v8.0
Nobyembre 30, 2001
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

unang pahina

BIYERNES.

Naunang pumunta sa rally ang mga officemates ko. Sabay ulit kami ni Noel. Mga 4 pm na siguro kami nakarating ng EDSA. Andami nang tao noon. Pinilit naming hanapin ang tent ng UP MassComm na umano ay naroon sa ibaba ng isang fly-over, di namin nakita. May natagpuan kaming isang grupo ng mga tibak na taga-UP. That time, umaalialigid na sa ibabaw ng halos isang milyon katao na siguro sa EDSA shrine ang helikopter na may nakasulat na "RESIGN" sa gilid. Mas masaya nang mayamaya'y may pagkaguluhan ang mga tao.Dahil mga uzi, as in usisero, takbo kami sa pinagmulan ng kaguluhan.

Nagtatalon ako sa katuwaan nang makita namin ang isang batalyon ng mga pulis na sumasanib sa bulto ng mga tao sa EDSA. "PNP! PNP! PNP!" ang sigaw namin sabay sunod sa likuran ng mga lespu. For the first time after so long, noon lang ako natuwa na makakita ng pulis.

After yun, medyo may konting pahirapan dahil sa dami na nga ng mga tao, nagkasiksikan talaga at ipit na ipit kami. Natuwa nga ako't nakahinga pa ako. Yun yung time na nagpupuntahan na sa EDSA Shrine ang mga bumaliktad sa oposisyon. Nang makalusot sa napakaraming tao, pumasok kami sa Gale. noon ko lamang nakita ang mall na iyon na ganoon ang hitsura. Andaming kabataang nakaitim sa loob, ansaya, at ang nakakatuwa, parang halos lahat ng tao magkakaibigan. May konting chanting at tuksuhan pa. Pumunta kami doon sa may carnival sa loob--kung saan sabi ko'y nananahan ang uamno'y kakambal na taong-ahas ni Robina--upang umorder ng pagkain. Inabot siguro kami ng isang oras paghintay ng order lalo na nang dumating ang kaibigan naming si Karla kasama ang officemates niya na sina Maan at Bong. Ginutom na kami ulit, di pa sila nakakaorder! Kumain kami tuloy ulit! Nakita rin namin doon si Peping Cojuangco.

That was also the time na nagtatawag si Erap ng snap election--sa May! Bwahahahah, snap election nga! Heheehe! Funny talaga si Erap!

Later in the night, nang umuwi na sina Karla, we finally found the MassComm tent at doon na kami nagpaumaga ni Noel with some former classmates sa UP at orgmates sa Journ Club. Naghintay kaming mag-resign si Erap, pero dumating ang taning na ika-anim ng umaga, matigas pa rin ang ulo ni Rambotete.

Nang mga oras na iyon, bumuo kami ng isang desisyon. Pupunta kami sa Mendiola. Ako, alam ko na posibleng may mangyari--kinakabahan ako at medyo tensed noon. Kinunsulta ko ang kasama ko. "Pare, we have to make a decision. We fully know its possible consequences. Just in case something happens, are we ready and willing to die? Parehong oo ang sagot namin. At sa kabila ng pangamba dahil alam kong ang kaibigan ko ay masyadong sheltered sa kanyang pamilya, nagdesisyon na akong tutuloy kami. Anuman ang mangyari. Bahala na. Para sa bayan.

Kahit anong pagpigil ni Cardinal Sin at parang pananakot ni Fr. Robert ("Panginoon, mapayapa po kaming magmamartsa papuntang Mendiola, pero ang mga pro-Erap po, may dalang dos por dos... dos por dos..."), di napigilan ang pagkaramiraming tao na tumuloy sa Mendiola.

Nag-join kami sa bulto ng mga taga-UP na nasa likod ng mga banners ng Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna at iba pang mga militanteng grupo. Masaya kami sa daan. Maloko. Nawala na nga ang kaba. Ansarap ng pakiramdam na ang dami-dami ninyo. Nagkakaisa, naniniwalang para sa ikabubuti ng sambayanan ang inyong ginagawa.

Walang pagod. Enjoy. Paborito kong chant na narinig lang namin sa isang bababe salikod na mas basta sa amin: "Uh, la la! Oreta, puta ka!" Maya-maya, napilit namin siyang i-lead ang chanting ng UH lalala! Nagcha-chant kami pag may maraming tao at kitang-kita ang shocked expression sa mukhan ng mga manang. Marami rin kaming mga suportang natanggap habang daan: libreng tubig galing sa mga madre at ibang nadadaanan namin, mga pagkaing pakonti-konti, at mga plakard na pampalakas ng loob. May limang oras yata kaming naglakad, ang sadyang destinasyon ay Malacañang upang hilahin palabas si Erap at arestuhin siya.

Nang mga alas-10 siguro, nabalitaan ko sa radyo na naghahanda nang umalis si Erap at papanumpain na bilang pangulo si Gloria. As expected, nang pormal na i-announce ang pag-alis ni Erap, sobrang saya ang mga tao. Lundagan kami. Although, ako since alam ko na, di nako sobrang excited, nauna ko nang narinig, e =)

Pagkatapos ng lahat, plastado ako pag-uwi. Pero masaya dahil nanalo ang bayan.

As regards Gloria, she's definitely a lot better than Erap. But let's see how she delivers first before making any comments.

Back to real life...

Wow, lalo ka palang gumaganda kapag nagtatampo ka. Anong gustong magtampo diyan? Halata kayang nagtatampo ka na! Hindi ka na rin nag-e-email e, tapos dinidedma mo pa ang aking tawag, hehehe. Sayang talaga yun, pagkakataon na sana nating magkakulitan ulit. Saka para may cute naman na aalialigid habang nagpapakapagod ka sa "paggawa ng planta". =)

Ikaw, tampo? Huwag naman, sige ka magkakasakit ako talaga pagka nagtampo ka. may ubo pa naman ako ngayon, as in matinding-matindi. parang ubong aso. Nakakadalawang bote na nga ata ako ng Robitusin. Para na tuloy akong durugista na may dala-dalang bote ng cough syrup sa bulsa ko kahit saan ako magpunta. Medyo ilang linggo na rin ito kaya kapag nagkapera ako ay magpapadoktor na ako.

Hmmm, mukhang napakwento na ata ako ng grabe. Gising ka pa ba?

Nakailang planta na kayo? Musta yung exam ninyo raw? Kelan kayo tayo magkikita? Kelan kaya mawawala ang kakapalan nina ng ating 11 your dishonors?

Mabuhay ang Pilipino sa mundo!!! (Pero hindi lahat, gaya nga ng sabi ng PLDT--na prominenteng tumulong sa eLagda at sa buong Resign-Impeach-Oust Erap campaign sa Internet.)

Hanggang sa muli,
Ederic

P.S. Pakisabi nga riyan sa l----k na Erap na yan, sumuko na siya. He has just been fired by the Filipino people! Tapos na ang ilusyon ni Jinggoy na presidente pa ang ama niya!



Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved

E-mail us to contribute articles, pictures or art works for the next issue of Tinig.com


MULA SA PATNUGOT
Pugad ng Luha at Dalita

KUWENTONG PEOPLE POWER 2
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder

There in Edsa
By Noel Pascual

MAIKLING KWENTO
Ang Pagiging Iba
Ni Vladimeir B. Gonzales

NEWS FEATURE
ROTC Issue: Students Set to Resume Sunday Walkouts
By Alfred A. Araya, Jr.