MULA
SA PATNUGOT
Sa
wakas, ang Tinig.com!
Nabuo ang ideya
ng paggawa ng isang online magazine matapos ang tig-isang termino
namin ni Suyin (Tinig.com associate editor) bilang mga punong patnugot
ng Tinig
ng Plaridel, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Kolehiyo
ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nag-enjoy kaming
masyado sa Tinig ng Plaridel, na 1997 pa lamang ay may Web presence
na, kaya naisip ko ang isang online zine na ang magiging staff ay
kami-kami rin sa Tinig 1997-98 at 1997-99. Pero dahil mga graduate
na at medyo 'di na madalas nagkakakitaan, bukod sa ang iba'y hindi
naman laging online, natagalan ang pagbubuo nito.
Gayunpaman,
tuwing magkikita-kita o magkakapalitan ng e-mail at text messages
ay nababanggit namin sa isa't isa ang binabalak na online magazine.
Naging bukambibig pa nga ang "Kailan ang meeting?"
Matapos ang
dalawang taon, hindi pa rin nai-set ang unang pagpupulong, kaya
naisip ko nang ituloy ang plano kasama ang kaibigan at kapwa writer-netizen
at taga-UP rin na si Noel (managing editor). Sinimulan
na namin ang brainstorming para sa site. Sina Noel at GJ (art director)
ay nagsimula na ring mag-conceptualize ng mga karagdagang features
gaya ng komiks.
Matapos na masaya
kong ibalita kay Suyin na okay na ang domain name sa site na napagpasyahan
naming tawaging Tinig.com, nagsimula na kaming mangolekta ng mga
artikulo.
Karamihan sa
mga mababasa ninyo sa Tinig.com v1 ay yaong mga tumugon sa panawagan
namin para sa mga kontribusyon:
Sinisikap naming
mapalawak ang sakop na subject area ng mga artikulo sa Tinig.com
kaya naman bukod sa sanaysay ng isang militanteng
texter at pagmumuni-muni ng isang bagong
aktibista ng EDSA't Mendiola, narito rin ang mga hinaing
ng isang pogi at ang mga isipin habang
naglalakbay si
killerpogi.
Aalayan naman
tayo ng dalawang mga tula ni Jun. Samantala'y
pakinggan din natin ang pahayag ng Akbayan-Youth
at mga kaalyadong grupo ng mga kabataan hinggil sa special registration.
Salamat kay
Boyet Caparas, isang abogadong nag-a-advocate ng karapatan ng mga
bata at isa sa mga consultants natin sa Tinig.com, sapagkat inanyayahan
niya tayong sabayan sa pamumulot ng basura ang mga kurakot
boys.
Iba't iba ang
kwento ng ating mga manunulat sa isyung ito.
Malapit na noon
ang Binibining Pilipinas at medyo excited si Tembarom sa pagkakasali
ng kanyang crush na dating kaeskuwela. Isinulat niya ito sa Peyups.com,
na buong puso namang nagpahiram ng nasabing
artikulo sa Tinig.com.
(Salamat nga
pala sa Peyups.com,
Bb. Pilipinas
Homepage, at sa Philippine
Journalism Review para sa mga larawan.)
Tila higanteng
alon naman ang daluyong ng alaala ng pagmamahal ni Tina sa kanyang
namayapang lola.
Galit sa vandalism
si Ms Angel, pero mahilig makipag-penpal
ang isa pa nating contributor.
Siyanga pala,
kung nais ninyo ng simple at maikling e-mail address, mag-sign-up
na sa libreng e-mail ng Tinig.com
na inihahatid sa pakikipagtulungan sa Everyone.net.
Inaanyayahan
namin kayong maging palagiang panauhin at contributor ng Tinig.com.
Maraming
salamat,
Ederic