v8.0
Nobyembre 30, 2001
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Ang State Visit ni Pangulong Arroyo
Bilang Ebidensya ng Pagpapakatuta sa Amerika

Ni Danilo A. Arao

Unang pahina

Mismong ang datos na ito ang magpapatunay na ang gobyeno, para sa buong taon ng 2002, ay maglalaan lang sa bawat Pilipino ng P28.59 para sa pabahay, P58.20 para sa distribusyon ng lupa, P186.15 para sa serbisyong pangkalusugan, P389.23 para sa social security at P1,662.43 para sa edukasyon.

Simple lang naman ang dahilan ng maliit na alokasyon bawat tao para sa batayang serbisyo: Umaabot sa P250 bilyon ang gagastusin ng pamahalaan para sa depensa at pagbabayad ng interes mula sa ating utang panlabas.

Tandaan nating ang anumang paglaki ng badyet sa gastusing militar ay magbubunga lang ng mas maraming paglabag sa ating karapatang pantao.

Ayon sa datos ng Ecumenical Movement for Justice and Peace, mayroon nang 205 kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo, na kung saan 326 indibidwal at 50 komunidad ang naapektuhan. Hindi pa kasama rito ang mga insidente sa Mindanao bunga ng operasyong military laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf.

Samantala, ang anumang suportang pang-ekonomya ng Amerika ay lalo lamang magtatali ng ating ekonomya sa bansang ito.

Sa ngayon, ang Amerika ay pangunahing destinasyon ng ating eksport. Mula Enero hanggang Hulyo 2001, binili ng mga Amerikano ang $5.2 bilyon ng ating eksport, 28.3% ng kabuuang eksport na nagkakahalaga ng $18.6 bilyon.

Sa usapin ng import, malaki rin ang papel ng Amerika. Bagama't ang bansang Hapon ang pangunahing pinagkukunan ng import ($3.6 bilyon o 20.3% ng kabuuan), ang Amerika naman ay malapit na pumapangalawa ($3.2 bilyon o 17.7% ng kabuuan).

Mula 1997 hanggang 2000, ang kabuuang kalakal (eksport at import) ay umabot ng $66.1 bilyon. (Tingnan ang Talahanayan 2)

Talahanayan 2
Ilang Datos sa Relasyong US at RP

 

1997

1998

1999

2000

TRADE

 

 

 

 

Total Trade (In million US$)

15,972.80

16,656.80

16,808.00

16,656.89

Total Exports to the United States (In million US$)

8,814

10,098

9,734

11,244.21

Total imports from the United States  (In million US$)

7,158

6,559

5,824.19

5,014.96

Trade Balance (In million US$)

1,656

3,539

3,909.81

6,229.25

TOURISM

 

 

 

 

Visitor Arrivals from the US

427,431

No data

463,600

256,102b

Pinaghalawan: US 2001 Backgrounder, mula sa Office of the Press Secretary (OPS) website

Ikatlong pahina


Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved

E-mail us to contribute articles, pictures or art works for the next issue of Tinig.com


MULA SA PATNUGOT
Pugad ng Luha at Dalita

KUWENTONG PEOPLE POWER 2
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

There in Edsa
By Noel Pascual

MAIKLING KWENTO
Ang Pagiging Iba
Ni Vladimeir B. Gonzales

NEWS FEATURE
ROTC Issue: Students Set to Resume Sunday Walkouts
By Alfred A. Araya, Jr.