|
Ka
Tato, Bayaning Dapat Makilala
Ni Alexander Martin Remollino
NANG mabanggit
ko sa isang pag-uusap noong Abril ang pangalan ni Jazmin Banal,
yaong abugadang testigo sa impeachment trial ng dating Pangulong
Estrada na ininsulto ni Miriam Defensor-Santiago at pinuri naman
ni Raul Roco dahil sa higit niyang pagpapahalga sa paninindigan
kaysa sa salapi, ang ipinakli ng isang dati kong kamag-aral ay,
Sino yon? Artista ba yon?
Ganyan din
ang malamang ang mangyayari kung mabanggit mo sa isang huntahan
ang pangalang Renato Constantino. Ngunit banggitin mo ang mga
pangalang April Boy Regino, Onemig Bondoc, Richard Gomez, at Andrew
E., at walang magsasabing hindi niya kilala ang mga ito.
Dapat bang
mangyari ito? Silipin natin ang buhay ni Renato Constantino.
Ka Tato kung
tawagin siya ng mga taong malapit sa kanya. Marami siyang ginampanang
papel noong nabubuhay pa siya: mananalaysay, mamumunang panlipunan,
manunuring pampulitika at ekonomista. Subalit higit siyang nagugunita
ng iilang nakakikilala sa kanya bilang isang makabayan at tagapagsulong
ng pagbabago. Kinilala siya ng manunulat, aktibista at propesor
na si Bienvenido Lumbera bilang isang rebolusyonaryong tagapaghubog
ng kamalayan.
Isa pang paslit
si Ka Tato nang una niyang ipamalas ang taas ng paninindigan at
ang katapangang ipaglabn ang matwid. Ayon sa kanyang biyograpong
si Rosalinda Pineda-Ofreneo, maging ang mga magulang niyay
di niya pinangimihang punahin kung nagkakamali. Ang mga katangian
niyang nabanggit ang hambambuhay na magtatangi sa kanya sa nakararami.
Matalino at mahusay sa pagsusulat si Ka Tato, at ang mga katangiang
itoy kanyang ginamit upang isulong ang kapakann ng bayan.
Naging Punong
Patnugot siya ng Philippine Collegian, ang pahayagang ng mga mag-aaral
ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), noong 1939, sa gulang na 20.
Hindi siya nagsayang ng oras. Agad niyang pinasiklab ang mga pahina
ng Collegian sa pamamagitan ng kanyang mga artikulo at editoryal
na dumuduro sa mga kabuktutan ng mga Amerikanong mananakop, sa
pagsakyod ng mga namamahala sa mga dayuhan at sa kanilang mga
katiwalian, at sa mga kabulukan ng kinagisnan niyang lipunan.
Makalawa siyang may nakabanggang mataas na tao dahil
sa matatapang niyang akda sa Philippine Collegian.
Sa isa niyang
editoryal ay pinitik niya ang nooy Pangulong Manuel Quezon
dahil sa pagsusulong nito ng isang sistemang pampulitikang may
iisang partido lamang. Taliwas ito sa diwa ng demokrasya, ani
Ka Tato. Si Quezon ay napilitang magbigay ng isang symposium sa
UP kung saan sinabi niyang ang kanyang isinusulong ay di isang
sistemang may iisang partido kundi isang demokrasyang walang
partido. Pagkatapos ng symposium ay nagtanghal ng isang
debate si Ka Tato. Di naglaoy ipinatawag siya ni Quezon
sa Malacanang at dooy pinagalitan nang pinagalitan.
Nakabangga
rin niya ang isang Amerikanong opisyal militar na kilala lamang
ngayon sa apelyidong Raymond. Ikinagalit ng naturang opisyal ang
kanyang artikulo tungkol sa mga kahayupang pinaggagawa ng mga
sundalong Amerikano--panununog ng mga baryo, pagpatay sa mga sanggol,
panggagahasa sa mga babae, at pagpapahirap sa mga bihag--noong
sinasakop nila ang Pilipinas. Tinanong siya tungkol sa pinagkunan
niya ng impormasyon, ang aklat na The Conquest of the Philippines
nina Moorfield Storey at Marcial Licahuco. Di naman siya pinarusahan,
subalit binalaan siya laban sa patuloy na pagsusulat tungkol sa
gayong mga paksa.
Hindi nakapigil
kay Ka Tato ang mga karanasang ito.
Nang hindi
siya makuha sa pagpapagalit, sinubok siyang daanin ni Quezon sa
isang uri ng panunuhol. Inutusan nito si Carlos Romulo, nooy
patnugot ng Philippines Herald, na alukin siya ng pagka-iskolar
sa Estados Unidos upang manahimik siya. Di nagdalawang-isip si
Ka Tato na tanggihan ang nakatutuksong alok.
Noong dekada
50, natikman ni Ka Tato ang kalupitan ng kamay na bakal ng pamahalaang
Quirino. Ang lahat ng makabayan nooy tinutugis ng pamahalaan.
Maraming progresibong intelektuwal ang ipinadakip at ipinabilanggo.
Kabilang sa mga ito si Ka Tato. Sandali lamang siya sa bilangguan,
subalit hindi roon natapos ang kanyang kasamaang-palad. Ilang
taon ding ipinagbawal ang paglalathala ng kanyang mga akda sa
mga magasin at pahayagan.
Habang hindi
siya nakapagsusulat ay ibunuhos niya ang kanyang panahon sa pagtuturo
ng Agham Pampulitika at Kasaysayan sa Far Eastern University.
Subalit nawala sa kanya maging ang trabahong ito matapos niyang
makabangga ang isang malaking tao sa naturang pamantasan.
Matapos itoy
nahirapan siyang makakuha ng trabaho, kayat napilitan siyang
pasukin maging ang mga hanapbuhay na malayo sa kanyang dating
mga gawain, kabilang ang pagiging ekonomista sa Binalbagan-Isabela
Sugar Company at administrative assistant sa Philippine Industrial
Company at Portland Cement Company.
Datapwat di
nilusaw ng mga karanasang ito ang kanyang paninindigan. Noong
mga huling taon ng dekada 50, nakabalik siya sa pagsusulat. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang sinimulan noong 1939.
Noong 1959,
muli niyang natikman ang pang-iipit ng pamahalaan. Ang kanyang
isang taong termino bilang professorial lecturer sa UP ay di na
pinalawig ng nooy Pangulo ng Pamantasan, si Vicente Sinco.
Muling ipinagbawal ang paglalathala ng kanyang mga akda sa mga
peryodiko.
Noong 1961,
tumestigo laban sa kanya ang ngayoy Tagapangulo ng Movie
and Television Review and Classification Board na si Alejandro
Roces sa harap ng Commission on Un-Filipino Activities (CUFA),
na nooy pinamumunuan ni Leonardo Perez. Lumaban siya sa
pamamagitan ng paghamon sa CUFA na lumikha ng isang tunay na kaso
laban sa kanya.
Noong nagsisimula pa lamang ang ikalawang termino ni Ferdinand
Marcos bilang Pangulo, sinabihan siya ng mga Lopez, ang pamilyang
nagmamay-ari ng Manila Chronicle kung saan siya kolumnista noon,
na palambutin nang kaunti ang kanyang pagbatikos sa Pangulo sapagkat
baka maapektuhan nito ang hiling ng MERALCO, na pagmamay-ari rin
ng mga Lopez, na maitaas ang singil sa kuryente. Nagbitiw mula
sa nasabing pahayagan si Ka Tato.
Nang ipahayag
ang batas militar, saglit siyang ipinailalim sa house arrest.
Makaraan itoy nagpatuloy siya sa kanyang mga gawain, na
para bang walang nangyari sa kanya. Ibinuhos niya ang kanyang
panahon sa pagsasaliksik tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at
sa pagsulat nito mula sa pananaw ng sambayanan.
Hanggang sa
kanyang pagpanaw nong 1999, hindi huminto si Ka Tato sa kanyang
makabuluhang pagsusulat.
Malawak ang
ambag ni Ka Tato sa ating kasaysayan: ang pagsisiwalat ng pagkakagapos
ng ating kabuhayan sa imperyalismong Amerikano, pagtuligsa sa
isang sistemang pampulitikang pinakikinabangan ng iilang mayayaman
lamang at ng mga dayuhang kanilang pinapanginoon, pag-aaral hinggil
sa Kanluraning katangian ng ating kultura, pagkondena sa malawak
na kawalan ng katarungan sa ating lipunan, pagbubunyag ng di-naisisiwalat
na pakikibaka ng sambayanang Pilipino, at pakikipaglaban alang-alang
sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Ngunit ang
nagtanging lalo kay Ka Tato ay ito: na siyay nanatiling
isang makabayan sa harap ng kayhihirap tiising mga pagsubok, at
hanggang sa huling hibla ng hininga niya.
Si Renato
Ka Tato Constantino ay isang bayaning hindi kilala.
Dapat siyang makilala, at higit siyang karapat-dapat na makilala
kaysa kung sinu-sino riyang kung tutuusiy wala namang dahilan
upang hangaan ng madla.
|