|
TULA
March
to May, Miserable2K
Ni James Nicolay
Wala nang
lulungkot pa
Sa akin na may cell phone na
May text feature na
Wala namang message na
Kahit man lang oi, kamusta na?
Wala nang
mas nakakainis pa
Sa taong may cellphone rin na
Bawat limang minuto, ti tit ti tit
9 messages received
opening
(message saved)
Erase message?... erasing message
erased.
Ni ako nga
- sampung araw na
Di pa napapalitan ang mga
Walang kwentang messages na
Forwarded lang; naknampucha.
Erap jokes na nakakasawa.
Ni miski sa
e-mail wala
Puro subscribed blablabla, et cetera.
Dating trentang kataong sinusulatan
At pinapayuhan at kahit anung kabaliwan:
Ngayon, you have no messages in your inbox.
Sayang lang
ang 900 pesos ko sa
Monthly isang oras, isang araw na pag-i-Internet; lalo na
Sayang ang cell phone unit kong 7,700 pesos
Ang SIM card ko na 600 pesos
At ang pre-paid kong 300 pesos.
Kung pinang-Jollibee
ko na lang siguro,
Masaya pa ako.
|