Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam. Kung minsan lalo akong nabobobo. Yun bang sa halip na madagdagan ang alam ko nababawasan pa. Nahahawa na rin yata ako sa pagka-old type at pagkatrapo nung ibang mga titser dito. Ayoko talaga ng ganito. Gusto ko na ngang layasan ang iskuwelahang ito kaya lang napipigilan lang akong gawin. Syempre iniisip ko rin mahirap nang humanap ng ibang mapapasukan. Kung yun ngang iba ilang taon nang tapos hindi mapasok-pasok kasi walang iskuwelahang tumanggap. Hindi dahil sa tanga o mahinang klase kundi dahil sa walang kilalang makapitan kaya kahit magaling at naka-rank na, nalulundagan lagi ang pangalan. Kasi hindi siya pamangkin ni ganito at ganireng malakas sa Division Office.

Kaya dapat sa mga colleges at universities idagdag sa curriculum ng Education ang subject na witchcraft para kung hindi makuha sa ordinaryong proseso ang pag-aaplay, daanin na lang sa kulam. Ha! Ha! Ha! Ngayon hindi na palakasan sa kakilala ang labanan kundi palakasan na sa taglay na kapangyarihang itim. Kung sino ang may pinakamatulis na karayom at may pinakamabisang chaka doll, tanggap!

Ako, narito na sa public school, permanent pa. Sayang naman yung mga pinagdaanan ko makakuha lang ng item. Nagtanga-tangahan, nagmukhang asong sumusunod sa mga screening test na ginagawa ng mga principal at supervisor. Mapansin lang, matandaan lang ang pangalan nagbibitbit ng kung anu-ano kaya gustung-gusto ko mang layasan ang sa palagay ko ay nakakasikil ng utak na trabahong ito, hindi rin naman ako ganun kagago para sayangin ang mga hirap na naranasan ko.

May asawa na ko pero wala pa namang anak kaya hindi ko pa masyadong nararamdaman ang liit ng kita ng isang titser. May mga pagkakataon pa ngang maluwag na maluwag sa pera. Pagka ganon, gala ako sa bayan, kakaing mag-isa sa Jollibbee o-order ng value meal na masarap-sarap nang kaunti. Maglalakad nang mayabang sa daan kasi may kahit papa’nong pera sa bulsa.

Pag napagod papasok sa Internet café at magbubukas ng mga website na may picture ng artista. Pagka bagong suweldo unlimited ako kung mag-Internet. Pero pagka walang-wala, nagkakasya na lang sa pa-30-30 minutes okey na yon. Makita ko lang ang picture ni Angel Locsin.

Kapagka sawa na ko sa mga artista pinupuntahan ko naman ang website ng pukinginang GSIS. Nagbabasa-basa ng mga implementing policy and regulations. Saka tinitingnan kung ano-ano na ang mga naging pagbabago sa magaling na paseguruhan ng mga empleyado ng gobyerno. Yes! We feel secured! Grabe, Sobra, I feel Shit, pag sinasabing insurance system pala ang GSIS. Para kasing marami sa member hindi aware.

Kung bakit ko yun ginagawa dalawang bagay: una talagang mayroon akong feeling na tungkulin kong buririin ang kaletsehan ng GSIS dahil bihira yata sa iskuwelahan namin ang marunong mag-Internet, pangalawa kapagka may tsikahan tungkol sa GSIS ako ang laging bida ang dami kong nasasabi na alam kong nuon lang nila narinig. Mayabang ang feeling pagka ganon. Ha! Ha! Ha! Thank you GSIS naikakadkad ko kayabangan ko.

Matapos kong libangin ang sarili sa Internet at pagpasok-pasok sa mga kung anu-anong tindahan (pero hindi naman ako bumibili puwera na lang kung maganda sales lady–napipilitan akong bumili kahit halagang singkuwenta) namimili naman ako ng grocery para sa bahay. Hindi naman ako ganon kasama iniisip ko ring may dapat paglaanan yung pera ko. Ha! titser yata ako! Nakakatawa talagang maging titser yung taong paminsan-minsan salbahe.

Hindi ko naman buwan-buwang nagagawa yung full time na lakwatsa. May mga pagkakataong nakokonsyensya kong gawin yon. Kasi naiisip ko titser na ko tapos nakikita ng estudyanteng pakalat-kalat pa sa kalsada. Tapos hinahatinggabi sa pag-Iinternet at ang madalas pang binubuksang website pang-artista.

Bakit nga ba ganon? General thinking na ng tao na pagka titser kailangan laging mukhang kagalang-galang, kailangan laging tama ang ginagawa. Panghawakan lagi ang sinasabing highest standard of morality.

Bawal magmura. Bawal umutot sa harap ng ibang tao; kung gagawin man kailangan disimulado–walang tunog.

Parang nung minsan sa department namin, kumakain pa naman kami ng spaghetti kasi may nag-blow-out. Tapos biglang-bigla, sabay-sabay kaming nagtakipan ng ilong. Tahimik bigla, walang kumikibo. Ibig-ibig ko ng sumigaw ng: “Mga buwisit kayo ang baho!” Kaya lang naisip ko baka sila maiskandalo, hindi nga pala sila sanay sa mga taong brutal kung magsalita.

Hanggang sa mawala, walang kumibong may umalingasaw na masamang hangin na galing sa puwit na masama kung tumayming. Nagtayuan lang. Pero alam ko nagpapakiramdaman kaming pare-pareho kung sino sa amin ang nag-almusal ng itlog kaninang umaga sa kantina ni Aling Greta.

Sa ‘kin wala naman sigurong masama na hawakan ang highest standard of morality. Yun e kung kaya mo araw-araw na magpaka-Maria Clara.

At higit pa roon kung Maria Clara ka rin ba sa bahay n’yo? Baka mamaya mo ikaw pa ang nangungunang nagyayaya ng tong-it sa mga kapitbahay. E baka naman gusto mong kilabutan kung sasabihin mo pa ring titser ka at kailangan kang galangin dahil may highest standard of morality ka.

Simple lang ang punto may mga pagkakataong pakiramdam ko kailangan kong maging matapat sa mga estudyante para mapaihatid sa kanila ang tunay na halaga ng edukasyon.

Naniniwala kasi akong hindi lang sa paraan ng pagsasabi ng maganda o tamang halimbawa matuturuan ang bata. Puwede rin namang the other way around. Pasaway o pajologs na version–sabihin mo ang mga pagkakamali mo sa buhay. Sabihin mong paminsan-minsan okey lang maging gago.

Akalain mo minsan naamin ko sa harap ng estudyante na kapagka may namamalimos sa ‘kin sa halip na bigyan ko pinandidirihan ko pa. Inamin ko rin sa kanilang pinakahilig kong trabaho nuong araw ang mangopya ng sagot ng katabi kesa mag-review. Ewan ko, hindi ko rin tantyado kung papa’no o ano naging dating sa kanila ng pagka-honest ko. Pero mula ng gawin ko yun sa kanila parang mas naging magaan para sa kanila ang makipagkomunikasyon sa akin sa labas o sa loob man ng klase yung dating “Good morning, Sir” ay napalitan ng “Hi, Sir” with matching kaway na mala-Sandara Park at ngiting abot hanggang tenga. Ako man nagustuhan ko yung ganung set-up hindi ba yung parang pare-pareho kaming nakatapak sa numero.

Masaya na sana buhay ko sa iskuwelahang ito, kung hindi lang sa ilang mga taong mahilig makialam sa style ng may style. Siguro wala silang style kaya gustong maparis ang iba. Kung makapag-criticize sila ng kapwa, akala mo anong bait. Pagka naman nakakita ng kaunting butas para maberdehan ang utak akala mo kinikiliti ng pitong demonyo. Nakakita lang ng kumakagat ng saging sasabihin pang huwag daw masyadong mangipin baka masaktan. Kita mo lang na kabastusan yon–pasimple pero matindi ang tama.

Madalas pinipilit kong i-inject sa bata yung principle ng pagpapakatotoo. Alam ko kasi kailangang ganon ang set-up para mas maging malalim at praktikal silang dumama sa mga nangyayari sa paligid nila.

Marami sa mga kasamahan ko pagdating ng department pagkatapos na magklase, ang dayalog nila sa ‘kin: “Presyunin mo nga ako yung mga buwisit na bata na yun napagalit na naman ako”. Di kaya naman nakatinghas na lahat ang buhok sa sobrang pagkainis sa mga bata. Hindi raw nakikinig, mukhang abnormal daw kung magsalita.

Kung minsan siguro totoo yung mga sumbong nila na mga buwisit talaga yung estudyante dahil ayaw sumunod sa sinasabi nila. Pero kung minsan din naman siguro kaya ayaw sumunod ng bata dahil hindi sukat sa ugali at henerasyon niya ang gawaing inihanda ng titser para sa kanya. Kaya nagpapakaabnormal na lang kasi pakiramdam nya nagmumukha syang tanga kung gagawin nya ang sinasabi ng titser niya.

Hindi ko naman ibig sabihing titser na nga ang dapat sisihin sa mga kabaliwang ito na nangyayari sa mga paaralan.

Ang titser ay parang sundalo. Siya ang laging nasa battle field. Yung mga general kung talo na ang isang kampo, sila ang huling mga napapatay dahil nandun sila sa secured area. Ganun din sa titser sya na nga ang laging nakasalang sa atake ng chalk, goiter at alipunga (lalo na kung bumabaha sa paaralan) tapos yung mga general natin hindi pa tayo mabigyan ng sapat na sandata sa pakikipaglaban. Sino mang sundalong walang baril at kulang sa bala kahit buo pa bayag niya sa digmaan bibistayin lang din ng bala ang katawan niyang walang silbi.

Ang titser kahit ubod at saksakan pa ng galing at sipag pero wala namang malamon ang pamilya wa epek pa rin. Dahil sa halip na magturo ng 100% hindi na lang niya gagawin, siguradong iisipin na lang niyang sumaydlayn sa pagtitinda ng Avon o espasol. Madadagdagan pa nga naman ang ga-tinga niyang suweldo.

Saka na rin niya aatupagin ang mga mukhang abnormal niyang estudyante kasi pag hindi siya kumilos baka mga anak naman niya ang maging abnormal sa gutom. Tutal grumadweyt mang matalino o bobo yung estudyante nya pareho pa rin ang suweldong tatanggapin niya.

Papasok na naman ako, babatiin na naman ng mga estudyanteng pa-cute. Ito lang ang konsuwelo mo talaga sa pagtuturo. Hindi lang bumabango pangalan mo nadadagdagan pa ng limang araw na paligo ang kagwapuhan ko kapag estudyante ang tumitingin. Ha! Ha! Ha! Gusto ko lang daanin sa pagtawa ang lahat ng problema kasi baka makamukha ako ni Miss Tapya pag laging nakasimangot. Kawawa naman ako limot na nga sa budget, papangit pa.

Si Edilberto, 26, ay guro sa Filipino sa isang public high school sa Bulacan. Nakapaglathala na siya ng mga maiikling kuwento sa Liwayway Magazine: Pangalawang Magulang, Biyenan, Ang Matandang Bahay, Dura sa Kalsada, Sa Gabi ng Pagtatapos ni Shamae, at Ang Huling Pasko ni Inang Maria.

Edilberto Larin, Jr.

Si Edel Larin ay isang manunulat at archaeologist na nagtuturo sa Bulacan State University. Kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik sa kabundukan ng Sierra Madre sa Bulacan

Join the Conversation

54 Comments

  1. galing!! bravo!! ibang klase!!liwanagin ko lng po yung tungkol sa tsismis,payo ko lng po “tayong umaangat hinihila ng mga tanga” wag na lang po nating pansinin yang mga gumagalang mangkukulam sa campus!!!karamihan sa campus may crab mentality fever!!!!!so never mind!!stand up and say “E ANO GWAPO NAMAN AKO!!!!!!!!”hahaha ganda ng chismis mo!!congrats!!!!!!!!

  2. Puwede ba ikaw na lang titser ko. Kool! Suwabeng suwabe ka sigurong magturo sa mga estudyante mo no? sana lahat ng titser sa Pilipinas ka-uri mo. salamat sa inspirasyon.

  3. hahahaha……hay naku idol moh talaga koh noh nakalagay pa ung name koh sa title ng isang story moh”SA GABI NG PAGTATAPOS NI SHAMAE”iniba mo pah ung spelling ha>> kala moh nd koh babasahin ha…FHAZHAWHY KANG TEACHER KAH…..oi yaan moh pag nasite koh si angle locsin ill tell her n chubachenes mu xa….promis koh yan keep up da good work….baboooooooooooooo!

  4. sa lahat ng na-share nyo sir, nakita ko ung realidad na walang gurong yumayaman sa pagtuturo. kung hindi mo pa kakapalan ang mukha mo hindi uusad o hindi naman kaya pag hindi umatend kung anu-anong seminar o pag-aaral hindi matataas ang posisyon mo. hindi tulad ng mga fresh graduate teacher dyan na pag natanggap na nagiging utusan ng mga nakakatandang guro din. sa pagkakabasa ko ng article nyo na ‘to naisip ko kung tama ba na maging guro din ako? parang pakiramdam ko mali ung napuntahan kong propesyon. pero sa isang banda, kailangan ko ring tumuloy dahil nakita ko rin ang mga kalawang sa sistema ng edukasyon sa bansa natin. bkit pa ko aatras ngayong alam ko na ganito na ang nangyayari? marami akong natutunan sa article na pinabasa nyo sakin. sana gumawa pa kayo ulit. ngayon mas nakilala ko pa kayo ng husto.

  5. panalo article mo kung sino ka man. ibang klase kang mag-isip parang cartoon character! baliw pero hindi sira ulo. naimagine ko lang kung ikaw kaya maging secretary ng DepEd. pa’no kaya gagawin mo? anyway sayo na rin nagmula ang kabulukan ng institusyong kinabibilangan mo. kaya gudlak na lang! sana hindi pa ito ang huli mo!

  6. ….galing talaga ng teacher ko…namin pala!!!…kaya sobra kitang idol eh!!!makulam ka nga..jokez!!! dennis trillo ka talaga..i lavvvv you ka talaga!!!..sa lahat ng mga readers and fans ni sir YBRAHIM, boto natin sya…next kay pres.GMA…mangungurakot yan…promise…para tumigil na sa reklamo nyang “kapos sweldo”..hehehe…we’re so proud of you sir!!!..magaling na cute pa!!!face ni sir? dennis na dingdong…oops,!, baka magkahydrocephalus!!!

  7. naksss!!!kaw ba un,sir?parang iba….kakaiba ka palang talaga i did’nt expect na ganyan ka pala…pag nasa labas kana pala ng school cool kana! lalo tuloy akong humanga sayo,sino ba namang tao ang hindi hahanga sayo?siguro masaya kana kasi narating mo na yung mga bagay na gusto mong marating sa buhay……alam nyo sir pangarap ko rin yun! i want to be a professional novelist but i know it impossible to happen!mahina ang loob ko at iniisip ko baka walang marating ang buhay ko…marami kasi akong pangarap sa buhay ko at ang tanging konswelo ko na lang ay ang mga kaibigan ko (si mayumi at cesar)siguro kung wala sila baka wala na ko sa school ngayon…i love them more than myself dahil hindi nila ko pinabayaan sa loob ng tatlong taon…thank’s God to have them…sir, sorry nga pala kung lagi akong wala sa klase nyo sa umaga o kung minsan late ako kasi nilalamay ko yung mga damit namin sa gabi,nilalaban ko kaya madalas tanghali na kong nagigising…kasi hindi pwedeng magpagod si nanay,lagi kasi syang nahihilo at nagsusuka pag napapagod at napupuyat…hope you understand,sir!!!hindi ko naman po kasi nalalaban yung mga damit tuwing sabado o linggo kasi may trabaho po ako tulad na lang po ngayon kailangan ko pong magtrabaho ng higit pa sa oras dahil nag-iipon po ako para sa graduation ko,ako lang po kasi ang magbabayad non atsaka hindi po ako nanghihingi ng pera kay kuya kasi parang mas na-pi-feel ko yung kikita ako ng pera galing sa sarili kong pagod at pawis…u know that!im just a kid when i make a dicision for myself,i want to responsible i want to go somewhere in a quiet place and live there forever…with a man i love most and ofcourse with my child…hopeless romantic ko noh!yan ako…ha ha ha…sir,pano hanggang dito na lang…laki na ng babayaran ko,e…ang ganda ng kwento moh…sana maging katulad mo rin ako pero hindi teacher ha!baboooo!!!!keep up the good work,sir…

  8. sir!!ang galing grabe!kakaiba ka talaga npaka misteryoso mo!!!!alam mo bang sang ayon ako s paglalagay ng subject n witch craft?!?….kasi naintndihan ko yung mga nilat hala mo!!!tama ka dun sir!mahirap talaga mkakuha ng trabaho!lalo na pag wala kang ka-close or wat ever s division office! kasi yung mommy ko isa rin xang guro sa elementarya!at nababagay sya s iyong nilalarawan!!!!!! nagagawa nyang magbit-bit ng paninda sa ayos nyang formal!!!! at nakauniporme na ang bit-bit ay ang mga home made gelatin!n pinagpupuyatan nya sa gabi!!(magdrama ba??!!)nakakapanghanga yung ginawa mo talagan karapat-dapat kang tawagin ng mistery guy!kasi hindi namin mabasa kung ano ang takbo ng utak mo!!!!!!

  9. astig ka ser wla kming masay may tnatago ka plang hndi namin alam masyado ka nman senti pagnagseryuso mla denis trillo kya love ni angel keep up the good work~~~~ang tsaka mo ser>>>hehehe…hndi ka nmin makakalimutan..goodluck

  10. hay nako!!! bkit ba ngayon ko lang to nabasa, well thankful na rin ako kasi nabigyan pa ako ng chance(nag-drama ba???) well ngayon naiintindihan ko na kung bakit may mga teacher na nagbebenta ng kung anu-ano sa klase nila sa loob ng 30 minutes kaysa magturo na lang ng magturo
    para tumalino yung mga estudyante nya!! kala ko wala lang hehe…lam mo sir sana maging teacher ko kayo kasi gusto ko yung teacher na umaamin sa lahat ng kalokohan hehe joke lang!! hindi po kasi gusto ko yung teacher na aminado na dati mas gusto pa nyang mangopya ng detalyado sa seatmate nia kaysa mag review, kaysa naman sa mga teacher na lagi na lang kaming hinuhuling ng kokopyahan sabay sabi ng “nung kami hind uso yan,talagang nagsusunog kami ng kilay” lam niyo sir hanga ako sa paglantad niyo sa mga kalokohan kabulukan at kung anu ano pa ng walang kakuwenta kwentang sisteme ng pilpinas hehe>>sana maraming katulad niyo na totoo sa lahat ng bagay>>>well sir gud luck na lang sa lahat!! wag niyo sana akong malimutan>>>

  11. sir…napakadrama nyo pla…muntik n kong maluha……isa pang dahilan kung bkt d nio maiwan ang ponce,,mami2zz nio ksi kmi…di ko msyadong nabasa,nak2duling kzzzz…sobrang liit ng letters…and 1 thing pa poh…mawa2lan ang ponce ng 1 mgling n titser…me nga trasfer lng d2,,pro npalapit n ang puso ko s ponce eh kau p kya.thanks alot….more power…

  12. nakssss!!!galing,parang totoo…ikaw ba talaga un?mas lalong nadagdagan ang paghanga ko sa iyo sana wish ko lang mas lalo pang dumami ang teacher like you…napaka makatotohanan at nasapul ako sa mga mensahe tungkol sa estudyante…at lalo akong na-inspired na mag-aral pag katulad nyo ang magtuturo…sana huwag lumaki ang ulo,mahirap yun mabigat…tama si mayumi kamukha nyo nga si dennis trillo at lalong mas bagay sila ni angel kasi ako si angel (joke,joke,joke) sana hindi nyo ko makalimutan at sana rin naging part ako ng buhay nyo,drama ko noh!!! pagpatuloy ang nakagawiang pagsusulat dahil iyan ang mag-aangat sayo…parang gusto ko na rin tuloy maging teacher…sige po,sir…keep up the good work!!!

  13. nks c sir….ang lupet ng article n gnwa mu,,,,,png denis trillo ang dting kya seo ku sir eh…………hehehehhhh! sir gwa kp ang gnda kc gnwa mu auz n auz un sa mga titcher na terror pnma un sknla………….hehehhhhh

  14. Daddy-kuno wala po akong masabi sa article nyo(ASTIG!)!!!! ang LUPET!!!!Totoong totoo ang mga nilalaman at maaling makakuha ng atensyon!!!(persweysiv pob 2?) MAgpakailanman ang dating kung nilagyan pa ng kadramahan… anyway, ang lakas ng tama pag binasa yung article nyo…(actually pwede nyo nang palitan si Gloria sa malakanyang or kung hindi naman, kaw nalang secretary ng depEd) Hindi ko po in-expect na ganun pla kayo.cool na cute at..grabe astig kse napakamakata..(kahit medyo may pagka sira ulo PALA) Gawa pa kayo ng mga article at pramizzzz walang magsasawang magbasa ng mga gawa nyo!!! yaan nyo papatayuan ko kayo ng MONUMENTO sa PONCE.. sana mas makilala ko pa kayo…. keep up the good work po!!!(papaampon na ako sa inyo)…

  15. pahabol lang po….
    senxa npo pla hil d napost yung isang comment ko/…(mali po pla ksi…)

    at ASk ko lang po sana…

    Kung sino sa department nyo yung nautot?

    ibulong nyo po saken ahh

  16. sir lam nyo minzan lang aquo mkatagpo ng tcher na astig at totoo….grabe…. di quo po maiwasang bsahin ng basahin article nyo xe ang ganda…natatawa nlng po aq xa mga kalokohan at kabaliwang pinaglalalagay nyo… I hope sumday ipanganak pa ang mga tcher na gaya nyo…( ung totoo po sa sarili hindi yung MAY PAGKA sira ulo(wag pong damdamin xe mejo2 lng naman…)) SAna mging isang magaling na novelist din aquo ok lng kht d maxadong professional… dagdag na naman po keo sa ilang mga inspiration quo… Ge po pagbutihan nyo..

    KEEP UP THE GOOD WORK PO!!!

    MORE POWER!!!

    AJAAA!!!!!

    >>Aabangan quo po yung ibang mga article nyo ….

  17. sir lam nyo minzan lang aquo mkatagpo ng tcher na astig at totoo….grabe…. di quo po maiwasang bsahin ng basahin article nyo xe ang ganda…natatawa nlng po aq xa mga kalokohan at kabaliwang pinaglalalagay nyo… I hope sumday ipanganak pa ang mga tcher na gaya nyo…( ung totoo po sa sarili hindi yung MAY PAGKA sira ulo(wag pong damdamin xe mejo2 lng naman…)) SAna mging isang magaling na novelist din aquo ok lng kht d maxadong professional… dagdag na naman po keo sa ilang mga inspiration quo… Ge po pagbutihan nyo..

    MORE POWER!!!

    AJAAA!!!!!

    >>Aabangan quo po yung ibang mga article nyo ….

  18. Masaya siguro kayong maging guro dahil totoo kayo. Sigurado ako na lahat ng estudyante niyo ay ipinagmamalaki kayo dahil sa pagiging isang magaling na guro ninyo at higit sa lahat mabait pa. Bakit kaya yung ibang guro ay hindi ganong kagaling magturo? Baka dahil sa hirap makipag-communicate ang mga estudyante sa mga guro dahil laging galit ang ibang mga guro dahil sa ingay ng kanyang mga estudyante. Kung ang lahat lang siguro ng mga guro ay katulad niyo mas lalong matututo ang mga estudyante dahil magiging bukas ang mga guro sa kanilang mga estudyante at ganon din naman ang mga estudyante. Mas magkakaroon ng buhay ang pag-aaral at magiging interisado ang mga estudyante sa pag-aaral. Galingan niyo sir!!

  19. Grabe!!!! maliwanag pa sa sikat ng araw ang yong paglalahad tungkol sa buhay ng isang guro… totoo lahat pre, kasi dati rin akong guro sa public high school sa General Santos City pero sa ngayon nandito na ako sa California, syempre hindi na ako titser dito. Hanga ako sa pagsasalarawan mo ng buhay kagalang-galang !!… he..he.. talagang naka-relate ako at tawa kami ng tawa ng mga pilipinong kasamahan ko dito sa trabaho. Sa katunayan nga gumawa kami ng kopya at pinabasa pa sa ibang kasamahaan namin. Pre.. ayos ka talaga.. halos lahat ng sinulat mo ay siya kong ginagawa rin noon… Pogi points nga pag may estudyanteng bumabati sa iyo… galing mo parekoy…God bless you at sana’y hwag kang magsawang magturo at magsulat…..

  20. Cute! Although i’ve already read a lot of essays and short stories about titsers hehehe maganda pa rin ito! Kaso inis rin ako sa mga titser lalo na sa COLLEGE! BURAOT! WAHHHAHHA

  21. you did a gud job! congratz again, kip it up! nxt issue should be “si sir naman”!

  22. helowww sir!!!!! waaaaah astig ung nigawa niong lathalain…… sobwang naaliw ako…. honestly ganyan po ung mga tipo kong mga babasahin ung mga d nkakaantok tpos sariling karanasan pa,,, hahahahahahahahaha astig talaga!!!!!!! tapang nio po!!!!!! thumbs up!!!!! actually pag gumagawa ako ng mga course paper puro ganyan hahaha may mga patama at sariling reklamo!!!!!

  23. helo sir…gud pm!!! honestly, eto lang po sinadya ko bisitahin through internet and wala po akong pagsisisi… you’re so astig po!!! ang tapang nyo and i love your style not just your style but your personality… only few people are having that kind of attitude- HONEST but ASSSTTTTIIIIGGGG… hands up po ako sa inyo and i know we’ll learn a lot from you… Good luck po sa atin pare- pareho

  24. Im frm bU…my friend told me to read your article……NO REGRETS…..youre valiant sir….2 say that…..I think many pipol admired u now for that piece……u shud create another piece…..ngaun lang ako nakabasa ng gantong article…..kayo palang yata ang nakapag-sulat ng ganto take note teacher pa……sulit naman pagbabasa ko kahit mahaba……gud luck…….kip it up……

  25. una sa lahat,,sayang at medyo late na nung nabasa ko, di tuloy ako nka-relate sa mga clasmeyt ko nung binasa nila agad.,,hehe
    Wow!! sir ang galing! ewan ko po kung maaappreciate nyo pa kasi naman ang dami nang nagsabi.
    nagbabasa naman po ako ng mga essays, short stories at iba pa, in english and filipino kaso mas madalas ang english……..nagustuhan ko po ang gawa nyo..just want to share this…hindi po ako ng-teacher dahil sa ikli ng akng pasensya…madali po akong maasar… pero ngayon na-realize ko napaka-dakilang bagay ang pagiging isang guro..un bng paglaki or pagtanda ng iyong estudyante, tanda ka p rin nya,,,ung influence mo sa estudyante ay nananatili pa rin…sabi nga, a teacher would always be a teacher…para tuloy gusto ko nang maging teacher, pero tatapusin ko po muna itong masscomm..dahil ito po ang gusto ko,,hehe
    ipapabasa ko po itong gawa nyo sa mga kasamahan ko sa pyc na educ students,,
    Godbless you sir!
    Congrats! to God be the glory!

  26. you’re trying to figure out that, not enough money given by the goverment why dont you look province side the school was provided by the student parent dahil nga kapos ang budget ng gobyerno sa lahat naman ng sangay ng gobyerno may pagkukulang asa ka pa sir yung mga aso aaligid sa gobyerno na lang angt mataas ang sweldo tulad ng army nya na handang magpakamatay para sa kanila……………

  27. Sir… ang lufettt mO…. iba k tlga sir… auz lng gnyan tlga buhay… minsan msaya minsan malungkOt… prO sir bilib tlga akO seO… as in bilib n bilib… UR D man.!!! nung una kla kO bOring k mgturO prO u prOve me dat im rOng npk cOOL mO pla mgturO…ang dmi nmin n222nan seO kc d bOring… d 2lad ng iba lgi nkcmangOt pg ng22rO prang lging my dalaw ng lam mO n… hehe.! prang nkakuLOng k s hawla n my ksamang tigre n titser… prO auz lng kaya b nila akO.? hehe.! sir sna mging succesful ang lyf mO… at sna madagdagan p mga admirers ntin.. hehe.! humayO k at mgpkrami… wahaha… jOke.. ingatz n lng pO lgi.. wahaha.! \m/ rOcK On…..

  28. Sir!!! Sa wakas nabasa ko na rin ung ginawa mo, bago ko mag-comment sa obra ng aming guro sa fil. deot, gusto malamn mo na isa ka sa mga interasanteng tao na nakilala ko dahil sa lawak ng alam mo ukol sa pagsulat at sa angking galing mo rin sa larangang ito. Bilang magiging “guro” rin sa Filipino, natutuwa ako na may tulad mo na malakas ang loob na magbigay ng kanyang saloobin at hindi plastik gaya ng ibang guro na akala mo ginto ang kinakain at di nagkamali sa kanilang buhay. T ama ka! Tao rin ang mga guro, maaring napakalaki ngang responsibilidad ang nkapasan sa propesyong pinili nila at ang inaasahang tingin ng lahat, ang maging “mr. and ms. perfect” pero gaya nga ng sabi mo, minsan hindi masamang maging”gago”. Sa paraan na magiging totoo ka lang sa sarili mo. Ang mga guro talaga ay dakila, bukod sa dedikasyon, debosyon na inuukol nila sa gawaing ito, sa guro rin nakasalalay ang lahat ng maaring maging bukas ng batang kanyang hinuhubog.
    Sir, ang ganda ng sinulat mo. alam ko magiging pambukas-isip at puso sa lahat ng maaring magbasa nito. Ako, bilang magiging guro ay gagawin kong inspirasyon ang ginawa nyong sipag at dedikasyon. Gayundin ang pagsusulat nyo!!! Idol ko kayo, sir!

  29. naka!gud work poh tayo jan,sir!(kya lang,bakit sa jollibee kayo kumakain?McDonald’s poh kasi ako weh..hahaha)eniweys,ang ganda poh talaga ng kwento nyo..kahit na ngaun lang ako nagkaroon ng tym na mag-internet..hehehe…ang cool nyong prof..astig ang style…basta poh,wag lalaki ulo nyo pag sobrang galing nyo na(i mean,pag “idol prof” na kayo ng bayan..hahaha…i feel so blessed na kayo ang prof ko ngaun…kya lng po ako nag-internet eh dhil dun sa proj. nyo smin..ung s palanca..grbe!ang hirap pong hanapin nung pyesa…kya e2,nkatuwaan kong basahin 2ng article nyo..haha

  30. ok na ok ang sanaysay nyo sir, napakaswerte ng bsu sapagkat may isang manunulat na gaya nyo!!! keep on what you have done. Napakanatural ng inyong pakakasalaysay sa mga karaniwang problema ng mga gurong tulad nyo, bagamat di pormal ay angkop na angkop sa mga karaniwang mambabasa tulad naming mga istudyante. Walang pagkukunwari sa sanaysay na ito, walang pagpipigil sa damdaming nais ipabatid. sana’y marami pa kayung maisulat. salamat nga pala sa autograph nyo sa kwento nyong Matandang Bahay, pati na rin sa dedication.

  31. …NAPAKAGALING!!!!TITSER KO YAN!!!…Gwapo!!Mahusay na eksestensyalista!!kamuka nya c Austin Powers na pumayat na mas lalong sumwabe…Napagaling dumiskarte..Cool na teacher,walang-wala ang iba..sir may kaunting katanungan,bkit wala pa kayong anak??..cno yung cashier sa gsis na kinaiinisan nyo?..anung oras kayo kumakain sa jollibee?..SIR!kung bawal magmura saka umutot,nasaan na ang kulay at kaluluwa ng wikang Filipino?..hehehe..jowk lng!!baka bigyan nyo poh ako ng singko…Sir kung ako lang ang president ng bsu kayo na poh ang vice president!!…hehehe..Wag lang poh kayong maingay,sikreto lng to..hehe…SIr sana sa komento kong ito ay bigyan mo poh akong ng uno sa midterm at finals khit nka 60 over 100 lng ako sa midterm..isang magandang araw!!!-

  32. sir larin!! eto sa wakas nbsa q dn 2ng article nyo.. aba nga nmn,. kay lupet nyo po pla tlg!! aus kau ser!! gogogo!! hahah.. tama.. dpat nga my subj n witchcraft.. ng makulam ung tcher n cnbhan ang section nmin n bobo.. hahah.. jokez lng.. hay nku ser.. d n dpat pnapncn ung mga nsqr na tao,, na walang sariling style at nilulumot n ng pnahon.. intndhn nlng ninyo ung kgwapuhan nyong taglay.. yes nmn.. ser flat one n ko dpt sau ha!! wakocoke.. joke lng ulit.. hahah.. mabuhay ang GSIS.. heheh,, (mkapagyabang lng eh).. ser tlg namang wais kayo weh.. kht n b ayaw nyo s taong bookish pero inaamin nyong kayo ay isang taong bookish.. .. heheh.. si ser pla idol si angel locsin.. teka,, idol mo s pag arte o idol nyo ang katwan lalo n pg nka darna costume at lumilipad sa ere ng padapa?? hahah.. ser mgpakatotoo ka.. sau n nggaling n dpt nagppkatotoo.. heheh,. peace tau.. nku ser.. tawa ko ng tawa nung bnasa ko tong article mo.. hahah.. iba ka tlg ser!! kaya saludo sau bshrm1F weh!! :).. sn p b, kay ser larin na.. heheh.. ser ‘gang d2 n muna po.. di ko pa tpos proj q sa inyo.. hahah.. ala p q reaksyon.. hekhek.. ge ser ktakitz 2m.. ingat lagi..

  33. bravo sir larin..
    hay nako himdi ko alam kung ano ang pagkakaiba ng structure ng utak mo sa amin. kasi iba ka talaga mag-isip..isa ka sa mga dahilan kung bakit nananatili paring mayabong ang literaturang pilipino..
    nga pala sir totoo ba na yung ginawa kong istorya ang nanalo ng 3rd place..Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon…pero thank you talaga…syempre idol kita eh…take care

  34. daddy kuh yan khit illegal. . . haha. . . hanga talaga koh sa inyo. . . muling binalikan ang website na ito pero walang kupas ang article ng daddy ko. . . balang araw , magmamana rin sa inyo anak nyo/, . . . haha. . .

  35. hmm.. sir, ok ako dun sa subject na witchcraft!! hahaha… parang horry potter.. hehehe.. nice one.. hehhe.. sulat pa kau ng madami… go!go!.. Godbless and peace!!!!

  36. hi sir EDILBERTO LARIN JR.
    e2 lang masasabi nmen…..

    adik kah sir,ipagpatuloy nyo pa ang paglalakbay ng iyong malikhaing kaisipan….
    sana ay magkalat pa kau ng mga kahindik hindik na mga lathalain….
    patuloy naming gugunamgunamin at buong puso nming ipagmamalaki ang inyong mga naituro sa aming kalokohan……piz!!! hekhEk!!!
    yngats lge sir….magsession nman tau pg minsan! haha!!!

    pg nkita nyo kme sa skul,wag nyo kmi babatukan ah?!!!
    ito ay ang aming paraan ng “freedom of expression” haha!!!

    post modernist ba kme??? watcha tink???
    sna ay ma appreciate nyo ang aming kritisismo,,,,

    TANDAAN: Sinumang magbalak,o ngbabalak na sumulat ng lathalain ay isang manunulat na nagpapahayag ng kanyang damdamin……

    ayt???

    see u nlang po sir!!! merry christmas and happy new year!!!
    God Bless!!!

    Pls.Save: You Were our Best Filipino teacher EVER!!!! haha!!!
    mwuuaaaaahhx!!!

    love lots,
    my (mylene mendoza) and pepot (faye Navarro)
    Aus vah????!!!

  37. great job! were at the same situation, were both at the same age, were both writer,

    i appreciate if you read mine..

    “Sa aking mga kababata”

    thanks

  38. woooohhh sir!! go lang ng go!!
    and so what kung indi sila pinapansin ng mga estujante nila?? palibhasa kase ung ibang mga prof antaas na ng tingin nila sa sarili nila porke propesor na sila..buti nalang meron paring mga katulad nyo…mas maganda kase tlga pag may opern communication sa teacher at students…

    at may chismis na aq sa inyo…hahaha!!! hmmmnn..type nyo pala si angel locsin huh?hehe okei lang un

    and sir just keep it up! continue the way you interact with your students…(para close!haha…)

    and sir one last thing..i like your new hair style! dagdag pogi points,naks!

    gawa pa kayo ng article..galing nyo..promise!

  39. sir larin!! Ang masasabi ko… WOW!! “D BEST”
    Grabe mahal na kita….hehe… pizmen.. (mapapatawad mo b ko.??.ahehe)
    Haiz.. kun lam ko lang sana pinagbutihan ko nung titser kta. hindi sana me nagpapal8..ahehe sabay ganun.. o kaya sana 5.0 nalang ako para kw ulet titser ko..wahaha
    Sana magmultiply p ang mga gurong katulad mo(nyo) kahit pasaway(?) matalino nmn malakas pa apil (sabay bawi!!un yon e ngumiti p oh,kaway naman jan).. isa kang tunay na pasaway este astig pala(akalain mo.. di ko nga akalain..(tawa ulet hehehe)).. hay patawarin ako ng asawa mo,mahal na kita..pakis nga..hehe(piz!!!) O panu sir.. pagpatuloy mo lang ang mga nasimulan mo wag mu me kakalimutan pagnaabot mu na ang tuktok ng tagumpay (nakz!! Tuktok agad..ibang level na un(tawa ulet)). ingat po kayo.. naway maabut mo ang minimithi mong pangarap kun anu man un..

  40. ..SiR!! I SaLuTe YaH!! SiR, MaY KaGaYa kAyO!! sI SiR PaUl!! BaIt dIn nYa kAgAyA NyO!! sir, i also want to be a teacher.. but since I am good in debste, articulatin, pronunciation& and has a sound decision,..(sabi nila) well.. atty. nlang!! hekhek!! no choices eehh!! Sir, gusto ko po ‘yung pamaraan mo sa pag sulat ng isang lathalain. dahil isa po akong baguhang journalist sa school namin at gusto ko pa pong ma develop ang aking skills in writing feature!! di-pormal man o pormal..!! God bless you sir!!!!!!
    ..HeKhEk!! take care..!!!!!

  41. sir, napakaganda ng sinulat mo. isa rin po akong guro sa filipino. naghahanap po ako ng article related sa guro at nakita ko po at nabasa ang inyong sinulat. malaking tulong po ito sa akin. more power!

  42. nice attempt huh…

    I’m also a Filipino Teacher, 25, in a public elementary school here in Manila…

    I’m also a Journalism teacher… Makapag-post nga din ng articles…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.