v8.0
Nobyembre 30, 2001
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Ang State Visit ni Pangulong Arroyo
Bilang Ebidensya ng Pagpapakatuta sa Amerika

Ni Danilo A. Arao

Napapanahong pag-aralan ang konteksto at manipestasyon ng kahirapan sa ating bansa para lubusang maunawaan ang pangangailangang isulong ang Rebolusyon ni Bonifacio.

Noong Nobyembre 28 lang ay ginunita ng CONTEND at Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang ika-100 taon ng Republic Act No. 74 na ipinasa ng Taft Commission noong Enero 21, 1901. Ito ang nagtatag ng sistemang pang-edukasyon sa ating bansa na kolonyal ang oryentasyon. Ang mga Thomasites ang nagsilbing guro ng mga Pilipino noon na nagresulta lamang sa pagkalason ng isipan.

Noon, ang isyu ay paghahari ng Amerika at ang epekto nito sa mamamayan. Ganito pa rin ang sitwasyon hanggang ngayon.

Sa unang tingin, ang pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Amerika noong Nobyembre 14 hanggang 23 ay isang simpleng junket lamang na dinaluhan ng mahigit 100 opisyal ng gobyerno at kapamilya ng pangulo. Pero kung pag-aaralan ang mga datos at sirkumstansya ng pagbisita, makikita natin ang ebidensya ng pagpapakatuta ng kasalukuyang administrasyon sa Amerika.

Mismong si Pangulong Arroyo ay nagsabing may stratehikong kahalagahan (“strategic importance”) ang suporta ng US sa ating bansa. Ayon sa kanya, sa loob ng maraming dekada, mananatili pa rin daw ang Amerika bilang nag-iisang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo (“for many decades to come, America will still be the only superpower in the world”). [1]

Sa madaling salita, gusto ng kasalukuyang administrasyon na ikintal sa isipan ng mamamayan na tayo ay kailangang magpaalipin sa Amerika at magpatali sa kagustuhan niya. Sa mata ng administrasyon, ang kabutihang loob ng Amerika sa pamumuno ni Pangulong George W. Bush ay susi sa ating pag-unlad.

Hindi tuloy nakakagulat na ipinagyabang ng administrasyon ang pagkakakuha ng suportang militar na nagkakahalaga ng $100 milyon sa susunod na 12 buwan, suportang pang-ekonomya na nagkakahalaga ng $4.6 bilyon, at kondisyonal na “debt relief” na nagkakahalaga ng $430 milyon.

Ang sinasabing tagumpay ng pagbisita ni Pangulong Arroyo sa Amerika ay para lamang sa militar dahil lalo lamang lumobo ang pondo nito. Matatandaang sa panukalang pambansang badyet para sa 2002, umabot ng 41% ang ilalaki sa badyet sa depensa kumpara sa nakaraang taon. (Tingnan ang Talahanayan 1)

Talahanayan 1
Panukalang Pambansang Badyet 001-2002 (sa bilyong piso)

 

2001

2002

Pagtaas
(Pagbaba)

Tantos ng Paglaki

ECONOMIC SERVICES

141.24

157.67

16.43

11.63%

Agriculture, Agrarian Reform and Natural Resources

28.05

38.27

10.22

36.43%

Natural Resources

0.00

0.00

0.00

0.00%

Trade and
Industry

2.82

3.00

0.18

6.38%

Tourism

1.00

1.17

0.17

17.00%

Power and Energy

1.27

1.22

(0.05)

(3.94%)

Water Resources Dev't. and Flood Control

4.14

6.76

2.62

63.29%

Communications, Roads
and Other Transportation

53.13

53.06

(0.07)

(0.13%)

Other Economic Services

8.21

7.14

(1.07)

(13.03%)

Subsidy to Local Government Units

42.62

47.05

4.43

10.39%

SOCIAL SERVICES

217.22

232.96

15.74

7.25%

Education, Culture, and Manpower Development

121.50

129.67

8.17

6.72%

Health

13.64

14.52

0.88

6.45%

Social Security, Welfare and Employment

27.67

30.36

2.69

9.72%

Housing and Community Development

2.48

2.23

(0.25)

(10.08%)

Land Distribution (ARF)

4.15

4.54

0.39

9.40%

Other Social Services

2.72

1.91

(0.81)

(29.78%)

Subsidy to Local Government Units

45.06

49.74

4.68

10.39%

DEFENSE

32.78

46.11

13.33

40.67%

GENERAL PUBLIC SERVICES

120.02

133.65

13.63

11.36%

General Administration

35.99

39.45

3.46

9.61%

Public Order and Safety

47.70

54.22

6.52

13.67%

Other General Public Services

2.23

2.34

0.11

4.93%

Subsidy to Local Government Units

34.10

37.64

3.54

10.38%

NET LENDING

7.02

6.14

(0.88)

(12.54%)

DEBT SERVICE FUND-INTEREST PAYMENT

181.60

204.27

22.67

12.48%

TOTAL

699.88

780.79

80.91

11.56%

Mga pinagkunan ng batayang datos: House of Representatives; pananaliksik ng Bayan Muna

Ikalawang pahina

 

 


Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved

E-mail us to contribute articles, pictures or art works for the next issue of Tinig.com


MULA SA PATNUGOT
Pugad ng Luha at Dalita

KUWENTONG PEOPLE POWER 2
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

There in Edsa
By Noel Pascual

MAIKLING KWENTO
Ang Pagiging Iba
Ni Vladimeir B. Gonzales

NEWS FEATURE
ROTC Issue: Students Set to Resume Sunday Walkouts
By Alfred A. Araya, Jr.