Paninindigan kita, sa bawat tanim at ani ng palay
ng magsasaka
sa mga sakunang dumating at darating pa
ay nakaagapay ako, sa
problema na meron tayo ay
nagpapakita ang isang tulad ko,
hindi ka madedehado kung katotohanan ang isasagot mo, sa tanong na “Bakit ako dapat?”
Marapat-dapat sa pwesto
dahil ang dala kong simulain ay ang pag-angat ng buhay
ng lahat sa gobyernong tapat.
Kapag napupuno na ako, sa ingay ng ibang panig na paninira at pangmamaliit sa tulad ko, mas
nangingibabaw sa aking pandinig ang tinig ng bawat boluntaryo at tagasuporta,
ang naging katahimikan
ng damdamin ko na nag-aalab at nagagalak
sa dami at tiwala sa kakayahan ko
anumang sabihin ng magulong mundo
kahit ayaw nilang ako’y para sa pwesto,
Maninindigan ako
kasama ang sakripisyo at pagtindig, pati
ang pag asa na binigay niyo
sa tanglaw ng liwanag ng
bukang liwayway ay kulay rosas ang bukas,
kahit sa pag tanda ko, ako’y nakatugon para sa ‘yo
at hanggang sa takipsilim na hangganan
ay kasama n’yo ako,
dala ang pag mamahal na buong-buo,
sa bawat luha’t pawis, kahit sa tirik ng araw
ang ating nasilungan — walang kakulangan sa
kahulugan ng pagtayo ng masa mula umaga hanggang hapon, at sa matanaw ang buwan,
na pag asa,
sa bansa at protesta para sa karapatan ng bawat isa na makawala sa kulungan ng politika,
oras na sa kalinga ng Ina, Ang pag kimkim at paghagkan na nadama ko ito pala ang dapat na ingatan pati ang kanlungan n’yo dahil
Sa pagtayo ko sa harap n’yo, ang bawat mensahe na nadinig n’yo
nakayakap ang aksyon at galaw na mapaabot ang, bukas na palad na pagtulong,
ano man ang kasarian at edad
hindi kailanman sukatan ang pagkakaiba ng palapag ng tirahan, at lawak ng ari-arian pati ang
kulay na paniniwala mo, tayo’y magkakapantay
dahil ako ay tulad mo “Pilipino na hangad ay pagbabago” sabay tayo sa pag abante, ng tulad kong babae na bawat lakad ay dala-
dala ang prinsipyo’t dangal n’yo sa pag titiwala na ipinagkaloob n’yo
sa bawat entablado na tinapakan ko kasama
ang BISE na tinitingala ko
at bawat kandidato para sa pagkasenador
na sakto sa labingdalawa na
pwesto sa benipisyo at krendensyo subok na’t talino — sila ang napili’ ko,
para sa Pilipinas na mahal ko, Ang bansa na gusto umahon sa singsing na utang mula sa maling pamumuno at luho, na dapat tumindig na ginawang kaharian at sinaklaw ng magnanakaw
Paninindigan kita, anumang edad, kasarian at karangyaan mo
Paninindigan ko kayo — mga mag sasaka’t mangingisda na pagod sa pagkayod para sa pamilya at bawat bahay
sa inyong hanapbuhay, ang dahilan ng buhay sa hapag ng bawat plato’t kainan,
ay maninindigan ako, Sa laylayan na kailangan ng pag-angat tayo ay pantay-pantay lang at hindi biro,
ang pagsagupa sa ulan at araw, sa bawat panganib sa paglaot, pagtawid sa tarik ng bundok, mga sapa’t ilog
bitbit ko ang tulay at bawat baitang ay progreso’t pag asa patungo sa “Gobyernong tapat, Angat buhay lahat”!
Ako si Leni Robredo, Nakatindig at may resibo,
Nakatayo nang may prinisipyo’t dangal,
at aabante ang babae.
“Mula sa tao, para sa tao at sa bayan! dahil handa ako at”
Paninindigan kita, Pilipinas!
Salamat sa bukas na tenga at pandama, sa piyesa na sigaw ang pag asa.