Bote, Dyaryo, Bakal

Umalog ang bahay nila sa pagdaan ng “ahas na bakal”. Weee! Weee! Tsug-tsug-tsug! Hiyaw nito papalayo samantalang mulagat na nakamata sa kanilang sira-sirang kisame si Tino. Wala ang kanyang itay. Alam niya, maagang umalis patungong konstruksiyon doon sa may Punta. Kung saan man ‘yon, ‘di niya alam. Bagaman Sabado.

“Inay! Ano’ng almusal?” kinusut-kusot ang mata habang pababa sa tatlong baitang na hagdan. Naglalaba si Marta, ang kanyang ina. Parang sorbetes ang tingin niya sa puting-puting bulang nag-uumpaw mula sa kanyang batya.

“Ay! Gising na pala ang bunso ko,” anang kanyang ina. Nakangiti. Ang butuhang-mukha, hagyang nabanat sa pagkakangiti sa anak na magpipitong taong gulang. Sa kanyang bulto, akala mong limang taon lamang siya. Maliit. Payat. Hagyang malaki ang tiyan. Halatang kulang sa nutrisyon.

“E ‘di ang paborito mo, pandesal at keso. O siya, malaki na naman ang bunso ko eh. Ikaw na lamang ang magtimpla ng gatas mo ha? Mag-ingat lamang at baka mabanlian,” sabi sa anak habang patuloy ang pagkusot sa santambak na labada.

Ingat na ingat siya sa pagsasalin ng mainit na tubig sa basong mula sa naubos na kapeng binili noong Pasko. Tinimpla ang gatas na halos paubos na. Kaunting asukal ang inihalo. Ayaw niya ang masyadong matamis. Saka nagpalaman ng keso sa malamig nang pandesal.

Hinawakan niya ang bibig ng baso. Hindi kaya ng kanyang mumunting kamay ang init na isinisingaw ng baso. Kagat sa bibig ang pandesal, nagtungo siya sa pinto para doon kumain. Gustung-gusto niyang pinapanood ang paglalaba ng kanyang ina. Sa pagitan ng kagat-subo-lagok, nulas sa bibig niya ang tanong:

“Inay, kailan ako papasok sa eskuwela?”

Napamulagat sa kanya ang ina.

“Malapit na anak. Kailangan lang eh, makaipon ng kaunti para makabili ka ng bag, sapatos, uniporme, lapis at papel. Saka notbuk,” sabi ng ina, tumungo para muling kusutin ang binubunong labada kanina.

“Kailan po ‘yon? Sabi ninyo ni tatay, noong isang taon, mag-aaral na ako. Marunong na naman akong bumasa ng abakada ah! Saka magbilang hanggang sampu. Tinuruan ako ni ate Marie,” inosenteng komento ng paslit. Kagat-nguya-lagok sa pagitan ng batang pagmumuni-muni.

“Eh, wala pa kasi tayong pera. Ha’mo, itatanong ko ke tatay kung may pera siya para makabili ka ng gagamitin mo at saka kita ipapasok diyan, sa may elementari iskul,” sabi ng ina. Parang may bikig sa lalamunan. Patuloy lamang ang kusot at piga. Pilit na itinatago sa anak ang bugtong sa kanyang mga mata.

“Nanay, punta lamang po ako kina Len-len ha? Laro lang kami,” sabi niya.

“Nailagay mo ba sa lababo ang pinagkanan mo, ha?” sabi ng ina. Tango ang nakamit mula kay Tino.

“Mag-iingat ka… ang tren!” sabi ng ina, sa tinig, bakas ang mahigpit ang habilin.

“Opo! Tumatabi naman kami kapag dumaraan ‘yun,” sabi ni Tinong parang nagmamalaking kaya niyang iwasan ang tren.

“Sinasabi ko lang. ‘Di ako lagay na naglalaro kayo sa gitna ng riles. Naku! Kapag nakita kita! May pingol,” sabi niya kay Tino na anyong nanggigil subalit biglang bawi sa ngiti. Napangiti si Tino. Sabay takbo sa labas.

Binaybay ni Tino ang gilid ng riles ng tren. Panglimang bahay ang bahay nina Len-len. Pagtapat pa lamang sa may bintana, isinigaw ang pangalan ng kalaro. Walang sumagot liban sa ina ng kalaro.

“Naku, Tino! Wala si Len-len. Sumama sa ama niya para manguha ng dyaryo at bote. Pero baka pabalik na sila. Kanina pang madaling-araw ‘yon eh,” sabi ni Aling Laring.

“Ganoon po ba? Sige po, intayin ko na lang ho siya rito,” sabi niya.

“O sige. Pero baka mainip ka? O ayan na pala sila, eh!” ani Aling Laring nang makita ang mag-amang nagbibiruan pang nagtutulak ng wala nang laman ng kariton liban sa ilang kilong bigas, ilang itlog, at instant mami.

“Tino! Ang aga mo ha?” sabi ni Len-len sa kalaro. Ni hindi man lamang natulungan ang ama sa pagbababa ng laman ng kariton. Tuwang sinalubong ang kalaro.

“Tay, laro lang kami,” sabi kay Mang Ador, habang papasok sa pinto ng kanilang barung-barong.

“O siya, at mag-iingat kayo!” sabi nito na hinabol ng tanaw ang papalayo nang mga paslit.

“Malaki ba ang kita sa bakal-bote?” tanong ni Tino habang sinisipat ang tansang nakakulong sa parisukat. Pagbato ng pato, apat na tansan ang tumilapon papalabas ng kuwadrado.

“Medyo, lalo na kung pinitpit na lata ng softdrink ang ibebenta mo saka iyon bang kawad ng kuryente… tanso! Yun nga, mas mahal ang dilaw kaysa sa pula. Sa dyaryo, mura lang eh,” pakli ng kalaro habang tinitingnan ang pagsipat ni Tino sa nalalabing anim na tansang nakakulong sa kuwadrado.

“Ahh… sumama kaya ako sa inyo, ano? Kasi kailangan daw ng pera para makabili ako ng gamit sa eskuwela… Ikaw ba, papasok ka na ba sa eskuwela?” tanong niya kay Len-len sabay iling nang hindi man lamang nakapagpalabas ng isa sa natitirang anim na tansan.

“Oo raw. Hindi ko alam kina Inay at Itay eh. Gusto mong sumama puwede naman. Kaso papayag ba ang tatay at nanay mo?” sabi ni Len-len na nakapaglabas ng tatlo sa natitirang anim.

“Papayag naman siguro ang mga ‘yon. Saka gustung-gusto ko na talagang pumasok sa eskuwela,” aniya. Pinagmasdan niya ang pagtilapon mula sa kuwadrado ang tatlo pang tansan.

“Lalabas ba ulit kayo mamamaya?”

“Oo,” sabi ng kalarong muling inaayos ang mga tansan para muling sipatin at tirahin.

“Sama ako. Kahit sandali lang para maranasan ko ang ginagawa n’yo. Puwede ba?” sabi niya, himig nakikiusap sa kalaro.

“Sige. Pero dapat magpaalam ka ha? Iyong maayos,” bilin ng kalaro.

Tanghalian. Sa pagitan ng pagsubo, sinabi niya sa ina ang gustong mangyari. Sasama siyang magtulak ng kariton at maghalukay ng basura para magkaroon ng kaunting barya.

“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Saka, maliit ka pa,” sabi ng ina.

“Pero bakit po si Len-Len, sumasama?” sabi ni Tino. Tila maiiyak.

Nahabag ang ina. Sa kanyang puso, alam niya ang pagnanasa ng kanyang anak na makapag-aaral. Matagal na niyang napupuna ang inggit sa munting mga mata ng anak sa mga nagsisipasok na mga bata doon sa kalapit na eskuwelahan. Minsan, nakikita niyang nakatanghod ang anak sa mga ito. Ang lumang abakadang napulot ng ama sa basurahan ang pinagtitiyagaang basahin. Kabisado na niya ang mga nakasulat doon–mula sa puso.

“O siya. Kunsabagay, hindi naman siguro masamang sumama ka. Pero ngayon lang ha? Hindi papayag tiyak si Tatay na lagi kang sasama sa pagbabasura at baka magkasakit ka.”

Kumislap ang mga mata ng paslit. Maya-maya pa, kasama siya ng kalaro at ng ama nito sa pagtutulak ng kariton.

Dahil nasa munting puso ang pag-asam sa biyayang dulot ng dyaryo, bote, bakal at iba pang basura, tila walang pagod ang munti niyang mga bisig. Basyo ng hinyebra, toyo, patis ang nakita sa basura. Ang mga papel, na kahit matagal niya bago maisalansan dahil sa binabasa ang laman, masinop na inilalagay sa kanilang kariton.

“Ang sipag naman ni Tino ah!” sabi ni Mang Ador. Binibilang ang nakikitang basura ng paslit.

“Gusto ko po kasing pumasok sa eskuwela,” sabi niya, nakangiti.

“Naku, talagang mana ka sa tatay mo! Ha-ha-ha! Basta’t may gusto, ginagawa ang lahat. O siya, tama na ‘yan at marami na tayong nakuha,” sabi ni Mang Ador sa paslit.

“Mayroon pa po, banda roon. Kukunin ko lang,” sabi ni Tino.

“O siya, sige. Mag-iingat ka ha? Puntahan ka namin ni Len-len maya-maya.

Masigla ang katawan niya, patalun-talon pa habang papunta sa kinakitaan ng maraming basurang pinapag-asang makatutulong sa kanya para makapasok sa munting eskuwelahang malapit sa kanila.

Mga boteng nagkalat sa tabi ng riles at ilang bakal sa mismong gitna nito ang nakita ni Tino. May ilang karton din na mula sa mga bahay-bahay na ibinagna na lamang sa tabi.

Nasinop na niya sa dalang sako ang ilang boteng nasa tabi ng riles. Nalibang naman siya sa pagkuha ng ilang pirasong bakal na nasa gitna ng perokaril. May ilang bote rin ng hinyebra at piraso ng garapa ang nasa gitna ng dinadaaanan ng tren na gumigising sa kanya tuwing umaga. May ilang dyaryo rin siyang nakita. Binasa ang ilang nakalaman saka isinilid sa sako. Makadaragdag din, sabi ng kanyang munting puso. Nalilibang siya habang sinasabi sa sarili na baka makabili siya ng bag at ilang gamit pang-eskuwela kapag napuno niya ang sako.

Samantalang nagmumuni-muni, patuloy ang silid ng paslit ng mga nakikitang bote sa kanyang sako. Linga… linga… linga… Kapag may nakitang maaring pakinabangan, silid sa sakong nangangalahati na rin. Mabigat. Halos hila na niya subalit walang pagod ang katawan niya.

“Gusto kong pumasok sa eskuwela,” sabi ng munting isip niya.

Nalunod ng mga pangitain ng eskuwela ang isip ni Tino. Linga. Kapag may nakita, kuha, silid sa sako. Napatili ang kaibigan niyang si Len-len. Lunod ang isip ni Tino sa pangitain ng eskuwelahan, ng mga bata. Hindi niya naririnig ang tili ni Len-len at ang sigaw ng ama nito. Hindi niya naririnig ang huni ng tren…

Noel Sales Barcelona

Dating patnugot ng pahinang pang-overseas Filipino worker (OFW) at internasyonal ng Pinoy Weekly (http://www.pinoyweekly.org) si Noel Sales Barcelona.

Naging public information officer din siya ng pambansang sentro ng mga kawani ng gobyerno, ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage (http://www.courage-phil.org/).

Premyadong makata at kwentista, ginawaran siya Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ng pagkilala bilang "Makatang Mag-aaral ng Taon" noong 2002 na siya pa rin, magpahanggang ngayon, ang may hawak.

Noong taon ding iyon, nakamit niya ang Ikalawang Gantimpala sa Patimpalak Panulaan ng Pandayan ng mga Literaturang Pilipino, Inc. (Pandaylipi, Ink.), sa okasyon ng ika-25 anibesaryo nito.

Naging isa siya sa mga pinalad na maging finalist din siya sa Kabuwanan Poetry Competition nitong Abril, 2008; at noong Hulyo 29, binasa sa buong mundo, sa pamamagitan ng Internet, ang kanyang kuwentong nalathala rito sa Tinig.com, ang Bote, Dyaryo, Bakal at ginawaran siya ng Certificate of Literary Achievement ng mga Pilipino-Australiyano sa Brisbane, Au.

Isa ring propesyunal na tagapaturo ng pamahayagan (journalism) at panitikan, naging panauhin siyang tagapagsalita sa iba't ibang paaralan at kolehiyo rito sa Maynila at sa karatig lalawigan ng Rizal.

Bukod sa Pinoy Weekly, nagsusulat din siya sa investigative news magazine na Bulatlat.com, PINAS (The Filipino's Global Newspaper) na may sirkulasyon sa 19 na bansa sa Asya, Europa at America Norte, at naging kolumnista sa ngayon ay sarado nang Punto!, isang tabloid sa Filipino.

107 responses to “Bote, Dyaryo, Bakal”

  1. chelle

    …galing nman ng pagkakagawa!
    khit medyo kkbitn…
    nkklungkot din nga e…

  2. Jun Diwa

    Ang hirap tlaga ng buhay, kaya dapat magsumikap para guminhawa.

  3. gHaiLe,,,

    zO, mEaniNg nAmAtAy uNg kiD???,,,
    If eVer nMn,, nKa2awA sXa,,
    He is WiLLinG 2 dO evEythiNg jSt to gO 2 sKuL,,
    sNa LhaT nG kiDs k2Lad niA,,,
    suPer dEdicAteD sa pag-AarAL,,
    sAYanG tLaga sXa,,,
    If 22o mAn 2nG istOry nAh tUh,,,
    naKakaAqwa tLaga sXa,,,,

    sAh aUthoR niTo,,
    tHanKs 4 mAkinG dis sToriE,,
    It hELps reALize nAh suPer mHaLagA ang sTudies,,
    ‘zE minSaN prAng nDe qUo mAsyadOng pinAphALaghAn unG sTudiEs quO,,,
    eAsy goiNg Lang,,, pRang wLa Lang,,

    sAna aLL oF thE FiLipinO studEnTs wiLL reAd tHis,,,
    Coz it’s vEry inSpiring…..

    sAna gUmaWa kaH paH ng mGa inSipiRinG sToriEs,,,

  4. ires arroyo

    i lyk the story and the character of the main person in the story!!continue inspiring others……..

  5. ires arroyo

    if others saw it, im sure they will be inspired by the dedication and perseverance of Tino.. it can be relate to the actual story of human life..and if the well-off saw it, please help others as what God says..Love your neighbor as you love yourself..enjoy reading and God bless for more blessing that may come to your life..

  6. bokBOk

    choiness…

  7. JeWeL

    Napakaganda ng Story n toh!!!!
    Nkakainspire tulo Mag-aral

  8. kristine

    wow, ang ganda ng story. na realize ko na mahalaga pla ung study ntin

  9. childen

    galing po!!

  10. -[cLc]-†Ralph†

    hiap talaga ng buhay… lalo na ngayon na ang daming kurakot sa pinas….T-T

  11. m.a.

    THANK YOU 4 MAKING THIS VERY WONDERFUL AND INSPIRING STOEY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!HAHAHA!!!!!!
    GAWA KA ULI AH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (+,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,+)!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  12. ralph4291

    this is the first site that i opened upon starting to search about short stories(maikling kwento). the title itself seems so interesting that i was urged to read it with my full enthusiasm and comprehension.at first, i thought it is a boring one but as i grow through the sequence of it im starting to relate every detail of it in real-life situation especially here in the Philippines,the POVERTY.
    i was really inspired. the story interprets that you will pursue anything and will do all the ways and risks just to have your goal. PERSEVERANCE AND DETERMINATION.
    with this simple lesson, i hope and pray that from the readers and the author itself, may you continue to help and inspire others the true realizations in life. it is very nice to know that in this short story we could learn and start to inspire others through words.

    thanks.

    i’l have this as my preparation for my homework. thanks…hehehe

  13. m.a.

    Anung nangyari kay tino sa huli…(+____+)

  14. m.a. Yoro

    wla nang aagaw nito ah..ganda eh..,,

  15. Noel Sales Barcelona

    To all who have commented on this story, thank you very much. To m.a. Tino, of course, died. Thanks.

  16. jay anthony

    Huh.. bakit nabangga ba si Tino???? bakit sa huli may tren doon.???

  17. garcie

    waaaaaahhhh???!! namatay ang batang si tino??!!

    tsk.. kalungkot naman…

    kakainspired ang maikling kwentong ito ahh…

    salamat!!!!

  18. girlie

    nakakalungkot isipin na sa murang edad gusto na nyang magtrabaho para makatulong sa magulang. Sana umasenso na ang Pilipinas! Kawawang anghel!

  19. ghaY

    ano po yung mga tagpuan, simula, saglit na kasiglahan, tunggalian, at wakas ng kwentong Bote, Bakal Dyaryo????paki email naman po ung sagot…tnx

  20. she

    this is a wonderful obra..!!! it may be an instrument to open the eyes of every fILipino youth to prioritize studies over the likes of our graving flesh,, ause its more important than those things because learning is our stepping stone to grab our dreams… its an encouraging story.. i loved it very much..

  21. kinz

    napakaganda ng kwento…..i hope that every filipino children will value education…
    i hope that you will write more inspiring stories.. it’s really nice….

  22. berlin

    Ang ganda ng story!!!!!!!!gagawin ko po itong project ko sa Filipino…………..super inspiring yung story!!!!!!!!!!sana makagawa pa po kayo ng marami png magagandang kwento na nagdadala ng magandang aral sa bawat bata…….

  23. emopunk jossel

    wel…nice story..weeehhh….

  24. anne

    actually d q p 2 nbbsa,,,peo mkhng mgnda…
    knha q 2 pra sa proj.nmn,tnx sa gmawa,,,,
    mwaaah

  25. Jaclyn

    nakakaawa…some children have the money yet they dont value their education, instead yung mga kalokohan at mga bagay na hindi naman importante…while yung iba, halos walang-wla pero nagtitiyaga para makatapos to the point, pati buhay isinanla just for the sake maabot yung ambition sa buhay at makatulong sa kanilang pamilya..

  26. Oscar

    yeheeeeee………maganda toh kahit di ko pa nababasa dahil maganda mga patotoo ng ibang tao…ako rin magaling po kau gagawa po ako ng pagsusuri-basa nito sanay pahintulutan nyo…..what is all about the author po pala?

    cacan(nickname)

  27. ruthie

    so he died right? what a story dude

  28. ruthie

    magaling magaling…

  29. Viverly Jati

    i lyk the story,,,,,!!!!!!! continue spiring others ,,,,,

  30. Arnel

    ITS A NICE STORY!!!!!!!!! i lyk 8…….hope gmawa kpa ng another story…..

  31. Jennifer Malicdem

    Grabe ang ganda ng story…! Una ko tong nabuksan ng naghahanap me ng maikling kwento na iproproject ko ng mabasa ko to na inspire aq kaya e2 pnass ko at nagus2han naman nla tnanong nla kung saan q knuha cnabi q sa internet…! gawa pa kayo ng story na nakaka inspire

  32. apple

    yah.. hahaii.. sad rn sah huli and nkkabitin but it rily gives a true value of a filipino sudent shoul possess.. dapat gnyan taung lahat.. sana wag nyo isayang ang mga pera, oras nah gnugol ng inyong mga magulang para mkpag-aral tau…

  33. antonette

    wOw !!! aN gAndA nUng stOriE … aLthough nkA2biTin sA huLi,nkA2tOuCh p rIn … sbrAng nkA2inspYr 2 prA s mgA stUdyAntE lAlo n dUn s mgA ndE pnApAhAlAgAhAn uNg pg-aArL nLa … snA pg nbsA nLa 2,mrEaLyz nLa kng gAnU ngHi2rAp aT ngsA2kriPixO aN mgA mgUlAng nLa mpAg-arL lAn cLa … aiUn … cOntinUe dOing dIs 2 inNspYr mAny pipOl … GodbLesS … =)

    .02.jAm.08.

  34. Refinnej

    Pwede poh ba mnsn paikliin nyo po ang haba eh…

  35. ruel soriano

    ang ganda ng takbo ng istorya kahit pa sabihing medyo bitin but, maganda ang pagkakahabi nito at talagang batay sa realidad ng buhay..mabuhay ka kaibigan….

  36. lorenz

    a very nice story… it made me realize that so many people here in our country wants to go to school but they can’t because of of poverty and their status in life…

  37. belle

    ganda !!!

  38. estella

    okay ah…galing…..mabuhay ka tol…..

  39. cleist

    ang sad naman ng ending ng story… Pano na ang future ni tino!!

  40. monik

    ano po yung mga tagpuan, simula, saglit na kasiglahan, tunggalian, at wakas ng story na 2? would u allow me po ba to use ur story for a short story review?? tnx po..ung answer po, pki send nlang po sa email q…if u don’t mind…i’ll be waiting po!!! tenkyu so much!

  41. vannz

    aus!!! may sumpa ung storya na ‘to!! lam nio kung anu?? pagkatapos na pagkatapos nung storya, d mu mapipigiliang sambitin ang mga salitang ito………………..GANDA!!!!!!! SOBRA!!!!!!
    hehe.. salamt pu dahil naka2long po i2ng maikling kwento na ito sa assignment ku..

    maraming salamat.. sana makagawa k pa ng mga ganitong storya… inspiring…

    XD

  42. christine

    ang ganda ng story, inspiring. salamat po.

  43. †AishaCate†

    Ang GanderZZZZZZZZZZZZZ,…………………..Bongatious!!!!!!

  44. angel locsin

    wow, super ganda ng kuwentong ito. ngayon lalo kong narealize na tlagang mahalaga ang pag-aaral ngunit mayroon pa rin mga kabataan ngayon na binabale wala ang pag-aaral. if i can see Tino now, i will salute him, kse talagang gustong-gusto niyang mag-aral. Para kay Noel Sales Barcelona, BRAVO!!! salamat sa paglikha mo nitong magandang istorya na ito. sna gumawa ka pa ng mga inspiring stories. salamat!!

  45. inume

    this short story ios interesting, the title itself is already interesting and its like a true story of everyong in this world and i can relate on it. GOOD JOB!! hope you’ll do alot of story that has a moral lesson, and GOD BLESS!! hope that God will give you more wisdom to write more story and become popular.

  46. mm

    maraming bata ang mahirap
    suwerte pa nga si tino dahil meron pa siyang pamilyang sinasandalan
    yoong iba di na nga nag aaral di na kumakain
    at wala nang pamilya

    magandang storya
    mali pala napakaganda

    para imulat ang mga estudyanteng nag papahalaga sa edukasyon

  47. eden

    ang ganda nmn ng istoryang e2..gustong gusto talagng pumasok ni Tino sa eskwela..syang nga lng at nangyari un sa knya.. salamat po sa pagshare..(^_^)

  48. gelle

    ok lng poh ma-publish add quh!!!!

  49. dhomzkie

    i was not thrilled to the ending kasi the author gave signs na kung ano ang ending…but still the flow of the story is good…galing ng kuwento and very inspirational…

  50. derrick

    wow grabe amizing nd such a sad stori. nd ngaun napaisip aq na ok lng nmn pala mag joining programs helping the poor. might as well give spare money ranging up hundreds or so than wasting it for some sick game xD

1 2 3

Leave a Reply

No to Conass! Proudly Pinoy