v 5.0
Setyembre 2, 2001  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

Click Here!

 

 

 

 

 

 

Para mapigilan ang text cuts
“Oplan Txt GMA” simula na!

ISANG MILYONG text para kay GMA!

Ito, ayon sa grupong TXTPower, ang gagawin ng milyong texter simula bukas (Setyembre 17) para humingi ng tulong kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kontrobersyal na pagbawas sa free text ng Globe at Smart.

Kaugnay nito, hinikayat ng TXTPower ang lahat ng texter na mag-text sa mga cellphone number ng Pangulo: 0917-8982462, 0917-8985462, 0919-8984621, 0919-8984622 at 0919-8984623.

“Isang text lang sa bawat texter ang kailangan para malaman ng Pangulo ang pandurugas ng Globe at Smart sa atin,” ani Anthony Ian Cruz, tagapagsalita ng grupo.

Hinikayat ni Cruz ang mga texter na magpadala ng mga mensahe kay “Ate Glo” gaya ng sumusunod: gma, tulong nmn! txt cuts, pigilin! ntc, papet ng globe at smart! protxn 4 txtrs!

Tinatawag na “Oplan TXT GMA”, nilunsad ang kampanya matapos ibasura ng korte ang kasong isinampa ng mga consumer at isinantabi ang utos nitong pigilan ang pagbawas sa free text. Ang National Telecommunications Commission naman hanggang sa ngayon ay wala pa ring aksyon tungkol sa isyu.

Mahigit 10 milyong Pilipino ang gumagamit ng cellphones. Umaabot sa 150 milyon ang text messages ng mga Pilipino araw-araw, bagay na nagtanghal sa Pilipinas bilang text capital ng buong mundo.

Sa unang hati ng 2001, nagkamal na ng mahigit 4 bilyong pisong tubo ang Globe at Smart. Higit sa $400 milyong ang nakuha na nitong pondo para sa network expansion nito mula sa mga bangko.

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com


Texter's Declaration

MULA SA PATNUGOT
Boykot muna


SPECIAL REPORT
Bagong baho sa likod ng uniporme
ni Rey Refran


SA ISYUNG ITO
Why ROTC should be abolished
by Gari R. Lazaro, SCAP

Tungo sa pangmatagalang kapayapaan
ni Alexander Martin Remollino

Kristine
ni Angela


KOLUM

Paano isinisilang ang isang aktibista?
ni Mong Palatino



Kelan pa ba tayo magtatanda?
ni Rey Refran

Pagbabalik
ni Ederic P. Eder


TULA

Sa aking panulat
ni Alexander Martin Remollino

Dont hear the whisper
by Noel Salinel

Dread
by Amillah Sescon Rodil

Apoy
Ni Kristian G. Yap

Love
by Jessa Alvarez


PLUNDERWATCH

Plunder Watch Davao Launch: A Success!

Plunder Watch Update #3

Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved