Apoy
Ni Kristian G. Yap
Minsan ako
naging isang apoy
Apoy na nag-aalab
Apoy na mahirap panatilihing buhay.
Isang elementong
pilit patayin
Sapagkat ito'y nakakapaso,
Madaling makatunaw,
Madaling makapatay
Ngunit sa
kabila nito,
Ang apoy patuloy na nagliliyab
Matupok man ito'y
Muli at muli itong
MABUBUHAY
.
-------------
Si Kristian G. Yap ay mula sa De La Salle University - Manila.
Kumukuha siya ng mga larawan para sa Pahayagang Plaridel. ISa
rin siyang masugid na kasapi ng Rebelde.com.
|