About

Itinayo noong 2001 bilang isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba pang akda ng mga kabataang Pilipino.

Muli nating binubuhay ang Tinig.com ngayong 2017 upang magtampok ng mga opinyong may pinaghuhugutan.

Sana’y samahan n’yo kami sa muling pagbabalik ng Tinig.com.

Ederic Peñaflor Eder
Patnugot