v8.0
Nobyembre 30, 2001
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Anong Klaseng Lider?
Ni Rodelio

MINSAN SA buhay ni Nur Misuari ay nangarap sIya ng isang malayang sambayanang Moro na hindi na hindi saklaw ng anumang batas ng bansang Pilipinas. Sa pagnanais niyang makamit ito, sumapi at pinamunuan niya ang Moro National Liberation Front (MNLF) na naglalayong makapagbuo ng isang bansang Moro sa Mindanao.

Ngunit batid naman ng lahat na imposible itong mangyari.

Akala ng marami ay napagtanto na ito ni Nur Misuari, kaya noong taong 1996, pinirmahan sa pagitan ng MNLF at ng gobyernong Pilipinas ang usapang pangkapayapaan saksi ang Organization of Islamic Conference (OIC) kung saan may observer status ang MNLF.

Nakapaloob sa nasabing usapan ang pagbubuo ng Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) upang pormal na mailahok sa sambayanan ang mga Pilipinong Muslim. Layon nitong maisulong ang kapayapaan at kaayusan katimugang Mindanao at subaybayan ang mga proyektong pangkaunlaran doon.

Si Misuari rin ang naging gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang nagsasariling rehiyon ngunit napapaloob pa rin sa bansang Pilipinas.

Ngayon, nahaharap si Misuari sa kasong rebelyon. May mga sabi-sabi pang naubos raw ang milyon-milyong pisong pondo para sa pagpapaunlad ng ARMM nang walang matibay na basehan ng pinaggugulan nito. Pinalitan na rin siya bilang lider ng MNLF

Sa kabila ng kanyang pangako sa kanyang nasasakupang rehiyon, nagawa pa ni Misuari na bumaligtad at bualik muli sa armadong pakikibaka laban sa gobyernong minsan niyang ginatasan, sa gobyernong minsan nyang ginamit upang diumano ay maisakatuparan ang ninanais ng Bangsa Moro.

Ano kayang klaseng rehiyon o bansa ang nais itayo ng isang tulad ni Misuari? Bansa ba kung saan ay sya ang diyos at hari? Na siya lang tama at hindi maaring magkamali?

Maliwanag na naibigay na sa kanya ang pagkakataon upang isakatuparan ang kanyang ipinaglalaban ng sa loob ng mahabang panahon ngunit ano ang kanyang nagawa? Ano ang pagbabagong kanyang naisakatuparan sa ARMM sa loob ng limang taon? Batid ng lahat na hanggang ngayon ay walang masabing pagbabago ang naturang rehiyon.

At kung sakaling magtayo siya ng isang bansa, ano naman kayang klaseng tagasunod ang gustong sumama sa kanya? Mga bulag, tanga at walang kinikilalang dakila kundi si Misuari?

Panahon na para imulat ng mga tagasunod niya ang kanilang mga mata sa kung anong klaseng lider ang isang tulad ni Nur Misuari.

 


Si Rodelio ay dating punong patnugot ng opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng isang state college sa Timog Katagalugan.


Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved

E-mail us to contribute articles, pictures or art works for the next issue of Tinig.com


MULA SA PATNUGOT
Pugad ng Luha at Dalita

KUWENTONG PEOPLE POWER 2
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

There in Edsa
By Noel Pascual

MAIKLING KWENTO
Ang Pagiging Iba
Ni Vladimeir B. Gonzales

NEWS FEATURE
ROTC Issue: Students Set to Resume Sunday Walkouts
By Alfred A. Araya, Jr.