Isang kolumnista ang nagsulat na gusto na raw niyang maglaslas ng pulso nang maisip na makakasama niyang lahat sa eroplano ang OFWs na nakasalamuha niya sa duty-free shop sa Dubai nang mag-stop over sila sa biyahe niya papuntang Gresya.

“…I forgot that the hub was in Dubai and the majority of [them] were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.”

Isang bahagi iyan ng isinulat ng isang Malu Fernandez, isang pasosyal na kolumnista ng Manila Standard Today, sa kanyang artikulong “From Boracay to Greece!” na nalathala sa People Asia nitong Hunyo 2007.

Parang naimpyerno rin daw siya nang makasama ang maiingay na OFWs sa ecomy class ng sinakyang eroplano:

“While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of ‘HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?’ Translation: ‘Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?’ I though I had died and God had sent me to my very own private hell.”

Pati amoy ng OFWs, tinira niya: “On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air.”

Ipinost ko sa blog ko ang link patungo sa buong artikulo. Doon ko rin ikinuwento kung paanong kumulo ang dugo ko nang mabasa ko ito. Naroon din ang reaksyon ng iba pang bloggers at mga mambabasa. (Sana, makarinig din ako mula sa inyo.)

Ayon pa kay Fernandez, na matigas na pinangatawanan ang kanyang mga isinulat, nagpapatawa raw siya. Kung nakabasa raw ng mas makapal man lang sa kanilang magazine ang mga nagbasa ng kanyang artikulo, mauunawaan nila ang ibig niyang sabihin. Pero ako, na adik sa mga libro, ay hindi natawa. Hindi rin natawa ang mga kaibigan ko. Ang nakita ko ay pambabalahura at pagyayabang. Ang nabasa ko ay pagpupumilit na magmukhang sosyal habang tinatapakan at ginagawang katawa-tawa ang masaklap na kalagayan ng ibang Pilipino.

At hindi katawa-tawa ang kinasasadlakang ito ng ating bayan at mga kababayan. Habang ang mga kagaya ni Malu Fernandez at ang mga kapamilya ng pangulo ay aliw na aliw sa pagpaparada ng kanilang mga bag na Louis Vuitton sa bakasyon nila sa ibang bansa, ang maraming Pilipino ay naluluha habang nag-iimpake sa mga walang pangalang maleta dahil kailangan nilang malayo sa mga mahal sa buhay at maglingkod sa mga dayuhan sa ibang bayan upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sabi nga ni Vlad Gonzales, manunulat at kasamahan ko sa Tinig.com, ang usaping ito ay nag-uugat “sa suliraning ng pagdarahop ng sariling bansa, at nakalulungkot na gagawing katatawanan ang pagsasakripisyo ng mga kababayan, pagsasakripisyo ng oras na kasama ang pamilya, ang pagsisilbi sa mga hindi kalahi, para lang makagawa ng ‘nakakatawang’ artikulo.

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Ederic Penaflor Eder

Si Ederic, 40, ay founding editor ng Tinig.com. Ipinanganak sa Batangas at lumaki sa Marinduque, nagtapos siya ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong 1999. Mababasa rin ang kanyang mga...

Join the Conversation

14 Comments

  1. hoyu malu F…mapagalipusta ka komo bauyaran hodlum na rporter ng MST.mahiya ka naman kung my mahusay lng na trabaho dto sa pinas di mo na makaaksabay ang mga ofw ….KAJU

  2. Dear All,
    Yesterday, I heard mass from Fr. Willy Escalante here in Hamburg, Germany. He mentioned the name Malu Fernandez in his closing remark. For curiousity, today I searched the name Malu Fernandez which I came to know what is all about her, for me such person like Malu Fernandez, must have NO any place in a society, she thinks she clever to articulate her communication scale to degrade OFW. She should have slashed her wrist and face God in heaven and of only God can judge this FAT lady.

  3. Ang mga hamak na OFW sila po ang salbabida ng ating ekonomya ngayon. Kung wala ang mga hamak na OFW, patay gutom na at bangkarote na ang ating ekonomya.

    Malu Fernandez hindi ka maka Diyos. Isa kang matapobre (baket mayaman ka na ba talaga?) Kahit mayaman ka di ka dapat magmalaki! maging Kristiyano ka..!

  4. To malu: my dear, payabangan pala ha.. sige bibigyan kita ng isa. Susubukan ko if I’m good at it. But mind you, bragging lang itong gagawin ko and not lying and pretending. This is the truth. Here we go: You know, I’m a wife of an OFW in a European country. Europe, malu ha, EUROPE! At kahit magsulat ka pa kada minuto ng buhay mo at i-add natin ang binabayad sa’yo sa pang-aalipusta ng iba, mas malaki pa rin ang sinusweldo ng asawa kong OFW kesa sa’yo. So therefore, mas sosyal ako sa’yo at di hamak na donya ako kung ituring kesa sa’yo! Come to think of it, ako nasa bahay lang, i manage our entire household and our kids. I don’t have to work and have a meltdown coz I have a deadline to beat, pero ang dami dami dami dami kong pera!!! I have all the time and the luxury to roam around the world. At hindi ako nag-iisa. Marami kaming mga asawa ng mga OFW na nakakahawak at gumagastos pa ng di hamak na mas malaki pa sa perang nakita mo in your entire existence. Pero alam ko sa sarili ko na kagaya ko, marami kaming hindi nagyayabang at nang-aalipusta ng kapwa. Bragging at the expense of others? Oh c’mon, malu! We’re not convinced by it that you are what you are claiming to be. I’m sure, malayo ka pa lang, maaamoy ka na na isa ka lamang pasosyal na nakikisabay sa pinili mong agos na kulang na lang ay ianod ka sa tabi at nang sa ganon ay hindi na makisawsaw pa. Hope you really learned your lesson. At kung hindi mo pa rin mapigilan ang pagyayabang at pang-aalipusta sa mga OFW, saka na lang, dear, pag mas mayaman ka na kesa sa’kin, ok? And one thing, wag ka nang magpalusot na you wrote that to make your article funny or amusing or whatever! FYI, it’s not even close to being funny. It’s not even in the same generics of the word funny. It’s way too annoying and appalling that a Filipino with “breeding” would ever write something like that. I pity you, girl.

  5. Ang gaya ng Malu Fernandez na ito ay walang puwang sa mundo, akala mo sino ang BABOY NA ITO.. Meanwhile, mukhang tahimik ang Philippine Government sa pag-aalipusta ng Baboy na ito sa mga OFWs.. Magaling lang sa salita ang gobyerno kapag umaangat sa ekonomya dahil sa OFWs.. Pero ngayon na hinahamak ang OFWs sa sariling kababayang BABOY, tameme sila at wala ka man lang makitang simpatya..

  6. BAGONG BAYANI??? salitang ipinutong sa ulo ng bawat Pilipinong OFW pero ang respeto ay di kaakibat ng titulo. Hantaran ng ininsulto ng isang pahayagan ang mga walag kamuwang2 na manggagawa sa Dubai pero ano ang ginawa ng namumuno ng pahayagan? Alisin na ang tawag na Bagong Bayani dahil higit na mahalaga ang respeto sa pagkatao ng mga OFW.

  7. Fight Bigotry and Discrimination in all places and form. Boycott Manila Standard Today. The term Bagong Bayani is useless if we allow people like Malu Fernandez insult them without provocation and get away with it without remorse. Bagong Bayani, without respect , it is nothing.!!!

  8. ….Napakaconya naman ‘tong cocoNUT na ‘to…Tandaan mo ‘to Malu Fernandez…kada kain mo sa labas …makakasiguro ka ba na walang kulangot o’ dura’ ang iyong kinaKain o’ iniinom?

  9. …aba, bigla yata ang pagsikat nitong malu fernandez sa pang aalipusta ng mga OFW…Joke lang daw sabi niya, pero ni wala man lang sense of joke ang sinulat niya, palatandaan lang na wala siyang sense of humor and sense of sensibility !!!! akala ko marunong ka malu, bakit ni hindi mo man lang na sense kong anong dapat mong isulat, kung yon ang temang gusto mong iparating sa taong madla, aba’y sana di isinulat mo na ma’y malasakit ka sa kapwa mo pilipino at ang gusto mo lang ay patawanin mo sila… ayan tuloy di bumalik sa iyo ang mga negatibong isinulat mo…. God bless you girl, ayaw kitang husgahan, pero sana ang bad lucks na darating sa buhay mo eh isa isa lang at hwag naman sabay sabay para hindi naman bigla, yon bang banayad para ramdam….. goodluck girl…..

  10. to mr EDER PINAFLOR,very powerful message..totoo lahat ng nilahad mo,especially yung last na tinuran mo,,dapat lang na tigilan na nila ang panghahamak sa mga OFW!!regardless sa brand ng damit,pabango,cellphones or accesories na ginagamit ng bawat isa,,,napakahalagang pakatandaan ng bawat Filipino na ang bawat isa sa mga OFW ay may malaking bahagi sa ating lipunan..

  11. hmmm… malu fernandez… she’s nothing…to speak ill of others means a manifestation of ill-breeding… and she is one of them. i have a sister in denmark, earning dollars, but keeping her feet on the ground…kung ayaw niyang makasalamuha ang OFWs sa economy, nag business class sana siya… eh ala naman palang binuga eh, economy lang din nabili niyang ticket…

  12. Malu Fernandez belongs to the new bred of journalist who has to ‘shock’ to be recognised. She probably succeeded judging the responses printed in newspapers, and like me, voicing our opinions on various websites. We have read many of them during our travels all over the world, and they sell. She knows fully well that the tax revenues collected from these human beings who sacrificed their families in order to support them fill a big portion of the country’s economy; she should sing their praises. I visit Phil. at least 3-4 times a year and sometimes fly with qatar airlines which would usually be full of OFWs; I have a good laugh and share cups of tea and cakes with them, give them my address, in UK and in Phil. And I invited them to visit Boracay which, like any other region in the Phil., mosquitoes are seasonal ‘visitors’. To all the Malu Fernandez in the world, i.e. unhappy, unfulfilled, and unwitty, get a life.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.