|
Pahimakas
Ni Dr.
Jose Rizal
("Mi Ultimo Adios"
Salin ni Andres Bonifacio)
Pinipintuho
kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa
iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma
at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas
ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay,
ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay
na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw
Ang aking
adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang
luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayang
ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa
laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan
ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
At sa aking
noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang
buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling
bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang
ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino
man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.
Idalanging
lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't
pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung an
madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang
hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan
ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.
At mga buto
ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka
gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog,
sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo
sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang
at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasasalamat
at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!
|