|
Ang State
Visit ni Pangulong Arroyo
Bilang Ebidensya ng Pagpapakatuta sa Amerika
Ni Danilo A. Arao
Ikalawang
pahina
Kahit ang
ating turismo ay umaasa sa mga Amerikano. Sa unang semestre ng
taong ito, mayroong 236,668 Amerikanong bumisita sa bansa, o 32.0%
ng kabuuang dayuhing turista na 738.851. Tunay na ang mga Amerikano
ang pangunahing dayuhang turista sa Pilipinas.
Sa usapin
ng dayuhang pamumuhunan, ang Amerika at bansang Hapon ay nangunguna
sa dami ng korporasyon at halaga ng puhunang ibinuhos sa bansa.
Kahit sa official development assistance (ODA), sa porma man ng
ayuda o pautang, ang dalawang bansang ito ay nasa una at pangalawang
posisyon.
Ipinagmamalaki
ng pamahaaan ang pagkakaroon ng kondisyonal na debt relief. Pero
anong klaseng kondisyon kaya ang ipapataw sa atin at gaano naman
kaya kaliit ang pagbabawas sa ating utang panlabas?
Tandaan nating
sa kasalukuyan, ang ating utang panlabas ay umaabot na sa $49.9
bilyon, na nangangahulugang ang bawat isa sa atin ay may utang
na P33,300. (Tingnan ang Talahanayan 3)
|
Talahanayan
3
Utang Panlabas, 1996-2001(sa milyong dolyar)
|
|
|
1996
|
1997
|
1998
|
1999
|
2000
|
Mar 2001
|
|
Banking System
|
8,632
|
10,664
|
11,215
|
9,904
|
9,430
|
10,581
|
|
Bangko
Sentral
|
1,415
|
2,499
|
3,437
|
3,005
|
2,914
|
5,092
|
|
Banks
|
7,217
|
8,165
|
7,778
|
6,899
|
6,516
|
5,489
|
|
Government
Banks
|
1,838
|
2,187
|
2,368
|
2,741
|
2,992
|
2,826
|
|
Private
Banks
|
5,379
|
5,978
|
5,410
|
4,158
|
3,524
|
2,663
|
|
Foreign
Banks
|
348
|
609
|
494
|
423
|
333
|
319
|
|
Domestic
Banks
|
5,031
|
5,369
|
4,916
|
3,735
|
3,191
|
2,344
|
|
Public and
Private
|
33,244
|
34,768
|
36,602
|
42,305
|
42,630
|
39,368
|
|
Public
|
24,132
|
22,271
|
24,506
|
29,054
|
28,505
|
25,058
|
|
Private
|
9,112
|
12,497
|
12,096
|
13,251
|
14,125
|
14,310
|
|
TOTAL DEBT
|
41,875
|
45,433
|
47,817
|
52,210
|
52,060
|
49,949
|
|
Pinaghalawan: Bangko Sentral ng Pilipinas
|
Batay sa mga
datos na nabanggit, hindi ba't malinaw ang paghahari ng mga Amerikano
sa ating bansa at ang pagkakatali ng ating ekonomya sa kanila?
Hindi na bago
ang ganitong sitwasyon. Sa loob ng 30 taon, halos $4 bilyon ang
ibinuhos ng US Agency for International Development (USAID) sa
ating bansa. Ipinagmamalaki rin ng US na may 8,500 Peace Corps
volunteers na nagsilbi sa Pilipinas mula nang mabuo ang Peace
Corps program noong 1961. [2]
Makapangyarihan
ang Amerika dahil kapalit ng mga suportang ibinibigay nito ay
ang mga kondisyones na dapat tuparin. Ginagamit nito ang International
Monetary Fund (IMF) na kung saan hawak nito ang mahigit 1/3 ng
special drawing rights (SDRs) para itakda ang pangekonomyang programa
ng ating bansa.
Alam nating
lahat ang mahabang listahan ng mga ipinatupad nito na nagbunga
lang ng matinding kahirapan sa masa --- deregulasyon sa industriya
ng langis, pagsasapribado ng MWSS at NAPOCOR, value added tax
(VAT), at marami pang iba. [3]
Habang inaalala
natin ang kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ating isiping mabuti
ang patuloy na paghahari ng Amerika at ang pakikipagsabwatan ng
lokal na naghaharing uri. Tanging ang pagsusulong lang ng Rebolusyon
ni Bonifacio ang susi sa ating tunay na pag-unlad at kalayaan.
Mga Pinagsanggunian:
[1] "Security
pact with US to help Philippines weather global downturn: Arroyo,"
November 24, 2:12 PM
[2] US 2001 Backgrounder, Office
of the Press Secretary website
[3] Sustainable Development and Globalization in the Philippines.
Inihanda ng Philippine Network for the World Summit on Sustainable
Development (PhilNet-WSSD) para sa Asia-Pacific People's Forum
on the WSSD, Nob. 25, 2001 sa Buddhit Institute, Phnom Penh, Cambodia
Si Danilo
A. Arao ay tagapagsalita Congress of Teachers/Educators for Nationalism
and Democracy Unibersidad ng Pilipinas (CONTEND-UP). Kasapi siya
ng faculty sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad
ng Pilipinas.
Ang artikulong
ito ay inihanda para sa pagdiriwang ng ika-138 Taong Kaarawan
ni Gat Andres Bonifacio sa Pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU)na
ginanap sa Recreational Center, Library ng
Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa,
Manila noong Nobyembre 30, 2001
|