|
Aasa Pa Ba?
Ni Angela
PAANO KUNG
dumating ang araw na iiwanan ka na ng taong mahal mo, ano kaya
ang gagawin mo? Eh paano naman kung balikan ka niya, sasama ka
pa ba sa kanya, kahit alam mong ilang beses ka na niyang ginagago?
Anong paiiralin mo, puso o utak?
Ilang beses
na 'yang pumasok sa utak ko, kaso ang sarili ko ang gumugulo sa
akin. Minsan nga sarap iumpog ang sarili ko. Sabi nga ng kaibigan
kong si Camille, ako ang gumagawa ng sarili kong conflict. Maano
raw ba na makuntento sa isang desisyon. Kung mali man, wala na
raw akong magagawa; yun ang pinili kong daan. Siguro tama siya,
kasi nga naman, nakabuo na ako ng desisyon, tapos bigla na lang
magbabago.
Nakakainis
kapag iniwan ka ng taong pinaglaanan mo ng oras at panahon. Bigla-bigla
na lang lalabas sa bibig mong, tangna, walang utang na loob
to ah! pero kahit magalit man ang mundo sa kanya, ang lahat
ay nangyari na. Kailangang dumiretso ka na sa lalakbayin mo dahil
mahaba payon, baka matraffic ka pa.
Pero minsan,
hindi mo ring mapigilang mag-isip kung paano kaya kung nagkabalikan
kami. Ipagtatanggol pa kaya niya ako? Magpapakita na nga kaya
siya? Hindi na ba siya duwag? gusto mo paring bigyan ng
pagkakataon ang taong yon, yun eh dahil sa pagmamahal na tinatawag
nila. Pero sa tingin ko lang, yung pagmamahal, hindi dapat dumating
sa sitwasyon na yung isa ay naagrabyado; yung may inaabuso, may
nasasaktan. Dahil kung ang nasusulat sa banal na libro tungkol
sa pag-ibig ay Love is kind, gentle, unselfish...
eh hindi dapat maging dahila ng kalungkutan o susi ng kasawian
ang damdaming ito.
Sa ngayon
nakagawa na ako ng hakbang, at sana hindi ko pagsisihan ang pag-iwan
naman sa kanya. Quits lang, ika nga. Subalit alam ko, dito sa
kalooban ko ay may pagsisisi parin, may paghihintay at nagbabakasakali
na sana kami pa rin.
Magpapakatanga
pa rin ba ako o itutuloy na ang naumpisahan ko?
|