v7.0
Oktubre 2001  

Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

MULA SA PATNUGOT
Mga Giyera ni Gloria

SA DAMI ng mga giyera ni Ate Glo sa panahong ito, hindi kaya siya natutuliro?

Andyan ang pangunahin niyang pangako: ang giyera laban sa kahirapan na di napagtagumpayan ng pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada. Bago sumapit ang 2004, kailangang may maipakitang pagsulong kahit paano man lamang, itong si Ate Glo.

Nariyan ang giyera laban sa corruption at narco-politics. Ngunit kapagka ganyang mismong ang asawa niya at ang kanyang justice secretary ay hindi rin makailag sa kontra-bintang ng corruption na ibinabato ng mga kaalyado ni Estrada, ang mapanirang oposisyon, hindi kaya matinding hirap ang daranasin upang maipanalo ang kambal na labang ito? Paano maipapanalo ang laban kontra-droga kung mismo sa Senado ay nakakabot na ang shabu at marijuana?

Nariyan din ang kaugnay pa ring na giyera para sa malinis imahe ng kanyang na gobyerno. Bukod sa oposisyon, nariyan ang maingay na People's Consultative Assembly na lantarang nagpaparatang ng corruption sa kanyang gobyerno, at bumubuo ng public opinion na hindi kaayaaya para sa administrasyong Macapagal-Arroyo.

May mga mahahalagang giyera pa si Ate Glo. Ang giyera para sa kalikasan, ang giyera kontra-basura.

At siyempre, dapat bang kalimutan ang giyera para sa kapayapaan upang tuluyan nang makasundo ng estado ang Pambansang Demokratikong Prente (NDF) at ang Moro Islamic Liberation Front? Sa giyerang ito, mukha namang may ibubuga si Ate Glo. Taliwas sa literal na giyera at pa-macho gestures ni Erap, tinatahak ng gobyerno ni Ate Glo ang tamang landas: mga peace talk na patuloy niyang isinusulong.

Pero siyempre, kabuntot pa rin ng usaping panseguridad at kapayapaan ang bandidong Abu Sayyaf. Medyo palpak ata ang performance ng militar ni Ate Glo sa puntong ito. Bakit kaya? Hmmm..

Anu't anuman, naniniwala kaming dapat nating ibigay sa panahong ito sa pamahaalang ang patuloy na critical collaboration. Kumbaga, e Ate Glo, kung saan sasaya ang bansa, eh suportahan ta ka. Pero sana'y dinggin mo rin ang tinig namin.

Grabe, andami na palang giyerang kailangang labanan ni Ate Glo! Bakit kaya siya nakikisawsaw pa sa giyera ng Amerika laban sa Afghanistan?

Pakikinggan kaya niya ang sigaw ng kapayapaang patuloy isisigaw ng mga kabataang Muslim at Kristiyano? O lulusawin na lamang ng hangin sa sa harap ng US Embassy ang mga panawagang ito?

Ederic Eder
Patnugot

 

 

 

Texter's Declaration

MULA SA PATNUGOT
Mga Giyera ni Gloria

SA ISYUNG ITO
Huwag Hayaang Maulit
Ni Alexander Martin Remollino

Phallic Monologues
By James Nicolay

Pondo at Pangako
Ni Rodelio

Aasa Pa Ba?
Ni Angela

A Dream
Ni Shienna-Lou M. Claro

COLUMN:
GMA's War Budget
By Mong Palatino

MAIKLING KWENTO
Last Full Show
Ni Christine Ongpin


NEWS FEATURE
Joining the Anti-War Campaign: Peace Camp Launched

By Alfred Araya


TULA

Sagot sa Ang Kuto ng Aso ni Juan
Ni Killerpogi

Bukas, Sa Birthday Niya
Ni Roberta Karla Maquiling

March to May, Miserable2K
Ni James Nicolay

Why
Ni Jessa Alvarez


PLUNDERWATCH
Kalabasa Awards for Erap, Meldy


STATEMENTS
Stop the Bloodshed, Start the Dialogue!
By the International Union of Students

PRESS RELEASE
YND Says War Not Against Terrorists But Afghan Civilians

Bayan Muna Hits Pro-war, Pro-Foreign Debt Budget

Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved