Isang karaniwang araw sa isang karaniwang unibersidad, sa isang pangkaraniwang klase, sa isang pangkaraniwang silid-aralan, bumisita ang isang Salamangkero. Salamangkero, iyon ang pagpapakilala niya sa sarili niya, pero walang sinuman sa loob ng pangkaraniwang silid-aralan ang naniwala sa kanyang pagpapakilala. Sa totoo lang, wala siyang espesyal na pisikalidad na magpapatotoong siya’y may kung anong mahika. At sa totoo lang, wala naman talagang pumapansin sa kanya, walang gustong makinig. Ang mahika’y isang malayong konsepto na para sa mga taong nasa silid, bukod pa sa nakalipas na ang maraming oras ng paglalabas-pasok sa napakaraming mga klase’t pagod na ang lahat para makinig o manood sa mga bagay na wala silang interes. Kung di pa naawa/ naintriga ang guro’y hindi na pinapasok ang bisita.

“Kumbinsihin mo kami.” Masungit ang tono ng isang estudyante. Tumango-tango ang guro’t mga kamag-aral.

Pinapikit ng salamangkero ang kanyang mga tagapanood. Pinapikit, ipinataboy ang liwanag sa mga mapanuring mata. Lumipas ang ilang segundo.

“Ngayon, kayo’y dumilat.” Malakas ang tinig-panggulat ng salamangkero. Dumilat ang lahat.

“Masdan ninyo, naglaho na mula sa mundo natin ang mga kaeskuwela ninyo.”

Tumingin-tingin sa paligid ang mga tagapanood. Pilit na tinandaan kung sino ang kanilang nasa kanan, kaliwa, harap, likod. Binalasa ng guro ang kanyang index cards, siniyasat ang listahan ng mga pangalan. Tila parang walang nawawala, parang wala namang pagbabago. Nagsisimula pa lang pumasok ang Hulyo, hindi pa kabisado ng bawat isa ang hubog ng mukha, amoy, pananalita’t porma ng kani-kanilang mga kasama. Pero nakasisiguro sila, walang sinumang kaibigan o kakilala ang nawala, walang anumang maliit na bakas ng pagbabago. Magkakasama pa rin sila’t isang malaking istorbo, isang malaking panloloko ang pag-aabang na makumbinsi ng bisitang Salamangkero.

“Nasasayang lang ang aming araw,” ang sabi ng isa.

“Walang pinag-iba sa napakaraming mga manloloko,” dagdag pa ng isa.

“Kung nagpatuloy na lang tayo sa ating leksyon, sana’y may natutunan pa tayo.”

Nauubos na ang pasensya ng mga tagapanood. Sumesenyas na sa kanyang relo ang guro. Muli, nakiusap ang salamangkero, isang sandaling pagpikit, at maipapakita niya, maipapamalas ng kanyang mahika ang totoo.

“Narito,” ang sigaw ng salamangkero pagkatapos ipabukas ang mga mata ng kanyang mga tagapanood, “narito ang inyong ama, ina, nobyo, nobya, asawa, kaibigan, kapatid, anak, narito ang lahat ng taong pinakaiingatan ninyo sa inyong mga kaloob-looban!”

Tatlong inuuod na katawan ang gumulat sa guro’t mga estudyante. Tatlong katawang batbat ng pagkaagnas. Tatlong piraso ng lamang sa pagkabulok ay wala nang pagkakakilanlan. Ang kataka-taka, walang anumang bakas ng nakasusukang alingasaw, walang tanda ng anumang baho ang mga nakatayong bangkay. Ang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis, ng pag-uusisa.

“Aba, sino naman ang mga ito? Wala sa wangis nila ang kahit na sinong kakilala ko!”

“Walang amoy, wala na ring mata, ilong, wala nang hubog ang katawan! Baka halimaw o demonyo!”

“Oo, demonyo! Isang ilusyon! Isang panloloko!”

Biglang naglaho ang Salamangkero, kasama ng tatlong katawang inuuod. Kasabay ng kanilang pagkawala ang paglalaho ng kanilang alaala mula sa isip ng guro’t mga mag-aaral. Nagpatuloy ang klase sa kanilang leksyon, nagpatuloy sa pag-usad sa kanilang araw. Isang pangkaraniwang araw, isang mahaba, nakababagot, isang paulit-ulit na karaniwang araw. Samantala, sa isang tagong lugar sa unibersidad, nabuwal ang isang matandang puno. Walang sinumang nakarinig sa pagbagsak, walang sinumang nakakita ng pagkakalaglag.

Join the Conversation

73 Comments

  1. well medyo bitin ang kwento!ganyan b talaga ang maikling kuwento?napa isip tuloy aq.pwedeng pkisagot ang tanong ko?

  2. sana makagawa ka pa ng iba pang mga kwento pero sana naman sa susunod, mataas na. Para sa iyo ako kukuha ng maikling kwento para sa aming home reading report

  3. Well, ok n rin!!!!!!(++,)!!!!gagamiTEN KO na lng toh 4 OUR filiPINO PROJ.!!!!(+@,)!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. tanga kaba ANGEL GRACE T. GAJE kaya nga tinawag na maikling kwento translate mo lang ng eng. duh!

  5. Ang ganda nga nga kwento….. nkaka touch ang moral lesson…. sobrand bilis na kc ang kilos ng mga tao…masyado nang high tech. Hindi na napapnsin and mga bagay na akala natin ay hindi makaka apekto sa buhay natin.

  6. mganda.,nakakatakot.,mejo bitin nga tlaga.,pero ok xa.,perfect for my filipino activity…one of my choice na ‘to.,hehe…

  7. walang kwentang kwentooo!!! how boring!!! nanood na lang sana ako ng blues clues! matatawa pa ko kahit pambata lang un!! n_n

  8. Tanga ka ba wilyam sheykspear???? nagsasabi ka na “its kinda boring” pa.enlish-english pa tapos paano mo nalaman na boring ang kwento kung hindi nkakaintindi? wala ka lang yatang magawa eh.. ang mga matatalinong tao lamang at may passion sa mundo ang nka.kaintindi ng kagandahan ng kwentong ito… kaya kayong mga hindi nkakaintindi, wag nalang kaya kayong pumapel..

  9. ayos lang ^^ .

    masmaganda sana kung mas pinahaba mo pa ung gitna para kahit papano nag karuon ng kabuluhan ung dulo.

    H-ave
    A
    N-ice
    D-ay

  10. isa pa nga pala. walang eksaktong tauhan sa kwento mo Vlad, mahirap kasi maunawaan ung kwento kung wala. (lalu na dun sa mga average ang I.Q.) ^.~

  11. hindi naman ibig sabihin na maikling kwento eh maikli na…ang ibig-sabihin lang nito eh yung bandang dulo eh di tinatapos xe yung mga mambabasa ang hinahayaang mag-isip kung anu b ung kinawakasan nun…haha..yun lng po…d’best

  12. kala ko maikli… yon pala ang taas.. maganda ang naging katapusan ng istorya…

  13. anu ba yan!!!!!
    ang ba2baw nio!!!

    ang hi2na ng I.Q. nio!!!!

    d nio n getz??

    actually ako rn, d n getz…

  14. ayyy…. d ko nmn mgagm8 to, mganda po ung kwen2, nauunawaan ko po kxe po mataas ang I.Q ko, pero sa mga mabababa ang I.Q, ay asa pa kau, weeeeeeeeeeeeeeeeee…………….

  15. .Nov.24,2007LegendaryNotesfrom4109toisangarawngpamamalikmataXtinig.com……m.a. Says:
    August 3rd, 2007 at 5:48 pm
    Well, ok n rin!!!!!!(++,)!!!!gagamiTEN KO na lng toh 4 OUR filiPINO PROJ.!!!!(+@,)!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ZAck Says:
    November 20th, 2007 at 6:00 pm
    nc medyo my pgka weird din!!!!!!
    erika Says:
    October 9th, 2007 at 7:18 pm
    ay anu ba yan..

    sayang ang panget ng story..
    bibtinzz ####

  16. sorry ah pero kanina ko nababasa ung comment na “ang taas” or sana sa susunod “matas na” anu po ibig sabihin nun? curious lang… anyway medyo bitin yung story pero i like it, very significant ung ending… in the end it’s not about the continuity of the story but about the things that happened in the background…

  17. ‘Weird’ pero may punto sya na pina-aabot sa atin… nkakatakot ng konti, mahiwaga pero mganda. maayos ang pagdidilebera ng kwento, ngunit medyo may pagka ‘wala lang’ kung baga.. may laman sya pero di basta-basta mkikita ng iba kung d tlaga susuriin ng mabuti,. NICE

  18. wow! nice story, n getz ko xia… about pala ito sa kamatayan at paglimot ng isang tao..

  19. well,, ok xa..
    the best…

    kya lang,, honestly, di ko msyadong magetz…

    ahmmm.,, yung MGA MATATAAS ANG I.Q. DYAN,, paki explain ng mabuti..

    thankz…

    I’ll be right back..

    thnxz again…

  20. nka2tuwa,pwd n pla mag-away di2? xianga po pla,sana habaan pa kc bitin po ang storya..salamat

  21. helo ///_-? pwede ba sa susunod lag yan naman ninyo ng buod kasi yun ang mahalaga sa maikling kwento……………………..add nalang me at cole_toxin@yahoo.com Friendster to ha hehehehehe^-^

  22. sino D2 ang naglalarong MUOnline Philippines at Rf online war tayo ha hehehehehe joke lang …………… metecafe.com/\?\/ Pichunter.com

  23. wow..xalamat at nagkaproject din aq sa filipino!!ahahaha..gawa ka pa ng iba para xeo nalang aq kuha..don’t worry…ilalagay q ung name mu…i will not commit plaigarsm..im not lyk that…xalamat ulet!!!Ãœ…♪

  24. salamat may project na ako!!. .

    d ko lang alam kung ano kinalamn ng puno sa story eh. . interesting nmn!!

  25. it seems like very weird, i like the story… but… i think it isn’t finish yet…

  26. the story is nice,

    but i don’t get it…

    really…

    i don’t understand!

    i mean, what’s the message???

    but anyway,

    imma’ use it in my filipino project… :p

  27. ngayon lang po ako nkabasa ng work nyo.
    ayos.
    nakakasisi na sinayang ko yung chance na matuto
    sa PanPil17 class naten.
    sorry ser! T_T

    -ge (king, panpil17, drop)

  28. … well! i find it very interesting..

    ….and i liked it very much, mejo mysterious ang dating pero maganda!

    …. hehehe more pah oplzzzzzzzzzzz

  29. maganda po yung kwente.,,,, pwede po b ng favor??? pwede po bang pa gawa ng talumpati po na ang pamagat po ay ” WIKANG FILIPINO SA AKADEMIKONG LARANGAN”,,, na hindi po hihigit sa 400 words,,,,,FINAL exam po kc namin yan thank you very much

  30. Maikling kwento ba ‘to?

    Ba’t ang haba-haba?

    Maikling kwento ay isang storya na maikli tungkol sa importanteng okasyon. (duh!)

  31. hehehehehehehh…

    medyo weird ang kwento,

    but its ok naman…

    dquh magetsz kung bakit nawala at

    kung anung ginagawa ng 3 inuuod na tao dun…

    whahahahha….

  32. panu bayan..kailangan ko ng sampung kwento..e kung ganito banaman kahahaba haba haba……..ng mga kwento..kahit na tinawag na maigsi..eh..matapos paba kaya ako nito. o.O”..kailangan tuloy mag tyaga ng todo todo!wala ng tulugan ‘to!-_-‘

  33. Napaisip ako hindi lang ng kwento kundi maging ng mga komento:
    (1) Tila ba walang tiyaga ang mga batang-mambabasa. Tila ba walang tunay na pagtangkilik, tunay na pag-appreciate. Na tila laru-laro lang.
    (2) Hindi bitin ang kwento. Sapat na ang haba ng mga linya. Na nangangailangan ng isang mas mataas na lebel ng pag-unawa, nga marahil, ng lubusang ma-aapreciate.
    (3) Sa akin lang, hayag na: Dinadala ng kwento ang mga mambabasa sa mga posibilidad ng ibang kairalan; na may pagkwestyon rin sa ginisnang realidad. Sa ginisnang realidad kung saan patuloy at patuloy lang ang tao sa kanyang pag-iral, dinadala tayo sa siwang ng iba pang realidad.

  34. sana maraming kuwentong pantasya ang lumabas sa tinig.com tulad ng tungkol sa mga ibang mundo o ibang nilalang…

  35. tnx. p0 tanung lng po anuh po bang year ang paglalathala nito? at anung uri ng panitikan po ito?????

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.