago nga ang liderato. Sa palagay ko’y nakikita ito sa aking alusyon sa isa sa mga dapat ay leksiyon ng EDSA II, kung saan tumatawag ako ng pansin sa pangyayaring tiwali ring lider ang pumalit sa pinatalsik na tiwaling lider.

    Tungkol naman sa mga survey, makikita sa mga website ng SWS (www.sws.org.ph), Pulse Asia (www.pulseasia.com.ph), at IBON (www.ibon.org) ang kanilang methodology, na siyang magsasabi kung subjective nga ba ang kanilang datos hinggil sa kagutuman.

    Maigi ang GNP at GDP pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Hindi ipinakikita ng GNP at GDP ang distribusyon ng resources ng bansa, at kung ano ang nagbubunsod ng sinasabing growth.

  3. TO ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
    Ang problema kasi sa sistema democratic system natin, ang binoboto lang yung sikat, kahit walang kapasidad. Puwede mo ngang mapawi yung korupsyon, pero habang ang niluluklok ng mga botante natin ay yung mga sikat lang, kahit walang kakayahan, mananatiling problema ang tuluyang pag-usbong ng ekonomiya natin.
    Yung mga surveys, kahit gaano pa kaobjective ang process, mananatiling subjective ito kasi ang nilalaman niya ay pananaw lang ng tao. Dun nako magrerely sa GDP/GNP na objective data, kung ano man ang content niya, di maaalis na nalampasan niya lahat ng previous administrations.

  4. Below is a transcript of a supposedly wiretapped conversation between Joey and Jun I got from a website. Judge for yourself if Jun Lozada is indeed deserving to be treated a hero, but of course after ascertaining if this is genuine.
    usapang udifuta
    ________________________________________
    TRACK 3…

    http://www.patriots4truth.blogspot.com

    Joey (allegedly, Joey de Venecia): Hey Jun.
    Jun (allegedly, Jun Lozada): Hey Joey.
    Joey: Jun, can you hear me?
    Jun: Yeah. Go ahead.
    Joey: Yeah, where are you to put Chair (Abalos)?
    Jun: Ang formula ko doon is kuha ako ng points dun sa 130.
    Joey: Uh-huh…
    Jun: Di ba? Kasi saan ko pa kukunin di ba? (laughs) Itong mga …
    Joey: Kaya lang pare, we need to get some… at least from… something from them, di ba?
    Jun: Yeah.. from both sides. P*t@ng!na…
    Joey: Pare.. start from the thing.. Because he’s the gatekeeper of the votes. P*ta. I can understand, but not that amount.
    Jun: Oh yeah. that’s too big, right. That’s too big.
    Joey: Pare, let’s develop a plan to talk to him.
    Jun: Yeah, yeah, yeah. So…
    Joey: And you know what he told me, between you and I. When we were in Hong Kong… in Shenzen. Don’t quote me ha. Sabi niya kasi, marami akong…… Tinanong ko bakit ba ang laki-laki? Singkwenta.. Sabi niya marami ako kelangan bigyan. Pati yung NEDA. He said the word NEDA ha. P*t@ngina. For your information pare.
    Jun: Information? I would understand that… He’d like to look at…
    Joey: Maybe, wait, you can quote me and say, sabi ni Joey meron daw… sabi mo sa kanya may NEDA dun. (laughs) Di ba? He told me pare. (laughs)
    Jun: Sige, sige…
    Joey: P*t@ng!na, baka magwala na naman yung… (laughs)
    Jun: For some reason, I have this chemistry with him. Sabi ko Chair… In fact, sabi niya, Jun, ikaw na mag-referee bukas ha. Sabi niya, I want you to be there. Ikaw na mag-referee, ikaw na magsabi kung papaano. Sige po Sir, ako na ang mag-aano sa ano… (laughs)
    Joey: Well anyway, so that’s where I’m looking at right now. .. ought to get you.. And then, uh, think of a strategy for Ben (Abalos?), and if you need me to back you up, I’ll be there.
    Jun: Hey Joey, regarding this Chinese embassy thing. I think I struck a motherload no? I’ll put them in Roxas Boulevard. P*t@ng!na, di ba?
    Joey: In the Reformation? (Reclamation)
    Jun: No, p*t@ng!na, that’s not prime. We’ll put them in the CCP complex.
    Joey: Yup, got it.
    Jun: P*t@ng!na. Yeah, that’s, wala.. I can ??? that ??? agreement. (I can swing that gddam deal pare)
    Joey: You mean, owned by the Central Bank?
    Jun: Yeah! Can you imagine? P*t@ng!na, same stature as the American embassy, better pa, di ba? The Japanese Embassy is in Roxas Boulevard. The American embassy is there. So p*ta, I just arrived that we put the Chinese embassy right in the midst of it all, di ba? Joey: Yes, yes, of course. That’s ??? to hear. That’s foresight. (That’s perfect)
    Jun: … don’t mention my name. I think he knows me well.
    Joey: Gaano kalaki, pare?
    Jun: P*t@ng!na, as much as 15 hectares. (laughs)
    Joey: P*t@ng!na. Tapos siguro kumuha rin tayo dun. Pero we need 10 finances. (10 financers)
    Jun: No, no, no, no. P*t@ng!na. I cannot just tell you all the things that I’ve been asked to do. But that one I think, I can ??? for ourselves.
    Joey: I’ll talk to the…
    Jun: Talk to him right away.

  5. Napakadaling i-generalize ang paglalarawan sa surveys bilang “nakabatay lang sa pananaw ng tao,” pero napakapartikular ng tinukoy kong paksa ng survey: kagutuman at karalitaan. Ang mga binanggit kong survey institution — IBON, SWS, at Pulse Asia ay may mga website nga, kagaya ng nabanggit ko at naimungkahi kong tingnan natin pero hindi ko alam kung talaga ngang tiningnan, ay may ispesipikong depinisyon sa kagutuman at karalitaan, na siya nilang pinagbatayan ng pagkakagawa ng mga tanong na ginamit upang makuha ang antas ng kagutuman at karalitaan sa bansa. Kung susuriin ang mga tanong na ginagamit nila tungkol sa kagutuman at karalitaan, makikitang mahirap na sagutin ito nang sariling pananaw lamang ang ginagamit dahil ispesipikong impormasyon mula sa pang-araw-araw na karanasan ng tinatanong ang hinihingi. Iba ang survey hinggil sa political perception at iba ang survey hinggil sa socio-economic specifics.

    Puwede rin tayong magkulitan nang isang libong taon tungkol sa GNP/GDP kagaya ng marahil ay siya mong ibig na mangyari, pero isang obhetibong katotohanan ang pangyayaring hindi nga ipinakikita ng GNP/GDP lamang ang distribution of resources. May datos ang gobyerno hinggil sa GNP/GDP at kung paano nalampasan ng administrasyong Arroyo ang lahat ng iba pang rehimen pagdating dito, pero may datos din sila hinggil sa pinanggagalingan ng growth, at batay sa nakaraang ilang taon sa pamumuno ni GMA, ang kalakhan ng growth ay nanggagaling sa overseas remittances at sa service sector, at hindi sa paglago ng industriya. Mismo nang international financial institutions ang nagsasabing hindi sustainable ang ganitong growth — bagay na sinasang-ayunan ng marami sa mga prominenteng ekonomista ng bansa.

  6. TO ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
    Yung surbey na sinasabi mo na sabi mo na ang hinihingi ay yung ispesipikong karanasan ukol sa pang-araw-araw na karanasan ng tao. Ang tinatanong dito karanasan ng TAO kaya mananatili siyang subjective at tao ang tinatanong.
    Yung GDP/GNP objective data yon at sukatan ang basehan, hindi tao. Hindi nga sustainable yung growth na yon, pero dati pang merong mga OFWs, pero dito lang sa administrasyong GMA nalagpasan lahat ng mga nakaraang rehimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.