It seems we can’t find what you’re looking for. Perhaps searching can help.
Author Archives: j.luna
Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro na nagtapos ng BSE-English sa PNU.
Nagwagi na siya ng Genoveva Edroza-Matute award, at bagamat di niya trip ang "Kuwento ni Mabuti" ni Ma'am, ay lubos niya parin itong hinahangaan at rinerespeto.
Si j.luna din ay kumatawan sa NCR para sa essay writing sa isang contest ng Philippine Assoc of State Universities and Colleges nung nasa kolehiyo pa siya. Nung araw ng pambansang patimpalak ay lasing si j.luna, at di niya alam kung ano ang pinagsusulat niya at tinalo ang NCR ng mga taga ibang region..Okay lang, nagastusan naman siya ng eskuwelahan at may allowance pa.
Mula ng gitna ng 2006-unang bahagi ng 2008, nagkaroon ng mahabang writer's block si j.luna. Malamang ito ay dahil tumigil siya sa pagm-marijuana nung mga panahong iyon dahil laging may drug test sa dati niyang shit job.
Paminsan-minsan ay jumajamming siya sa bandang the Brockas (Khavn Dela Cruz, Lav Diaz, Rox Lee, Norman Wilwayco, John Torres, Tengal Drilon)
Si j.luna ay isa ring UG na graffiti writer.
Sa ngayon si j.luna ay isang writing instructor, binabayaran siya upang laiitin at lagyan ng kumento ang mga essay at thesis na pinapadala sa kanilang opisina.
Ang mga impluwensiya ni j.luna sa pagsulat ay sila Don Delillo, Faulkner at Edgardo Reyes. Wala pa siyang nababasa sa mga gawa ni Bob Ong (At wala siyang balak.)
Sa Ngayon siya ang Spoken Word/Performance Artist at Vocalist ng Banda nila ni Norman Wilwayco na TOM ESTRELLA sr AND THE SHADOWS. Kasama din nila sa bandang ito si Lem ng The LOWTECHS at nagdrums narin para sa kanila si Khavn Delacruz sa Mag:net.
Nagm-marijuana na uli si j.luna at nagsisimula na uling magsulat.
