Matagal din bago ako nakaisip ng paksa para sa kasalukuyang labas ng pitak na ito. Paulit-ulit kong pinaglaruan sa aking isip ang pagsulat ng artikulong may kinalaman sa katatapos lamang na anibersaryo ng pagkakadeklara ng batas militar, ngunit kasabay nito’y pasagi-sagi rin sa utak ko ang pangyayaring ilang beses na akong nagsulat hinggil dito, at tinatanong ko ang sarili kung ano pa kayang bago ang aking masusulat hinggil dito.

Natagpuan ko sa wakas ang kasagutan nang mabalikan ko kamakailan lamang ang balita tungkol sa paglabas ng mga resulta ng sarbey ng Pulse Asia noong Hulyo, kung saan karamihan sa mga tumugon ay nagsabing sa lahat ng naging Pangulo ng Pilipinas sa loob ng nagdaang 40 taon ay si Ferdinand Marcos ang pinakadakila.

Sa anim na larangan–pagpapatiwasay sa bansa, pagpapaunlad sa ekonomiya, paglaban sa katiwalian sa pamahalaan, pagkitil sa kriminalidad, paglilingkod sa mga dukha at pagpigil sa mabilis na pagmamahal ng mga bilihin at serbisyo–nataasan ni Marcos sa grado ang lahat ng Presidenteng sumunod sa kanya. Nagtala si Marcos ng gradong 7; habang sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, at Joseph Estrada ay pawang nagkamit ng markang 6. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakakuha ng gradong 4.

Higit sa anupaman, ang pangyayaring ito ay isang nagdudumilat na tanda ng ating pagiging malilimutin bilang isang bansa. Itinuturing nating pinakadakilang Presidente ng Pilipinas sa loob ng nakaraang 40 taon ang isang Pangulong gumamit ng kamay na bakal upang busalan ang bibig ng mga mamamayang nananawagan ng pagbabago hindi lamang sa pamamalakad ng pamahalaan kundi maging sa balangkas ng lipunan.

Sa ilalim ng batas militar, umabot sa 160,000 ang pinaslang, mahigit sa anim na milyon ang napalayas sa kanilang mga tirahan at 2.5 milyon ang permanenteng nawalan ng tahanan, 70,000 ang napiit nang hindi kukulangin sa isang taon at nasa 3,000 naman ang naglaho na lamang, ayon sa pananaliksik ni Rowena Carranza-Paraan ng Philippine Graphic. Samantala, batay rin sa datos na nakalap ni Paraan, nasa 11,000 ang bilang ng pinahirapan sa iba’t ibang paraan — pangunguryente sa bayag o utong, pagpapakain ng tae at pagpapainom ng ihi, pagsasaksak ng posporo sa butas ng titi at ng talong na isinawsaw sa dinikdik na sili sa puki–habang ayon naman sa istoryador militar na si Alfred McCoy ay nasa 35,000 ang bilang nila.

Habang nasa kapangyarihan si Marcos, tumindi ang katiwalian sa lahat ng bahagi ng pamahalaan–maging sa militar. Ginamit ni Marcos ang kapangyarihan ng pamahalaan upang maging monopolyo ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kroni ang ilang malalaking bahagi ng ekonomiya. Ang industriya ng saging, halimbawa, ay napunta sa mga kamay ni Antonio Floirendo (asawa ni Margie Moran, na naging Miss Universe noong 1973); ang industriya ng asukal ay naging teritoryo ni Roberto Benedicto at ang industriya naman ng niyog ay naging palaruan ni Eduardo “Danding” Cojuangco.

Malaki rin ang papel ni Marcos sa pagkakabaon ng Pilipinas sa isang bundok ng mga utang panlabas. Nang maging Presidente si Marcos noong 1965, ang utang panlabas ng Pilipinas ay wala pang $1 bilyon, samantalang nang siya’y mapatalsik ay nakaabot na ito sa $28 bilyon. Huwag na huwag uulitin ng Kagalang-galang na Imee Marcos, Kinatawan mula sa Ilocos Norte, ang sinabi niya noong 2002 na noong panahon ng kanyang ama naipagawa ang pinakamahuhusay na tulay at lansangan, sapagkat ang mga ito’y pawang ipinagawa kung saan malalapit ang mga dambuhalang kumpanyang multinasyunal na sa pana-panaho’y nangangailangang magluwas ng kani-kanilang mga kalakal patungo sa mga pamilihan, at ang kalakhan ng bansa’y nanatiling maputik ang daan.

Na atin ngayong dinarakila ang isang Pangulong tulad ni Marcos ay isang tanda ng ating pagkalimot sa pagyurak niya, ng kanyang pamilya, at ng mga kroni nila sa dangal at kinabukasan ng bansa. Lalong nagtutumining ang pagkalimot natin sa nakaraan sa pangyayaring wala na halos tayong naririnig na makapanindig-balahibong mga pagtutol sa posibilidad na ang kanyang bangkay ay ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Tayo’y saklot ng isang pambansang amnesya. Naaalaala ko ang isang naikuwento sa amin ni Prop. Reuel Molina Aguila ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) hinggil sa isang “eksperimentong” ginawa niya sa kanyang mga estudyante, kung saan lumitaw, aniya, na ang kasaysayang lampas sa limang taon nang nakararaan ay hindi na nila nalalaman.

Ang ganitong kahusayan natin sa paglimot ang siya ring dahilan kung kaya ang mga sundalong Amerikanong pumatay ng mga batang napagkamalan nilang baboy-ramo at gumahasa sa maraming dalagang maaaring naging kapatid natin ay halos yakapin natin nang sila’y makabalik dito sa pamamagitan ng Balikatan. Ang ganitong kahusayan natin sa paglimot ang siya ring dahilan kung kaya nagiging National Artist for Literature ang mga manunulat na noo’y naghasik ng lason sa pambansang kamalayan. Ang ganitong kahusayan natin sa paglimot ang siya ring dahilan kung kaya ang paglisan ng mga tulad ni Haydee Yorac upang hindi na magbalik kailanman ay parang walang anuman sa atin, samantalang sa minu-minuto’y hayok na hayok tayong parang mga manyakis sa pinakahuling balita tungkol sa pagpapakaplog ni Kris Aquino sa kanyang pinakabagong kapalitan ng matatamis na kaungasan.

May amnesya tayo bilang isang bansa sapagkat tayo’y hinasa sa sining ng paglimot.

Tinanggalan tayo ng sariling kasaysayan ng ating mga mananakop. Halos ubusin ang anumang palatandaang tayo’y may sarili nang kalinangan bago pa man sila dumating, at ang ating mga tunay na bayani ay pinanganlan nilang mga “tulisan” at “bandolero” at “ladron,” at maraming kawatan ang kanilang itinanghal bilang silang ating mga bayani.

Kaya naman hindi natin makita ang kaugnayan ng kahapon at ngayon, at hindi rin natin mawatasan kung paano makararating sa bukas mula sa ngayon.

Alexander Martin Remollino

Alexander Martin Remollino was Tinig.com's associate editor. He was a poet, essayist, and journalist. He also wrote some short fiction.

Join the Conversation

54 Comments

  1. ako’y sobrang napapangiti dahil sa inyong mga pagsusuri. Nais ko lamang humingi ng kaunting tulong ukol sa aming proyekto sa filipino. Maaari niyo pa bang suriin ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus ang pasahan po ng aming proyekto ay hanggang Miyerkules lang po. Nawa’y matulungan niyo po ko. Kung maaari rin po, nais ko po sanang malaman kung saan makakakuha ng mga tula na may mga pagsusuri. Napakahirap po kasing maghanap… sinubukin na po namin ang mga unibersidad sa maynila ngunit hindi po kami pinapapasok.. gayun din sa National Library, kailangan pa po ng magulang/taga- gabay.. Sana po matulunga niyo po ko. Pumili na lang po kayo kung ano yung susuriin niyo sa mga tula ni Huseng Batute. Maraming Salamat. Sumainyo ang Panginoon! (e-mail niyo na lang po ko..)

    Ito po yung mga tula:

    ISANG PAGSUSURI NG ANG PAGBABALIK
    NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE

    Babahagya pa lamang sa noo’y nahagkan,
    Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan,
    Isang panyong puti ang ikinakaway,
    Ng siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan,
    Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
    Mamamatay ako, siya’y nalulumbay.

    Ng sa tarangkahan ako’y makabagtas,
    Pasigaw na sabing, “Magbalik ka agad”,
    Ang sagot ko’y, “Oo, hindi magluluwat…”
    Nakangiti akong, luha’y nalalaglag,
    At ako’y umalis, tinunton ang landas,
    Na biyak ang puso’t naiwan ang kabiak.

    Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
    At ang buwan nama’y ibig ng magningning,
    Naka-orasion na noong aking datnin,
    Ang pinagsadya kong malayong lupain,
    Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
    Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

    Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok,
    Pinatuloy ako ng magandang loob,
    Kumain ng kunti’t natulog sa lungkot,
    Ang puso kong tila ayaw ng tumibok,
    Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
    Mamatay kung ako’y talaga ng kulog!!”

    Ng kinabukasan, araw ay magningning,
    Sinimulan ko na ang dapat gawin,
    Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim,
    Ng magdedeciembre tanim sa kaingin,
    Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

    At ako’y umuwing taglay ko ang lahat,
    Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas,
    Bulaklak ng damo sa gilid ng landas,
    Ay pinopol ko na’t panghandog sa liyag,
    Ng ako’y umalis siya’y umi-iyak,
    Oh, marahil ngayon, siya’y magagalak.

    At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
    Sa may dakong amin, meron pang musiko,
    Nagkakagulo ang maraming tao,
    “Salamat sa Dios” ang nasabi ko,
    At nalaman nila na darating ako….

    At ako’y tumuloy, ng ako’y pumanhik,
    Mata’y napapikit sa aking namasdan,
    Apat na kandila ang na-nga-babantay,
    Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
    Mukha’y nakangiti at ng aking hagkan,
    Para pang sinabing, “Irog ko, paalam!!!”

    ISANG NG PAGSUSURI NG PAKPAK
    NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE
    1928

    Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
    at ako’y lilipad hanggang kay Bathala…
    Maiisipan ko’y mga malikmatang
    sukat ikalugod ng tao sa lupa;
    malikikha ko rin ang mga hiwaga,
    sa buhay ng tao’y magiging biyaya.

    Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak
    kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?
    Ano ba ang kamay ng taong namulat
    kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?
    Ano ba ang dahon ng mga bulaklak
    kung hindi pakpak din panakip ng dilag?

    Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim,
    pakpak na nag-akyat sa ating layunin,
    pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,
    pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin,
    pakpak ang naghatid sa tao sa hangin,
    at pakpak din naman ang taklob sa libing.

    Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa,
    at magagawa ko ang magandang tula;
    bigyan mo ng pakpak tanang panukala’t
    malilipad ko hanggang sa magawa;
    bigyan mo ng pakpak ang ating adhika,
    kahit na pigilan ay makakawala…

    O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad,
    tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap,
    buksan mo ang pinto ng natagong sinag,
    at iyong pawalan ang gintong liwanag,
    na sa aming laya ay magpapasikat
    at sa inang bayan ay magpapaalpas.
    ISANG PAGSUSURI NG ANG PAGBABALIK

    ISANG NG PAGSUSURI NG PAG-IBIG
    NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE

    Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
    Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
    Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
    Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

    Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
    Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
    Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
    Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

    Ang Pag-ibig na dakila’y aayaw nang matagalan,
    Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
    Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
    At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.
    Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
    Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
    Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
    Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog!

    Ang Pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
    Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
    Ngunit kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan —
    Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!

    Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
    Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
    Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
    Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!

    Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
    Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
    Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
    O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

    “Ako’y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!”
    Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
    Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
    Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

    Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
    Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
    Kapag kayo’y umiibig na, hahanapin ang panganib,
    At pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

    ISANG NG PAGSUSURI NG DAHONG LAGAS
    NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE
    I
    Namamalas mo bang ang dahong nalagas,
    Laruan ng hangin sa gitna ng landas,
    Kung minsan sa iyong kamay ay maqpadpad
    Gaya ng paglapit ng kawawang palad?

    Ako ay ganyan din, balang araw, irog,
    Kung humahagibis ang ang bagyo at unos
    Kagaya ay dahon sa gabing malungkot,
    Ako sa piling mo’y ihahatid ng Dios.

    II
    Naririnig mo ba ang munting kuliglig
    Na sa hatinggabi’y mag-isa sa lamig,
    At sa bintana mo’y awit din nang awit
    Ng nagdaang araw ng sawing pag-ibig?

    Ako man ganyan din, darating ang araw
    Na kung ako’y iyong sadyang nalimutan,
    Ang kaluluwa ko’y ikaw’y lalapitan
    At sa hatinggabi’y payapang hahagkan.

    III
    Paghihip ng hangin , pagguhit ng kidlat,
    Kung ang hangi’t ulan ay napakalakas,
    Kagaya ng dahon sa iyo’y papadpad,
    Gaya ng kuliglig sa iyo’y tatawag.

    At akong wala na sa iyong paningin,
    Limot na ng madla’t halos limot mo rin,
    Walang anu-ano sa gabing madilim,
    Dahong ipapadpad sa iyo ng hangin.

    ISANG NG PAGSUSURI NG PAKIKIDIGMA
    NI: JOSE CORAZON DE JESUS a.k.a. HUSENG BATUTE
    Ang buhay ay isang pakikidigmang
    walang katapusan.

    Huwag kang uurong, lalalim ang sugat,
    Ngunit naubos na ang dugong tatagas;
    Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad,
    Tila humihingang bibig ng bulaklak.

    Walang bagay ditong hindi natitiis
    Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid;
    Ang lalong mabuti ang mukhang may gatla
    Kumakaraniwan sa may ditang bibig.

    Kung ikaw’y natalo o kaya nadapa,
    Magbaon kang muli saka makidigma;
    At lalong mabuti ang mukhang may gatla
    Ng lahat ng iyong tinitiis na taga.

    Huwag mong nasain ang bulak maging bulak ka,
    Iyan ay maputing dudumi pagdaka;
    Habang ikaw’y bato sa isang kalsada,
    Ang pison at gulong, kaibigan mo na.

    Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay
    At walang bayaning nasindak sa laban;
    Kung saan ka lalong mayong kahinaan,
    Doon mo dukutin ang iyong tagumpay.

  2. o kea po.. isend niyo po sakin ung mga tula niyo at bigyan ito ng pagsusuri.. bakit niyo ito isinulat? anu ibig sabhin ng mga malalalim na kataga.. mga ganun po.. salamat!

  3. anu po ang ibig- sabihin ng tula niyo pong ito?

    Kaming Nagsusuot ng Butas na Maong
    Ni Alexander Martin Remollino
    Kaming nagsusuot ng butas na maong
    ay lagi’t laging pinauulanan ng mga halakhak,
    dili kaya’y ginagamit na patabang pampausbong
    ng bulong sa lupa ng mga labi.
    Ngunit ang mga halakhak at bulong na iyan
    ay parang mga basketbol na tumatalbog
    sa tuwing tatama sa aspalto
    ng aming mga pandinig at paningin,
    pagkat butas mang maong ang aming pantalon
    ay hinabi naman ang mga ito
    sa sinulid ng sarili naming pawis,
    di tulad ng ibang mamahaling pantalong yari
    sa binarat na sahod ng kung sinong manggagawa,
    dili kaya’y sa bukid na kinamkam
    mula sa kung sinong magsasaka,
    o kaya nama’y sa gintong inumit
    mula sa baul ng bayan.

  4. pwede niyo ho ba akong mahanapan ng pinakabago at pinakamainit na balita dito sa pilipinas ngayon? kakailanganin po kasi ng pinsan ko…

  5. Pwede nyo po bang ibigay ang ibig sabihin ng tulang Pag-ibig ni Jose Corazon de Jesus

  6. ano ba ang tunay na kahlugan ngpag-ibig na tinutukoy niyo dito sa inyong tula?
    para kanino niyo po ito inaalay? ano ba a ng ibig sabihin ng
    angpag-ibg,isipin mo, pag inisip nasa puso
    pagpinuso nasa isip, kaya di mo makuro

  7. gusto ko ring pong malaman kong ano ang ibig sabihin ng bawat salita o stanza sa tulang “Pag-ibig” na isinulat ni Jose Corazon de Jesus. snay ay makatanggap ako kaagad ng reply ukol dito. maraming salamat po.

  8. Pwede nyo po ba akong bigyan ng tula tungkol sa pamahalaan ng Pilipinas ngayon?
    kailangan ko po kasi dahil proyekto namin yun, at pasahan po namin sa Lunes…

  9. pwede niyo po ba suriin ang tulang Ang Bato ni Jose Corazon de Jesus??Kelangan lang po talaga..

  10. hI!..pwede pong pakiinterpret nyo ung tula ni Jose Corazon de Jesus na pag-ibig?.assignment po namin eh..thanks po!..irish20_gurl@yahoo.com

  11. may translation po ba ung tulang pagi-ibg ni Jose Corazon de Jesus ?…pede po pabasa?.,thx po!pakiemial na lng po?.o pakipost d2?..-irish20_gurl@yahoo.com

  12. PWEDE NYO PO AKO BIGYAN NG SAMPUNG TULA TUNGKOL SA PAGBUBUKID O PAGSASAKA, KAILANGAN KO TO SA SEPT. 26, 2007

  13. pwede po bang makahingi ng mga tula ni huseng batute/project po kasi namin sa filipino eh.. 5 lang po ang kailangan ko.. maraming salamat po!..

  14. hi po… pued pong humingi ng favor?

    kelangan ko po kasi ng talambuhay nina huseng batute,manuel viray, francisco balagtas, florentino collantes, lope santos, gabriel francisco, LEJndro abadilla, federico licsi, at rogelio mangahas. baka ho matulungan niyo aku.. homework po namen… ung mahahalagang detalye LANG PO… salamat.. kelangan ko po bukas ng umaga. please po.

  15. anu po ang interpretasyon ng tulang “isang punongkahoy”?kailangan ko po kasi ito..

  16. pwede pong pakiinterpret nyo ung tula ni Jose Corazon de Jesus na isang punong kahoy?

    please poh.. tnx.. c:

  17. paki interpret naman ng isang punong kahoy ni jose corazon de jesus…

    anu ung batis and pugad dun?

    and tayutay na ginamit sa tula.. .

    please.. .

    salamat po.. .

  18. puede nio po bang ibigay skin ung buod ng pinaglahuan ni faustino aguilar at buo ng geisha?

  19. pwede po bang mahingi yung pagsusuri niyo sa mga tulang, “pakpak” at Pag-ibig” ni jose corazon de jesus? kailangan lang po talaga ng opinyon ng mga taong mas nakakaalam, maraming maraming salamat po =D

  20. pls po phingi ng tula ni jose corazon de jesus na hindi common. 100 plus ztudents po kc kming nagaagawan. bwl po kc ulitin ang isng tula s buong 3rd yr.. project po nmin ito.. pls po.. oki post tnx

  21. pls po phingi ng tula ni jose corazon de jesus na hindi common. 100 plus ztudents po kc kming nagaagawan. bwl po kc ulitin ang isng tula s buong 3rd yr.. project po nmin ito.. pls po.. pki post tnx.. or pki email.. cute_lemam@yahoo.ca

  22. pede poh b bgyan nyo q ng tula ni jose corazon de jesus..ung ndi poh common or ung mga kanta na si jose corazon de jesus ung sumulat ng lyrics…tnx poh..! sna poh ASAP mlaman q n poh ung suggestions nyo.. 4000 poh ung legitimate n tulang gnawa nya so ineexpect q poh mrmi kaung mbbgay..tnx ult..!

  23. ui.. help naman.. ibat-ibang tula ni Jose Corazon de Jesus.. lampas 100.. project po kasi namen.. need namen ng isa isa at walang kaparehas.. kya pls po.. mag bgay na po kayo.. para ito sa ikauunlad ng grades namen.. hehehe.. please.. nagmamakaawa po kami.. thank you very much po.. take care always..

  24. Good Afternoon po, isa po akong estudyante nasa 3rd year level po at napansin ko po sa aking paghahanap na ang inyo pong website ay lubos na nakakatulong lalo na po sa mga tulad kong estudyante.Sana po matulungan nyo po ako sa aking proyekto ukol po sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus.Marami na po akong bookstore na napuntahan subalit out of stock po at ang iba pong nahahanap ko ay pawang may mga katulad na.
    Ang kailangan po kasi di magkakatulad ang aming tula. Ang pawang mga nahanap ko tulad ng Punong kahoy, Dahong Lagas, Bato, Pakpak, Pangungulila, Pakikidigma, Dalagang Pilipina, Kung Saan, Wagas, Engkantado ay mga tula ni J. Corazon de Jesus. ay mga naipasa na po ng aking mga kaklase.Kaya nga po namomroblema po talaga ako kasi po pasahan na po this week. Lubos po akong umaasa na mapagbibigyan nyo po ako sa aking mga kahilingan. Sana mabigyan nyo po ako ng tula ni Jose Corazon de Jesus na pwedeng wala pang nakapagpasa..Bahala na po kayo kung ilan po ang inyong maibigay sa akin.. Nagpapasalamat na po ako sa inyo…..Paki email nalang po sa akin o kaya dito po sa inyong website..salamat po ulit.

  25. Sana po ung hindi po common ung maari pong wala sa mga piling aklat para po sigurado pong wala pang nakapagpasa..mas marami mas maige po upang me mapagpilian po ako at para sigurado pong ma ka pag pass na po ako..pakiusap po sana po mapag ululan nyo po ng pansin ang aking kahilingan..marami pong salamat..

  26. Mga tula po ni Jose Corazon de Jesus na hindi pa po nai post dito at sa iba pong website dito sa internet..please po..salamat po ng marami

  27. hMMmmm,,mnghihinge lng po ng tulong,,
    kung cnu poh my alam ng mga tula ni jose corazon de jesus eh pki send na lng sa email q..keamer_11@yahoo.com..
    kailangan q na poh un bgo magnxt friday,,
    ung mga tula poh na hindi common kc 100 plus poh kmeng my kailangan ung iba myroon na,,at ung ibah wla pah,,project po kc nmn ito,,ahmmmM..kung my alam poh keu plzzzzz pki send sa email add q…e2 poh ang ym q..jorix_16….

    tnx..

  28. Hi po,gusto ko lang po sana humingi ng tulong tungkol sa tula ni Jose Corazon de Jesus “Isang Punongkahoy”,kung ano po ung ibigsabihin ng bawat taludtod…
    …Salamat Po…

  29. sir magandang araw sa inyo ako po ay isang estudnte sa P.U.P
    kung inyo pong mamarapatin pwede ko po bang malaman and site kng saan
    mahahanap ang autobiography nyo dhil po its sa aming project na pagsusuri
    as akda po ninyong ampalaya
    napakaganda po nito san nga’y mabasa ito ng kabataang pilipino
    salamat po sir i2 po ang aking i email address piles_nielvin@yahoo.com
    salmat po at magandang araw

  30. sudto ko po sanang humingi ng linaw sa pamamagitan ng inyong interpretasyon sa tulang “isang punongkahoy” ni jose corazon de jesus..
    maraming salamt po.

  31. pde po humingi ng favor?
    pede nio ga po akong ipag-gawa ng tulang may 12 na sukat,6 na phrase,at 4 na stanza?
    tungkol po sa sariling buhay.
    wag nio nalang pong banggitin ang pangal nio.
    maraming salamat po.
    kailangan ko lang po.
    maraming maraming salamat po.
    sana po ay maigawa nio ako ng isang halimbawa.
    kailangang kailangan ko lang po tlga.
    maraming maraming maraming salamat po.

    chalamat!!

    â¥_yNeNg_â¥

  32. pwde po bng bgyan mo kmi ng 18 poems ni Jose Corazon de Jesus? need Lng po nmin qnin ung mga poems nia taz i xplain nmin ung meaning… project po xE nmin xa.. ThAnK YoU po…

  33. ang pangit!idont like it palitan mo iyan ang pangit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.