v 5.0
Setyembre 2, 2001  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

Click Here!

 

 

 

 

 

 

MULA SA PATNUGOT
Boykot muna, Generation Text

NOONG Lunes nang umaga, sa unang pagkakataon ay pinakinggan ko ang paborito kong TV host, si Ramon Isberto ng Smart Communications, nang walang paggiliw. Iyon ay habang ipinagtatanggol niya sa isang panayam sa radyo ang desisyon ng kanyang kompanya na bawasan ang libreng text messages ng mga subscribers.

Gaya ng Globe Telecoms, sinasabi ng Smart na kailangang bawasan ang free text upang mabawi ang perang ipinuhunan nila upang umano'y mapaganda ang kanilang serbisyo. Mahalagang salik din daw sa kanilang ganitong pagkilos ang bumabang halaga ng piso at ang masamang kalagayan ng ekonomiya.

Yun naman ang punto ng mga texters. Mahirap na nga ang buhay, ganoon pa ang gagawin. Gaya ng sinabi ng kalulunsad lamang na TXTPOWER, isang grupo ng mga texters na lumalaban sa ganitong pang-aabuso ng telecom companies, naniniwala akong sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon, hindi nalulugi ang Smart at Globe. Ang totoo, nagkakamal sila ng limpak-limpak na tubo dahil sa mainit na pagtangkilik ng mga texters sa Pilipinas sa kanilang serbisyo. Aminado ang Globe na umakyat nang P1.07 bilyon ang kita nila sa unang sangkapat pa lang ng taong 2001, at P1.8 bilyon naman sa Smart, na nakabawi nang todo-todo sa lugi nila noong isang taon.

Sa mga diskusyon ng mga cellphone lovers sa Internet, partikular sa BuyNCell Forum, laging nababanggit ang hilig ng Smart at Globe sa pagpapatalastas. Araw-araw ay binobomba nila tayo ng mga full-page, full-color ads sa Inquirer at Star, tapos magrereklamo sila na tumataas ang operation expenses nila?

Pero eto ang nakakainsulto: nang ianunsyo nila ang pagbabawas ng free text messages natin, alam ninyo ba kung saan nila ito ipinalimbag? Sa maliliit na nakakahong patalastas, na maliit pa yata sa 1/8 ng pahina panloob na pahina ng mga pahayagang Today at Malaya, na alam naman nating di kalawakan ang sirkulasyon. Talagang kakaiba!

At sa karanasan ng ilang subscribers, kabilang na ako, itinanggi pa noong una ng mga customer service representatives ng dalawang kompanya ang ganitong pagbabawas ng free text allocation.

Pero sa pag-iwas nila sa galit ng publiko, mas lalong pumutok ang isyu. Kasi naman, papayag ba ang Generation Txt, pati na rin ang sub-group ng mga kiti-kitext, na ganyan-ganyanin lang ng matatalinong telecom companies? Aba hindi po! Kung ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa ay hindi inurungan ng Generation Txt, ang mga ito pa kaya ay hindi lalabananan?

Ang kaibahan nga lang ngayon, lyamado sa laban ang Smart at Globe--nasa kontrol pa rin sila sa teknolohiyang ginagamit ng mga texters. Anu't ano pa man, ika nga ni Igang Arnold Clavio ng DZBB matapos ang panayam nila kay Tito Mon noong Lunes, "Hindi pa tapos ang lahat sa laban ng Gen Txt!"

Nitong looban ng linggo ay pinangunahan ng Philippine League for Democratic Telecommunication, Inc (www.pldt.com) ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang kompanya at sa National Telecommunications Commission dahil sa pagbabawas nila ng free text allocation. Dapat suportahan at samahan ang pldt.com at TXTPOWER sa mga labang ito upang isulong ang kapakanan ng mga texters sa Pilipinas.

Tuloy pa rin ang boykot noong Setyembre 1. At kahit feeling cute ang lahat ng texters, ang tumawag at mag-text sa araw ng boykot, hindi cute!

Join TXTPOWER
Powered by groups.yahoo.com
E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com


Texter's Declaration

MULA SA PATNUGOT
Boykot muna


SPECIAL REPORT
Bagong baho sa likod ng uniporme
ni Rey Refran


SA ISYUNG ITO
Why ROTC should be abolished
by Gari R. Lazaro, SCAP

Tungo sa pangmatagalang kapayapaan
ni Alexander Martin Remollino

Kristine
ni Angela


KOLUM

Paano isinisilang ang isang aktibista?
ni Mong Palatino



Kelan pa ba tayo magtatanda?
ni Rey Refran

Pagbabalik
ni Ederic P. Eder


TULA

Sa aking panulat
ni Alexander Martin Remollino

Dont hear the whisper
by Noel Salinel

Dread
by Amillah Sescon Rodil

Apoy
Ni Kristian G. Yap

Love
by Jessa Alvarez


PLUNDERWATCH

Plunder Watch Davao Launch: A Success!

Plunder Watch Update #3

Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved