|
Huwag Hayaang
Maulit
Ni Alexander
Martin Remollino
NOONG AKO'Y
nasa ikaapat na taon ng haiskul, sinabi ng aming guro sa Araling
Panlipunan na, Paulit-ulit lang naman ang kasaysayan, e.
Sa maraming
pagkakataon ay totoo ang sabing ito.
Noong panahon
ng dating Pangulong Ramos, may mga nagpanukala na ng pagpapairal
ng isang national ID system. Ngunit tinutulan ito ng maraming
tao kayat hindi naisakatuparan.
Ngayoy
may mga nagpapanukala uli nito, ngunit ang nasabing panukalay
tinututulan na naman ng marami.
Ano ba itong
national ID system? Bakit ito tinutulan noon at bakit ito tinututulan
ngayon?
Ang national
ID system, anang mga nagpapanukala nito, ay isang sistema ng pagkilala
kung saan ang bawat mamamayan ay gagamit ng isang identification
card na naglalaman ng mga impormasyong madaling mahahanap ng pamahalaan
mula sa mga talaan nito. Makapagpapabilis daw ito ng paghuli sa
mga terorista.
Mukhang magaling,
hindi ba?
Ngunit balikan
natin ang nakaraan.
Noong dekada
50, nag-akala ang nooy Pangulong Quirino na didigmain ng
kanyang pamahalaan ang komunismo. Subalit wala siyang ginamit
na malinaw na pagpapakahulugan sa komunismo, kayat ang bawat
bumatikos sa sukdulang pagsakyod ng pamahalaan sa imperyalismong
Amerikanopati na si Blas Opleay naituring na komunista,
at marami sa kanila ang dumanas ng pang-iipit at may ilan pang
nabilanggo.
Noong dekada
70, ang nooy Pangulong Marcos ay nag-akalang ililigtas niya
ang Pilipinas sa komunismo. Subalit wala siyang malinaw na pagpapakahulugang
ginamit sa salitang komunismo, kayat ang lahat niyang kalaban
sa pulitikapati na si Ninoy Aquinoay naituring na
komunista, at marami sa kanila ang nabilanggo, hindi rin mabilang
ang mga pinahirapan, at may mga pinatay pa.
Ngayon, sapagkat
ang ating pamahalaay walang pagpapakahulugang malinaw na
ginagamit sa salitang terorismo, ang mga tumututol sa national
ID system ay nagtatanong kung ano kaya ang makapipigil sa pamahalaang
ituring na terorista at ipadakip ang sinumanmaging yaong
natutulog lamang sa bangketa.
Madalas ngang
maulit ang kasaysayan. Ngunit huwag nating hayaang maulit ang
madidilim na panahon ng mga dekada 50 at 70.
|