The Hunger Site
v6.0
Setyembre 16 - 30, 2001  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Bookmark Us

Click Here!

Koneksyon
Ni Angela

ISANG BAHAGI ng buhay ko ang nabago simula nang dumating si Alex. Siguro pangkaraniwang lalaki din siya tulad ng mga taong nakakasalamuha ko; pero malaki ang nagawa niya sa akin, na sa anumang paraan ay mahirap ipaliwanag.

Hindi ko inaasahang sa pagdating niya ay magugulo at maaayos ang buhay ko. Katatapos pa lang ng problema ko nang mga panahong iyon. Nung nakilala ko siya, akala ko siya yung makakatulong nang malaki sa akin para tuluyang manahimik na ako. Yun pala, mas malaki pa pala yung makukuha ko sa kanya.

Hindi ko rin sinasadyang may madama ako sa kanyang kakaiba, kahit na alam kong nung mga panahong iyon ay bawal. Pero dahil nag-iisip naman ako, nakuntento na ako sa mahal ko siya nang lihim at naging kaibigan ko siya.

Siguro tadhana na rin yung nagpasya sapagkat hindi ko inaasahang sa akin mababaling ang pagtingin niya. Dahil mahal ko siya, tinanggap ko ang pag-ibig na inilaan niya sa akin. Pagkatapos noo'y inakala kong langit na ang susunod kong mararamdaman dahil siya ang kabuuan ng pangarap ko.

Subalit wala namang perpektong relasyon, ika nga nila. At dahil hindi pa rin ako natututong humawak ng relasyon hanggang ngayon, hindi namin naiwasan ang mga karaniwang problema sa tingin namin ay pangkaraniwan nang dumarating sa sinumang nagsasama.

Masakit isiping ilang beses na kaming nag-away, nag-iyakan, at naghiwalay na rin sa maikling panahon. Pero ika nga nila, walang permanente dito sa mundo; walang nagtatagal, o talagang nagkamali kami. Tuluyan na rin kaming nagkalayo.

Noong una, hindi ko matanggap; kahit kami na mismo ang bumuo ng desisyong iyon. At ayoko mang magsalita nang tapos, pero alam ko, hindi ko kailanman makakalimutan ang pagkakalayo namin. Tumatawag siya, kinakausap ako, kaunting kuwentuhan at kumustahan sa buhay. Siguro nga nagkukunwari na lang akong masaya dahil kahit naman papaano, alam kong hangad niya rin ang kaligayahan ko. Ganoon din naman ang gusto kong mangyari sa kanya, kahit ang masakit doon ay malamang sa ibang tao siya liligaya at hindi sa akin. Hindi ko masabing nagmumukha akong tanga sa ginagawa niyang pagtrato sa akin bilang kaibigan. Kaibigan lang. Hindi ko batid kung talagang nagpapanggap lamang siyang kaibigan niya ako, o sa isang iglap ay nawala na yung pinagsamahan namin.

Mahirap magputol ng isang ugnayan sa isang tao; lalo na kung mahal na mahal mo siya. Subalit minsa'y kailangan nating magbigay daan sa ibang mga pagkakataong dumarating; kailangang masaktan para may lumigayang iba. Ayoko siyang lumayo sa buhay ko, dahil sa kanya ko naramdaman yung damdaming hindi ko inaasahang mararamdaman ko. Nasaktan ako nang labis noong kapiling ko siya; kapantay din iyon ng ligaya tuwing kasama ko siya. Hindi mo maipapaliwanag ang isang relasyon; masyadong komplikado para panghawakan ng isang tao tulad ko. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin, ako ba o siya, o maaaring kaming dalawa ang may kasalanan o walang nagnais na mangyari iyon sa amin at basta na lamang iyong dumarating.

Maraming nagkakamaling tao kapag pumapasok na sa isang relasyon, gaano man siya katalino o gaano niya naipapakita ang kamangmangan niya. Masuwerte ang sinumang mabuhay nang maligaya sa lahat ng larangan sa buhay, kasama na ang buhay pag-ibig. Siguro ako, minalas-malas, kaya heto ako ngayon. Mahirap maghanap ng kapalit niya kasi hindi natin maitatatwa ang nakaambang pagkakataong masasaktan kang muli, o liligaya ka.

Naaalala ko noong naghiwalay kami, may sinabi ako sa kanya. Sabi ko sa kanya, yung pagkamamahalin ko siya panghabangbuhay. Hindi ko dapat ipangako sa kanya iyon dahil hindi kami sigurado sa maaaring naming kahinatnan, pero yung pagkaiisipin ko siya habang nabubuhay ako, siguro puwede. Baka sa pagkakataong darating, nahanap ko na iyong talagang nakalaan sa akin at ang alaala niya ay hindi na kasing kirot nang dati; sa halip ay magbibigay pa ito ng aral sa akin. Nabatid man niya ang nais kong sabihin o hindi, hindi ko na alam iyon. Wala rin sa aking kaalaman kung sa pagdaan ng oras at panahon ay magsasama pa kami ni Alex bilang magkabiyak ng puso o isa na lamang kaibigan. Isa lang ang nababatid ko sa panahong iyon; nang sinabi ko sa kanya ang mga huling katagang nabanggit ko, naputol na ang koneksiyong nagdudugtong sa amin.

Ilang buwan na lang at ikakasal na sa ibang babae si Alex kaya kinailangan nang putulin ang ugnayan.(Tinig.com)

Texter's Declaration

MULA SA PATNUGOT
Mga Giyera ni Gloria

SA ISYUNG ITO
Huwag Hayaang Maulit
Ni Alexander Martin Remollino

Phallic Monologues
By James Nicolay

Pondo at Pangako
Ni Rodelio

Aasa Pa Ba?
Ni Angela

COLUMN:
GMA's War Budget
By Mong Palatino

MAIKLING KWENTO
Last Full Show
Ni Christine Ongpin


NEWS FEATURE
Joining the Anti-War Campaign: Peace Camp Launched

By Alfred Araya


TULA

Sagot sa Ang Kuto ng Aso ni Juan
Ni Killerpogi

March to May, Miserable2K
Ni James Nicolay

A Dream
Ni Shienna-Lou M. Claro

Why
Ni Jessa Alvarez


PLUNDERWATCH
Kalabasa Awards for Erap, Meldy


STATEMENTS
Stop the Bloodshed, Start the Dialogue!
By the International Union of Students

PRESS RELEASE
YND Says War Not Against Terrorists But Afghan Civilians

Bayan Muna Hits Pro-War, Pro-Foreign Debt Budget

Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved