Wala na Ngang Wangwang, Pero Maraming Buang

“Nung ipinagbawal ninyo ang wangwang, isang small victory ito para sa common tao. Kaso, unfortunately po, para sa ibang tao, iba talaga ang kabig ng pangangailangang maipakita ang kakapalan ng mukha.”

Dear President Noynoy,

Bilib po ako nung ipinagbawal ninyo ang wangwang.

Tama kasi, kaming mga ordinaryong taong nagbabayad ng tax para ma-maintain ang kalsada, may equal rights sa paggamit nito.

At dahil marami kami, nagiging democratic ang trapik. Commuter o driver, de-aircon o de-paypay, sa trapik lahat dapat pantay-pantay.

Nung ipinagbawal ninyo ang wangwang, isang small victory ito para sa common tao.

Kaso, unfortunately po, para sa ibang tao, iba talaga ang kabig ng pangangailangang maipakita ang kakapalan ng mukha.

Tulad po kaninang umaga.

Siksikan sa EDSA. Bumper-to-bumper traffic, pero moving naman.

Tapos, biglang may sumingit sa gilid na pulis na naka-motor, pinapatabi ako.

Okay, sige, usog ako nang konti.

Tapos, aba-aba, may isa pang pulis na naka-motor.

At escort pala sila ng isang kulay gold na Nissan Patrol.

Putangina, sabi ko. (Sorry po, Mr. President, common tao lang po.)

Walang wangwang ang Nissan Patrol, pero may convoy sila.

At gumuhit sila sa siksikang kalsada.

Walang wangwang na nagsasabing “TABI MGA TIMAWA! MAS IMPORTANTE AKO, MADAPAKAS!”

Pero may mga hagad na escort na nagmomonstrang “TABI MGA TIMAWA! MAS IMPORTANTE AMO KO, MADAPAKAS!”

Putsa.

Bakit lahat ng bullshit, nangyayari sa mga ordinaryong taong sumasakay sa bus, o nagsisikap sa trabahong delikado, at hindi nangyayari sa mga feeling VIP tulad ng may-ari ng kulay gold na Nissan Patrol with plate number XFW 664 na feeling yata’y angat siya sa lahat at dapat bigyan ng special rights dahil kaya niyang bumili ng isang kulay gold na Nissan Patrol with plate number XFW 664 na ine-escortan pa ng dalawang pulis na naka-motor?

May sumasabog na bus, at nabibiktima ang mga ordinaryong tao.

May nahuhulog na elevator, at namamatay ang mga laborer.

Bakit walang sumasabog na kulay gold na Nissan Patrol with plate number XFW 664?

Bakit walang elevator na nahuhulog sa mga taong gaya ng owner ng kulay gold na Nissan Patrol with plate number XFW 664?

Ah, rhetorical questions lang po, Mr. President.

Sinubukan ko pong i-text sa LTO ‘yung plaka para makakuha ng info.

Wala lang, curious lang.

Tapos, SURPRISE!

Walang bumalik na text.

Bilib po ako nung ipinagbawal ninyo ang wangwang kasi ibig sabihin, naniniwala kayo sa equal rights.

Kaso, kung ‘di natin ‘to mapatupad sa kalsada pa lang, paano pa kaya kung sa ibang bagay pa?

Ayun lang po.

Maraming salamat po,

Jol

2 thoughts on “Wala na Ngang Wangwang, Pero Maraming Buang”

  1. Kaya pasabugin na ang mga tulad ng gold na Nissan Safari na may plakang XFW-664! Isama na rin ang mga buwayang heneral ng AFP!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *