Kakaiba ang hapong iyon dahil sa isang kotseng pulang nakaparada malapit sa may seawall. Amerikano sa tingin ko ang nakikipag-usap kay Ineng–ang dalagitang nakagiliwan ko nang bilhan ng sampagita.

Isang matinis na hagikhik ang narinig ko mula sa mapupula niyang labi. Iba ang dating ng hagikhik na iyon. May kilabot.

Nagbalik sa gunita ko ang unang pagkikita namin malapit sa seawall.Tuliro ang isip dahil sa isang istoryang hindi maisulat-sulat bagaman ilang ulit nang napaglipasan ng deadline.

Kunsabagay, marami namang nakaimbak sa aking file. Hindi mauubusan nang maiimprenta ang magasing pinagsusulatan ko.

“Bili na po kayo ng sampagita,” sabi niya. Bungad niya sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko.

Dumukot ako ng isandaang piso sa bulsa at pinakyaw ang kanyang sampagita. Hindi ko alam kung bakit ko pinakyaw ang mga bulaklak na iyon gayong wala naman akong mapagsasabitan.

“Salamat, kuya. Ano po’ng pangalan ninyo?” sabi niya.

“Bakit mo naitanong?” tila nasusuya kong sabi.

“Wala lang. Gusto ko lang pong malaman, masama po ba?” untag niya, palabi. Noon ko lang napagmasdan na napakagandang bata pala niya. Isang napakagandang dalagita.

“Lino.” Sabi ko sa kanya tila may katabangan.

“Kuya Lino… Salamat po.” May ngiti sa kanyang labi. Sa mga mata niya, may isang bagay na hindi ko mahiwatig subalit may dalang kilabot sa kaliit-liitang himaymay ng aking namamanhid nang utak.

Kilabot na nahalinhinan ng pamamangha dahil sa mga mata niya, mahihinuha mo ang lungkot at ilang hibla ng panghihinayang sa isang bagay na kung ano.

“Hindi mo ba ako isasama tulad ng ibang naka-kotseng tulad mo?” sabi niya. Lalo akong namangha. Nakapagtataka.

“Isama saan?”

“Kahit saan.”

“Hindi. Dahil pupunta ako ng publishing house. Baka hindi mo magustuhan doon.” Parang nalungkot siya sa sinabi ko. Dinagdagan ko ng dalawang daan pa ang perang iniabot ko sa kanya. May pigil na ngiting pumilas sa magaganda niyang labi.

“Ilang taon ka na nga pala?”

“Disisais. Sige kuya, pupunta muna ako roon ha?” sabi niya. May paggiliw. Hindi ko maintindihan. Parang lalong naging mahiwaga ang hugis niya sa agaw-liwanag ng papalubog na araw sa dibdib ng Manila Bay.

Noon ko napansin ang kanyang suot. Saka ko lang napansing marami pala silang may tangan ng sampagitang lumalapit, humahabol sa mga de-kotse. Nag-aalok ng sampagita. Sumasakay sa kotse.

Noong hapong iyon, nakita kong muli siya. Pero hindi ako ang binibentahan niya ng sampagita. Iyong Amerikano sa kotseng pula.

Hindi na ako nagulat nang sumakay siya sa pulang kotse. May mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko. Noon ko lang naalala, tuyo na pala ang sampagitang nakasabit sa leeg ng imahen ng Mahal na Birhen sa aking kuwarto.

Si Noel ay kasalukuyang manunulat ng mga pahayagang Pinoy Weekly, Pinas at Silangan Shimbun. Nailathala na ang kanyang tula at sanaysay sa iba’t ibang pahayagan, antolohiya at chap book. Bukod sa pagiging makata at diyarista, siya rin ang coordinator ng National People’s Media and Press Center of the Philippines, Inc. – isang media NGO na nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag at tagapagbantay ng demokrasya sa bansa. Kasapi rin siya ng Kilometer 64 Literary Collective at nagsisilbing pangkalahatang kalihim ng samahan.

Noel Sales Barcelona

Dating patnugot ng pahinang pang-overseas Filipino worker (OFW) at internasyonal ng Pinoy Weekly si Noel Sales Barcelona. Naging public information...

Join the Conversation

55 Comments

  1. Kay kasamang Batotoy:

    Ang Sampagita ay isang kuwento sa kategorya ng “dagli” o “flash fiction” sa Ingles. Hindi nito kinakailangan ng mahabang pagsasalaysay kundi ang direktang paglalarawan ng pangyayari sa isang masining na paraan.

    Salamat pa rin sa iyong komentaryo at MABUHAY KA!

  2. ur story may be short but it is meaty enough for readers. i like the story, the theme, the msg u wanted to implied and of corz the flow of the story.

    ur story shows something that truely happen in our society now!

    Realistic!!!!!!!

  3. mmmmmmmmmmmmaaaaaaaaaaagggggggaaaaaaaaannnnnnnnndddddddddaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. MAHUSAY… TILA KAHAWIG NG “ANG DALAGINDING”. MAAARI PO BANG GAMITIN KO ITO SA PAGSUSULIT NG AKING MGA MAG-AARAL?

  5. maganda po siya kuya noel… makatotohanan at tama para sa makabagong panahon..

    ginamit ko po ito sa aking proyekto.. para maipahayag sa ibang tao..

    salamat po..

  6. Erm damn! this one’s too short i was just actually browsing through diff results since i’ve got a FILIPINO short story report. erm i don’t get it though.
    :[

  7. galing..ano yun d q naintidihan….any wat thnx pwede qng kopyahin project namin sa pilipino hahaha…matago-tago taku losan hahahaha

  8. Hindi ko po maintindihan ang ibig ipahiwatig ni Lino sapagkat napakaikli ng istorya…………….!!!!!!!!!!!

  9. nakalulungkot isipin subalit totoo
    may mga ganitong pangyayari na hindi
    dapat itinatago bagkus ilabas at
    ipaalam sa marami hindi upang manghamak
    kundi upang ipahiwatig na kailangan
    nang gumawa ng mga hakbangin upang
    malunasan ang sakit na ito ng lipunan

    mabuhay po kayo ginoong barcelona

  10. ok ang kwento, well, sa mga hindi nakaintindi, sorry kayo. Magbasa kayong maigi!

  11. maganda ho ang istorya, wag kayong makinig sa mga hindi naka intindi! :p maganda at medyo malungkot rin.. nakarelate kase eh ^^

  12. Okay lang… Kung nasa katergorya ito ng “flash fiction,” mas maganda sana kung hindi ka pumili ng paksang kinakailangan ng malawakang pagsasalaysay. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi makasunod ang ibang mambabasa.

  13. ADEDEVDEV?? … mam Campos ikw b yan??? yan ang exam namin last tym ah … hahaahhhah ..

  14. kuya., ginamit ko itong maikling kwento mo para sa project nmin sa filipino.
    nagustuhan ko ito dahil sa maikli lng yet puno nmn ng emosyon.

    thnx!

  15. sir noel, gagawa po ako ng thesis ok lang po ba na gawan ko ng illustration ang mga sinulat mong kwento.? bale gagawing book… gagawa po kasi ko ng book illustration eh.

  16. Maganda ang kwento lalo’t ma kapag binasa mo sya mula sa puso. You are a good writer continue that sir c:

  17. maganda ang kwento
    naunawaan q ang nais
    ipahiwatig nito
    kya pla pinamagatan
    itong “sampagita”
    hindi lamang dahil sa
    nakila2 nya ang bata n
    ang tinitinda ay sampagita
    kundi itoy merong sinisimbolo..
    pag patuloy nyo po ang paglikha
    ng maga2ndang kwento..^_^ maraming
    salamat po..

  18. dami comment ha.. mabenta mabenta sa market…

    ala nga lng +….

    need pa lux at fine burr…

    wakocoke……………………………………………..

    nabitin ako…..

    pakidagdagan naman oh

  19. kuya noel, alam niyo po ba na ako ang nag palaganap ng website na to sa mga classmates ko?..

    heheh..

    wala lng, sinabi ko lang, kasi nakakatuwa ung mga kwento mo,..

    lalo na tong sampagita…

    ano po ba talaga si Ineng?,…. kasi parang bitin ako eh…

    d ko alam kung slut ba siya, kasi un ung iniisip ko eh…

    sumasakay sa mga sasakyan,….

    naguguluhan po talaga ako..

    plsss reply ka po,…

    nweys, maraming salamat po dahil sa inyo may nagawa akong proyekto sa Filipino…

    sasabihin ko po sa inyo kung ano ang nakuha kong grade..

    salamat po tlaga ng madami…

  20. nakaka-dagdag ng puot sa dibdib mula nung nabasa ko yung part na sumakay si ineng sa pulang kotse… : (
    ang ganda po ng kwento nyo.. gumawa pa po kayo ng maraming kwento yung maikli pero tagos sa puso yung tema…

    ahhhmm.. pwede ba hingin yung plate no. ng pulang kotse?.. kasi ipapa trace ko sa kuya ko.. at ipapasabog ito… hehe..

    at tsaka kuya bat po ninyo tinanggap ang alok ni ineng sayang naman… bata pa sana sya… wahehehehe…. joke lang po… thnx po ulit…

  21. elow po, salamat po sa sagot ah kuya noel…

    nakakatuwa po tlga un kwento..

    kakatuwa…

    love it….

    hahaha…

  22. maganda,actually habang binabasa ko ito sa tanong pa lang na “Hindi mo ba ako isasama tulad ng ibang naka-kotseng tulad mo?” nahulaan ko na ung trabaho nia aside s pagbebenta ng sampagita lalo na nung malaman ko na disa sais na cia..

    tnx for this inspiring story.. keep up the gud work po:-)

  23. hehehe basahin ko muna bago ulit comment cguro kwento neto babaeng kumakain ng sampaguita hehehehe kung cno man ang gumawa nito thank you kac kailangan ko ng maikling kwento

  24. yehey may assignment nanaman me……
    sau ko rin pouh nakuha ung isa pang assignment…..
    ung bote, dyaryo, bakal……
    lamat……

  25. Sir Noel…
    ang yong gnwang kwento ay tlgang napakganda…. kbbasa q lang p ng iyong gwa at nais q po sana itong gamitin pra sa aking thesis… salamat….

  26. pgmit po ng gwa nyo ha..nid po kc nmin mag act ng isang flash fiction..gnda po kc kya yan po npili nmin..

  27. maganda nman poh ahh!! sa mga hindi msyadong inintindi ung story talagang panget nga pero kung inintindi lang poh ntin, ITS A REALLY NICE STORY!!

  28. may laman ang kwento. may minsahe na nag=iisip ang mga mambabasa. Readers are educated with this kind of story. This is my first time to submit a comment. Keep on writing.

  29. hehe congrats kuya hehe sa wakas nakahanap na rin kami ng maikling kuwento meaning ful naman ito eh!

  30. tama…
    may laman ang kwento

    hindi naman
    makikita ang ganda
    ng isang kwento
    sa haba o sa ikli nito….

    mabuhay ka kaibigan

  31. bumigat ang dibdib ko sa pagbasa ng iyong mga akda,naparami kasing dapat gawin ng gobyerno sa mga sitwasyon n ganyan kaya lang iba ang kanilang pinagkakahabalahan…..siguro gagawin ko na lang ang magagawa ko personally…magsisimula ako sa pamilya….if i contribute 2 responsible kids now in our society mababawasan ang mga katulad ni ineng at ni ding…………….your great writer

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.