|
Pondo at Pangako
Ni Rodelio
NASA
BUKID ang nakararaming maralita, kaya pagyayamanin natin ang pagsasaka
at pangingisda
.
Ito ay bahagi
ng pahayag ng pangulo sa kanyang State of the Nation Address o
SONA. Wari'y puno ng katotohanan at pakiki-simpatiya sa mga maralita
at kapos-palad nating mga magsasaka ang kanyang pahayag.
Makatuwiran
lang naman ang ganitong pahayag. Isa sa mga pangunahing pangagailangan
ng tao ay ang pagkain kaya dapat lamang na unahin natin ang pangagailangan
ukol dito. Sa kasalukuyan ay maraming Pilipino ang sumasala na
sa oras ng pagkain. Karamihan sa atin ay dalawang beses na lamang
kumakain, ang iba ay isa, at kung magkaminsan ay hindi pa.
Panahon na
para seryosohin ng ating pamahalaan ang programa ukol sa agrikultura.
Sa kabila ng krisis pang-ekonomiya, kinakailangan nating maging
self-sufficient at hindi umaasa sa pag-angkat lamang. Sa kasalukuyan
ay mataas pa rin ang porsyento ng pag-angkat natin ng bigas. Karamihan
dito ay sa bansang Thailand, samantalang naiiwang nakatiwangwang
ang ilang lupain sa ating bansa dahil sa kaulangan sa inprastraktura.
Ngunit ang
tanong ng karamihan sa ating mga kababayan ay kung kaya bang tuparin
ng ating Pangulo ang kanyang mga pahayag? Sabi pa ng ating Pangulo,
There is money and there will be money
Tinutukoy
niya ang budget para sa agrikultura. Ngunit ano ba talaga ang
sinasabi nyang badyet para sa agrikultura? Ito ba ay ang anim
na bilyong pisong laan para sa naturang sector?
Nakalulungkot
isipin na umaabot sa 57.3 bilyong piso ang nakalaan para sa pambansang
seguridad samantalang ang halagang nakalaan para sa pagsasaka
ay anim na bilyon lamang.
Kung talagang
seryoso ang ating pangulo sa kanyang mga pangako na maiangat ang
kabuhayan ng mga pilipino, kailangan sigurong masusing pag-aaralan
at suriing mabuti ang pondo para sa ating bayan.
Nakalulungkot
isipin pero lumalabas na mas pinapaboran ng ating pamahalaan ang
pagbili ng mga armas pandigma kesa sa kumakalam na sikmura ng
mga maralita.
|