|
Liham ng Tagumpay
Ni Ederic Eder
From:
"Ederic P. Eder"
To: "mary ann"
Sent: Friday, January 26, 2001 12:17 AM
Subject: Re: nangungumusta lang
Dear Meann,
Muli, isang
mainit na pagbati sa ating tagumpay!
Opps, teka,
super serious ata ang entra, baka ma-bore ka na agad. Alam ko
namang parinig mo lang sa akin yung pagiging boring e. Ako talaga
ang pinatatamaan mo, di ba? Hehehe, joke lang po, ikaw pa? Mag-iisip
ng ganoon sa akin? Hindi yata, di ba?
Well, mixed
emotions tayo ngayon dahil sa nangyari. Masaya, dahil sa nanalo
ang taumbayan sa pagpapatalsik sa patabaing alam mo na sa Malacañang.
Sa personal sa level, dahil nagbunga nga yung mga pinagpaguran,
yung mga pinaghirapan natin simula pa ng umupo sa pwesto si Erapsis
Pikonsis. Di ko dapat isiping ganito, pero in a way, nakaganti
na rin sa ginawa niya noong bilhin at maipasara ng korni niya
ang pinakamamahal kong "mother studio,"
ang Manila Times.
Nakakagulat
din. Sa words ng officemates ko, bitin. Hindi naman sa mga mukhang
rally talaga kami, pero para kasing ambilis ng mga pangyayari.
Bigla lahat:
yung buhos ng galit ng mga tao, yung paglulunsad ng People Power
2--hindi EDSA 2 gaya ng sinasabi ng iba dahil di lang naman sa
EDSA nangyari ang protesta kundi maging sa iba't ibang lugar sa
buong bansa--na biglang natapos na nga lang nang walang anu-ano.
Sa isang e-group ko nga, may plano pa kaming mag-eye ball sa isa
sa mga flyover doon noong Monday. Yun pala, Sabado pa lang, tigok
na sa pwesto si Erapsis.
Kwento ko
muna yung mga nangyari sa akin sa EDSA at sa Mendiola.
Iinggitin
kita dahil alam kong hindi ka nakasama, heheeh. Oi, hindi a! Alam
ko naman na kahit di ka namin physically nakasama, nandoon ka
in spirit.
Naiintindihan
ko naman yung ipinaliwanag mo dati tungkol sa reservations ng
parents mo given your situation. So tama rin yun na nag-iingat.
Besides, you must be very proud na isa ang USTe sa pinakamatatapang
na schools. Sosi nga kayo dahil may balloons pa e.
Nagti-text
nga pala kami ni Melanie from time to time noong People Power.
Kinukulit ko siya tungkol sa iyo. Sayang nga e. Gusto pa naman
sana kitang makasama sa ibabaw ng fly-over habang nagsisigaw ng
Erap-Resign! Alam kong malakas ang boses mo e, hehehe! Girl Scout
ka, di ba?
Seriously,
gusto sana kitang kasama habang tinatanaw ang dagat-dagatan ng
mga taong kaisa natin sa paniniwala at adhikain. Masarap ding
tanawin ang buong kalunsuran mula sa mataas na bahaging iyon:
kikindatan tayo ng mga ilaw-dagitab ng Maynila na makikipagpaligsahan
sa kislap ng mga bituin. Kukumutan tayo ng hamog ng magdamag habang
patuloy na nakikipamayan sa sambayanan. Alam kong hindi tayo mapapagod
kung magkasamang maglalakad papuntang Mendiola, ilang oras man
ang abutin--tiyak kong sa kakulitan ko'y matatawa ka na lang at
maiibsan kapwa ang ating mga pagod.Ganunman, okay lang, dahil
gaya ng sabi ko, understandable naman yung situation mo. Siyempre,
alam kong ipinagdasal mo naman kami habang patuloy ang pakikibaka
sa mga lansangan.
Galing ako
sa isang "business meeting" sa Makati nang magsimula
ang EDSA thing. Nasa meeting pa lang ako ay nagsimula nang magdatingan
ang mga text messages tungkol sa labing-isang pangit. May magmumura--akala
ko nga galit sa akin yung officemate ko na naunang mag-text--may
nanggagalaiti, at kung anu-ano pa. Yung isang natanggap ko: "Remember
the names of these senators; they betrayed the Filipino people:
[name of the ugly senators]." That time medyo alumpihit na
ako but since nasa meeting nga, ala ako magawa. Laterz, nagtawag
ako at nakibalita sa mga pipol. Pero basically, naintindihan ko
na na yun nga, hindi pinabuksan ang second envelope. Samantala,
tuluy-tuloy ang mga txt sa aking fone. Noise barrage raw ng 11PM
at rally kinabukasan sa Senate. 11PM na, nasa bus pa ako, medyo
nag-umpisa nang magkaingay ang mga sasakyan sa labas. Ako, gusto
kong magwala sa loob pero siyempre nakakahiya yun na para akong
puhang na magasisigaw ng bigla.
Nagtaka lang
ako dahil kahit lagpas ng 11, tuluy-tuloy pa rin ang mga busina.
Kahit magtu-twelve na ay may nagabusina pa.
Pag-uwi ko
sa bahay, maya-maya ay dumating ang housemate kong reporter. Nagtitipon
na raw ang mga pipol sa EDSA. Kung gusto ko raw mag-cover para
sa kanila. Siyempre ang sabi ko, aba e punta tayo. Pero bago iyon,
hinarap ko muna ang aking computer at in-update ang aking resign-impeach-oust
Erap web site.
Maya-maya,
sugod na akong mag-isa ko sa EDSA Shrine. Nag-taxi pa nga ako
papunta at may suot na sombrerong may sticker na Erap-resign movement.
Nakita ko
pa si Cory Aquino na paalis sa sasakyan niya noong kadarating
ko lang. Kinawayan ko pa nga. Kumaway rin siya pabalik, pero medyo
delayed reaction. Tapos pumasok na ako sa simbahan at nakita ang
mga kasamahan sa media. Medyo awkward nga dahil iniisip ko: ano
ba ako, rallyista o reporter na nagko-cover? Gusto ko kasing gawin
pareho. Pero syempre, hindi magandang tingnan na isang reporter
ay may suot na Erap-resign na sticker. Suot ko pa rin noon yung
T-shirt na Batang Times, matapang, makulit, masipag, makabayan,
etc...nanindigan, naghirap dahil kay Erap! But anyways, sabi ko
bahala na.
Nakita ko
ang friend kong si Anto na anak ni Ka Satur Ocampo, tapos mga
pamilyar na mukha sa media, tapos naki-stay ako sa tabi ng publisher
ng Pinoy Times na si Sir Vic (Tirol) at misis niya na si Lorna
na hiningan ko pa ng kopya ng isyu nila para sa susunod na umaga.
Sabi pa nga ni Ma'am Lorna, "Ah, it's for sale e." Pero
binigyan na rin ako ng libre dahil sa sabi ni Sir Vic, taga-Center
for Media Freedom and Responsibility ako. Syempre, nakalibre ako
sa "opisyal" na dyaryo ng People Power 2, hehehe! (Although
nahiya rin ako later sa kakapalan ko, hehee.) Yun yung isyu na
"Shameless" ang humihiyaw na headline. Andoon din si
Sir Vergel Santos ng BusinessWorld na contributing editor din
namin sa PJR.
May mga iba
pang kaibigan, kakilala at kaeskwela na nakabunggo ko mula mga
2 o clock hanggang mga 4 ng umaga na nag-stay ako roon sa EDSA.
Pag-uwi ko, tulog ako, masakit ang lalamunan dahil nga sa noo'y
sipon pa lang na naging ubo na hanggang ngayo'y narito pa rin.
Nagising ako, tanghali na at pagtawag ko sa office, ok lang daw
na di ako pumasok dahil nasa EDSA naman ako noong umaga.
Pero ilang
oras pagkagising, punta na naman ako sa sa EDSA. Pumunta rin ang
mga officemates ko pero hindi ko sila nakita. Pero nagkita kami
ng dalawang barkada kong babae, sina Miq at Joie. Nagpalakad-lakad
kami, sumasali sa chanting, at kumain sa Gale. Nakasama pa namin
ag boyfriend ng isa pa naming barkada at nakakamay pa nga siya
kay Loren Legarda. Umakyat kami sa isang fly-over at nakigulo
sa mga kabataan na humaharang sa mga sasakyan; hindi papalagpasin
ng mga sasakyan hangga't hindi bumubusina. At kung maaari, ang
busina ay sa tono ng Erap-resign! Nagpamudmod din ako ng special
issue ng Collegian na iniabot lang sa akin ng isang tao. Nang
finally ay mapagod ako, umuwi na ako ulit.
Kinabukasan,
Huwebes, pumasok ako sa office at nung hapon ay lumabas para sumama
sa human chain mula Ayala hanggang Ortigas. Anim kami: Ako; officemates
kong sina Evelyn, Roselle, at Barn; kaibigan kong si Noel na suma-sideline
ng scanning sa office; at barkada kong imported pa from Laguna,
si Mat, na sinundo pa namin ni Noel sa Glorietta. Gaya ng naunang
araw, andami na namang nakaitim at siyempre, mawawala ba ang mga
stickers?
Nakasama kami
sa human chain. Naglakad rin kami papuntang Ortigas, at habang
daan ay tuloy ang thumbs down sign na ipina-flash sa mga sasakyang
nagdadaan. Syempre yung ibang mga pasahero ay nakikiisa at naki-flash
rin ng thumbs down sign. May parte sa paglalakad na sumusigaw
kami, kahit aanim lang kami ng chant ng UP: Iskolar ng bayan,
ngayon ay lumalaban! Ginawa namin iyon habang nasa tabi kami ng
pagkarami-raming mga taga-Ateneo. =) Sa daan, may ibang mga nanonod
din na pro-Erap. Yung mga pinakamahihirap, yung maliliit na mga
anak nila, simisigaw ng Erap pa rin! Malungkot nga, andami pa
rin niyang naloko!
Pero iba yung
pakiramdam ng mag-Angelus. Kapit-bisig kaming lahat, siguro naman
ay walang patid mula EDSA Shrine hanggang sa Ayala, kung may natira
pa roon, habang nagdarasal. May mga sinindihang kandila pero may
mga sasakyan pa ring bumubusina sa kabila noon.
Pagdating
sa may Guadalupe ay sobrang pagod na kami. Dumaan kami sa Wendy's
para kumain. Naubusan nga ata ng stock ang Wendy's sa Boni dahil
sa dami ng kumain sa kanila. Pero nakakain pa naman kami. Kahit
nasa pakikibaka, kumakain pa rin ako ng bacon mushroom melt combo!
(Hmmm, Wendy's kaya tayo pag nagkita tayo? Heheeh!)
Nang tutuloy
na kami papuntang Ortigas ay naiwanan na kami ng malaking bulto
ng mga papuntang Shrine. Iilan-ilan na lang kaming humahabol papunta
roon dahil malayo na yung iba. Tapos nag-decide pa yung tatlong
officemates ko na umuwi na. So kaming tatlong boys na lang ang
natira. Tuloy pa rin naming nilakad papuntang EDSA Shrine. Along
the way, may isang grupo kaming nadaanan, anti-Erap din tapos
nung dumaan kami, nagsigawan at hinipo ng isang bading si Mat.
Mukhang nagwapuhan lang sa aming tatlo yung isang grupo na yun
ng mga kabataan, heheeh!
Nang gabing
iyon, lakad kami ng lakad. Dahil sa maliit na tao si Mat, madali
siyang makalusot sa crowd, sumusuot, sumisingit at kasunod naman
kaming dalawa ni Noel. Later in the night, nakarating kami sa
malapit sa stage. Nakinig ng mga speaker, nakisigaw, nakigulo...
Tapos nagpalakadlakad ulit sa crowd, umakyat sa dalawang fly-over,
naki-disco sa mga Youth for Christ people, at pinagod ng todo
ang sarili. Ang lahat ng ito alang-alang sa barkada, este, sa
sambayanang Pilipino.
Ang masaya
rito, magkahalong gimik ng barkada at pakikiisa sa pakikibaka
ang nangyari. May bonus pa nga dahil pakaalis ni Mat, kami ni
Noel, walang awa sa aming mga tuhod, ay naglakad mula Ortigas
hanggang Santolan staton ng MRT saka sumakay papuntang Cubao upang
umuwi.
Parang work
shift ang dating at alis ng mga tao. May parating, may paalis...lahat,
iisa ang nais....si Estrada'y mapaalis!
ikalawang
pahina
|