|
TULA
Sagot sa "Ang Kuto ng Aso ni Juan"
Ni killerpogi
"Ako
ay dalhan mo ng "'sang pulitiko,"
ang sabi ni Juan sa alagang aso.
Nagdaan ang isa, dalawang minuto;
pagbalik ng aso'y may kuto sa ulo.
----.Ni Alexander Martin Remollino
Mabuti pa pala ang aso
marunong kumilala ng pulitiko
pero ang uring Filipino
hindi na yata magkandatuto
sinasamsam
na ang dugo sa katawan
nginangatngat na pati ang laman
at sa kati laging pinahihirapan
di pa rin alam, nagtatangatangahan!
ang aso nga
siguro ay mas mainam
lansa ng pulitiko'y kanyang nalalaman
naknak ng galis sa kanyang likuran
alam niyang pulitiko ang may kinalaman.
|