|
Kapaskuhan
at Kabuhayan
Ni Alexander Martin Remollino
NOONG NAGSISIMULA
pa lamang ang Disyembreng ito, nakapagbahagi ang suki naming magtataho
ng kanyang kuro tungkol sa pagkakaiba ng Paskong ito sa nagdaang
mga Pasko. Parang di Pasko ngayon, ano? aniya. Dati,
paramihan ng ilaw ang mga bahay; ngayon, kahit parol, di mo makita.
Nakalulungkot,
ngunit totoo ang sinabi niyang ito. At hindi lang iyan; pati mga
pamaskong awitin ay bihira nating marinig ngayon. Waring walang
gana ang mga taong ipagdiwang pa ang Pasko.
Sa unay
maaaring maitanong natin kung hindi kaya nababaliw na ang mga
tao. Hindi bat ang Paskoy panahon ng paggunita sa
pagsilang ng Dakilang Mesiyas? Bakit mawawalan ng gana ang sinumang
ipagdiwang ito?
Subalit sino
nga naman ang magkakaganang ipagdiwang angPasko ngayon? Kayraming
kumpanyang nagsasara at libu-libong tao ang nawawalan tuloy ng
trabaho. Hindi pa nakatutulong ang sahod na 'i maitaas-taas at
halaga ng mga bilihing di maibaba-baba. Sapin-saping paghihirap
ang dulot nito sa mga tao, kayat masisisi ba natin ang karamihan
kung mawalan sila ng ganang magdiwang ngayong Pasko?
Dinaranas
natin ngayon ang pinakamalakas na pagbagsak ng ating kabuhayan
mula nang panahon ng mga Hapones. (Pinakamatindi pa rin ang noong
panahon ng mga Hapones pagkat nooy bibili ka lang ng galunggong
ay isang bayong pa ang perang kailangan mong dalhin.) Sapagkat
ang kalakhan ng kabuhayan natiy hawak ng mga dayuhang mamumuhunan,
nadamay tayo sa pinsalang dulot ng mga pagpapasabog noong Setyembre
11 sa ekonomiya ng Estados Unidos. Nagsiurong ang kayraming mamumuhunang
Amerikano mula sa atin at napilay tuloy ang ating ekonomiya.
Napapanahon
ngayong pag-aralan ng pamahalaan ang pagbabalangkas at pagpapatupad
ng isang programang pangkabuhayang hindi umaasa sa mga dayuhan,
isang programang nakasalig sa paggamit ng sarili nating mga yaman
upang makapagtayo ng sarili nating mga industriya. Sa ilalim ng
ganitong programa, ang ating kapital ay magpapaikut-ikot lamang
sa ating bansa at hindi tuluy-tuloy na lalabas na gaya ng nangyayari
ngayon. Hindi na laging may magsasarang kumpanya at mga manggagawa
at kawaning mawawalan ng hanapbuhay.
Magiging katwiran
kaipala ng pamahalaan ang tayoy walang sapat na kapital
upang makapag-industriya. Ikagugulat ng pamahalaan, kung gayon,
ang malamang ang kalakhan ng kapital na ginagamit ng mga dayuhan
ay nanggagaling din sa atin. Sa ilalim ng Foreign Investments
Act, ang mga dayuhang mamumuhunan ay maaaring magtungo sa ating
bansa nang walang dala halos liban sa mga pangalan ng kanilang
mga kumpanya, mangutang ng puhunan sa ating mga bangko, at iuwi
nang buo ang kanilang kikitain.
Nakalulungkot
na pati ang pagdiriwang natin ng Paskoy naaapektuhan ng
isang programang pang-ekonomiyang sumisira at hindi nagsasaayos
sa ating ekonomiya. Kakaunti na nga ang dahilan upang magsaya
sa mundong ito at nababawasan pa ang sa ating mga Pilipino.
===============
Si Alex ay isang freelance manuscript editor.
|