Naliligiran ng kaguluhan; mga taong walang pakialam at makasarili; nakalahad na mga palad sa lansangan at mga tirahang pinagtagpi-tagpi lamang. Ito ang kasalukuyang larawan ng bayang dating tinaguriang Perlas ng Silangan.

Nakalipas na ang ilang dekada ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nalalagot ang tanikala ng kahirapang kinalulugmukan ni Juan dela Cruz. Ito ang puno’t dulo ng lahat ng pangyayaring nararanasan sa kasalukuyan ng ating bansa. Kung bakit sa bawat sulok ng dilim nagaganap ang mga krimen. Kung bakit nawawala ang pagmamahal sa isa’t isa. Ang siyang dahilan kung bakit patuloy tayong sinasalubong ng mga maliliit at maruruming paang nakalahad ang mga palad na sana’y ang hawak ay mga panulat at papel. Kung bakit mahigit dalawang milyong pamilya ang nakararanas ng kagutuman at malaking bahagi ng sangkatauhan ay natutulog nang gutom sa gabi. Kahirapang hindi nagpatuntong sa paaralan sa halos sampung milyong kabataan.

Subalit hindi lamang ito ang sanhi. Hindi lamang ang tanikalang ito ng kahirapan ang nagpapahirap kay Juan dela Cruz. Kasama sa sapot na bumabalot sa ating bayan sa pag-unlad nito, ang pamahalaang bingi sa mga hinaing ng mga tao, bulag sa mga batang naglipana sa lansangan at manhid sa init at lamig na nadarama ng mga Pilipinong walang tirahan. Hindi ba’t silang mga nasa likod ng lingkurang bayan ang nangako ng kariwasaan sa ating bayan? Sa matatamis nilang dila narinig natin ang milyun-milyong hanapbuhay, pabahay at iba pang gabundok na mga proyekto. Isa ang pamahalaan kung bakit kinakailangang may mga taong natutulog sa lansangan kung mayroon namang mga lupain na maaaring pagtayuan ng kanilang mga tahanan at nang hindi nila pilit na isinisiksik ang kanilang mga sarili sa riles ng tren at tabi ng ilog.

Dapat na tayong mabahala. Sapagkat sa bawat isang kabataang tumitigil sa pag-aaral, humihinto rin sa pag-inog ang mundo. Ang mga pangarap at kagalingan ng mga kabataang ito na maaaring mga susunod na pinuno ng ating bayan ay nasasayang.

May pag-asa pa. Sapagkat ako’y naniniwala na sa likod ng mga kalawang ay minsa’y isang kumikinang na ginto. Ang ating bayan ay dati ng tinaguriang Perlas ng Silangan at maaari pa nating maibalik ito na tulad ng isang kumikinang na ginto kung aalisin natin ang mga kalawang na nakapalibot dito.

Ako, kami, tayo, bilang mga kabataang Pilipino ang lalagot sa tanikalang nagpapahirap sa ating Inang Bayan at siya ring tutulong upang alisin ang mga sapot at kalawang na pumipigil sa ating bayan sa pag-unlad. Sapagkat ako’y naniniwala, ang kulimlim na ulap ay lagi nang nahahawi upang bigyang laya ang haring araw sa muling pagsikat nito.

Mia Lavetoria

college student

Join the Conversation

62 Comments

  1. Napakaganda! isa akong guro sa hayskul.. maari ko itong maging pyesa sa talumpatian para sa darating na Buwan ng Wika.

  2. ….npka husay mu nman isa kng dkila npakagnda n iyong talumptng ginawa akoy iyng npahnga…..npka gling mu…..salamat….,
    krstine…

  3. super ganda! i prepresent ko ito sa talumpatian namin sa darating na agosto 3, 2009
    sa pagdiriwang ng buwan ng wika. speechless..
    keep it up..

  4. ang ganda ng talumpati mo hihiramin ko ta para magamit ko sa presentation namin.

  5. elow… slamat sa pacreate mu ng ganto… in all fairness,,, ang ganda pohh.. gmitin q toh sa talumpati namin sa filipino1.. keep up the good work…… done……

  6. ang ganda nito. mas may dating at may “power” makakarelate pa ang mga nakikinig.
    gagamitin ko po toh next week for our buwan ng wika celeb. sana manalo ako, wish me luck! ;)

  7. salamat sa gumawa ng talumpati :D

    sna mgcng n xah katotohanan ang ating pamahalaan

    dhl sa huli kming mga kabataan ang mggng susi sa khirapn ng bansa ^^

    tnx poh uyet sa npkgndang TALUMPATI :D

  8. galing,,may kahulugan ang iyong talumpati,,,may pagmamahal ka sa ating bansa,,,,go!!!!!!!!

  9. sobrang napahanga nyo ako sa iyong talumpati..wala akong masabi kon hindi ang ganda sobra…………..sana mas marami papo kayong magawa para sa ating mga kababayan isa itong sulatin na makapagtatak sa aming mga puso..salamat po nang marami….

  10. …..wow nman,how nice this talumpati..your so good,know what..i’ll use this piece in our talumpatian …thanks and hope you’ll keep on producing more pieces like this one..god blesss!

  11. Ang siyang dahilan kung bakit patuloy tayong sinasalubong ng mga maliliit at maruruming paang nakalahad ang mga palad na sana?y ang hawak ay mga panulat at papel. –> hindi ko ma getz kung ano ang connection ng “PAAng” at ng palad.. paki explain please.. salamat!

  12. thanks… may talumpati na ako….
    kso pinaikli ko pa ksi
    yng iba prang paulit-ulit…

  13. tama ka!!!!!!ganito ka dumi ang ating bansa…kc puro makasarili ehhhh..dagdagan pa ng mga opisyal na ubod ng kurakot……..ako, tayo,sila?bilang ordinaryong mamayan….may magagawa bang kalabanin ang mga taong ito?mga taong pinuproteksyunan ng kanikanilang kinang????

  14. ,,,,gAndA ng talumpati !!!!!

    sana marunong din ako gumawa ng ganito kaganda,,
    jejeje

    hiramin ko muna ha,,,
    Thanks poh!!

  15. salamat po sa talumpating ito :)
    naliwanagan po ako..at nakakuha ng ideya para sa aming talakayan :)
    salamat po ulet :)

  16. nabatid o ang nais mong iparating sa iyong talumpati…..

    ito na ang napili ko para gamitin ko sa aking finals…
    salamat po…

  17. nabatid ko ang nais mong iparating sa iyong talumpati…..

    ito na ang napili ko para gamitin ko sa aking presentasyon

    salamat po…

  18. .wow.!.ganda po..promises..i’m asking for ur permission kc po ggmitin ko ito sa talumpatian nmin this coming friday..tnx po.godbless..more power..
    :] :D :D :D

  19. w0w ganda po promis hihiramin ko po etong talumpati n to gagamitin ko po sa exam ko sa fil sa skul tnx po^^
    godbless po hope po n sana ipasa aq netong talumpati na to sa fil kc maganda naman po e tnx po more power^^

  20. magaling! magaling! magaling! Isang napapanahong paksa para sa isang talumpati

  21. DANDA2X talaga i will use it for our talumpati bukas aug.26,2010 kailangan kasing e memorize at e present sa laht ng kaklase qw!! ask lg powh aq ng permision neo tnx a lot :oops: :lol:

  22. ganda.. npkapowerful ng message.. i’ll use this if u don’t mind.. salamat :)

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.