v8.0
Nobyembre 30, 2001
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Si Supremong Andres at ang Labing-Isa
Ni
Ederic Eder

Bonifacio, the revolutionary who truly fought for the peopleLABING-ISA.

Ito ngayon ang bilang ng mga pinagkaloobang maghangad na maangkin ang tungkuling isang dantaon na ang nakalilipas mula nang ipagkait kay Andres Bonifacio.

Mula sa mahigit pitumpong presidentiables para sa pambansang halaan ngayong darating na Mayo ay pumili ng labing-isa ang Comelec. Bawat isa sa kanila ay nasasandatahan ng mga kakailanganin sa mahigpit na labanan tungo sa pinakamimithing posisyon.

At kung sa pangkasuluyang konteksto ng karnabal na kung tawagin ay pulitika, ano kaya’t muli nating ilahok sa labanang pampanguluhan si Supremong Andres?

Tiyak na muling lilibakin ng labing-isa at ng kanilang mga kapanalig ang kandidatura ng Supremo, kagaya ng paghamak na ginawa sa kanya noon.

Muli nilang susukatin ang kanyang edukasyon sa bilang ng kaalamang nakuha niya sa apat na sulok ng mga silid-aralan at tuluyang ibabasura ang kanyang mga makabuluhang karanasan. Itatanong nila kung ano ba ang magagawa ng isang hindi kilalang lider mangagawa kumpara sa mga pamasong manananggol, mababatas, manggagamot, ekonomista, o heneral sa tanggulan. Sasabihin pa rin nilang si Supremong Andres ay walang salaping maitutustos sa kanyang pambansang kampanya.

At sa huli, idedeklara siya ng Comelec na isang nuisance candidate.

Kung.magkakagayon, nararapat mrahil na ating sangguniin ang kasaysayan. Sapagkat tila natatabunan ng mga pagdiriwang sa panahong ito ang kahalagahan ni Andres Bonifacio sa ating kasaysayan.

Kinakailangang ipalala sa labing-isa at iba pang mga kapanalig nila na kung wala ang taong ito—si Andres Bonifacio—ay wala rin ang posisyong pinag-aagawan nila ngayon. Si Supremong Andres ang nag-udyok at nanguna sa mga Indio upang mag-aklas at humulagpos sa Kastilang pananakop. Siya ang namuno sa buklurang ang layon ay kasarinlan--ang Katipunan.

Hindi natin dapat kalimutang sa alab ng Himagsikan 1896 na kanyang sinindihan nag-ugat ang ating pagsasarili bilang isang bansa.

Kung ang pamantayan sa pagpili ng pinuno ay ang kakayahang magpasunod, hindi nating maaaring ipagwalang bahala ang bilang ng mga sumunod at sumama sa Supremo.

Kung ang pamantayan natin sa pagpili ng pangulo ay ang dedikasyon at simpatiya sa mga pangkaraniwang mamamayan ng bansa, hindi natin ito maihihiwalay sa katauhan ni Andres Bonifacio na isang katulad nila.

Kung ang batayan natin sa pagpili ng pangulo ay ang paglilingkod, may hihigit pa ba isang handing mamatay para sa lupang tinubuan?

Taglay ni Supremong Andres ang kakayahan at determinasyong mamuno. Kailangan lamang nating tanggalin ang taklob ng isang magagaliting pinuno upang makita ang kanyang seryosong paglilingkod.

Sa kabilang dako, ang labing-isang humaharap sa sa atin nayon ay pawing mga bunga lamang ng lipunang pinamunuang pandayin ni Supremong Andres. Gayundin, mga resulta lamang sila ng paghubog ng mga kabalintunaan sa tradisyunal na pulitika.

Samantala, isang tunay na pinuno si Supremong Andres. Hindi siya kailanman maaaring ituring na nuisance candidate.

Si Andres Bonifiacio ay mas matimbang kaysa sa labing-isa.

 

Nagpangatlo ang editoryal na ito sa 1998-1999 Philippine Collegian Examinations


Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved

E-mail us to contribute articles, pictures or art works for the next issue of Tinig.com


MULA SA PATNUGOT
Pugad ng Luha at Dalita

KUWENTONG PEOPLE POWER 2
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

There in Edsa
By Noel Pascual

MAIKLING KWENTO
Ang Pagiging Iba
Ni Vladimeir B. Gonzales

NEWS FEATURE
ROTC Issue: Students Set to Resume Sunday Walkouts
By Alfred A. Araya, Jr.