Panawagan ng Ating Panahon sa mga Kabataan

May mga panahong ang mga kabataan ay hinahamon ng mga kalagayan upang tumangan ng mabigat na pananagutan alang-alang sa bansang kinabibilangan. Isa ito sa mga panahong iyon.

Sa isang pambihirang pagkakataong walang dahilan upang di sang-ayunan ang kanyang mga ipinahahayag, nawika kamakailan ni Dr. Virgilio Almario — Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan ng 2003 — na “itong ating panahon ay isang napakasagwang panahon.” Tunay na sakdal ng kasagwaan ang kasalukuyang panahon. Kayhirap isipin man lamang na ang ating bansa’y maaari pang masadlak sa lalong kasulu-sulukasok na kalagayan.

Kinakain ng kumunoy ang ating ekonomiya. Isang elemento na lamang ng mga pantasya ang pamamayani ng mga batas. Ngayon natin nakikita nang harap-harapan ang itinaghoy ng bidang lalaki sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas: “Kagalinga’t bait ay nalulugami/Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Habang humahaba sa bawat sandali ang hanay ng mga namamalimos ng kahit isang kagat na tinapay — palatandaan ng walang-patlang na paglubog ng ating mga karaniwang mamamayan sa lalo’t lalong kadustaan — may iilan sa mga bulwagan ng kapangyariha’t pribilehiyo na parang si Marie Antoinette, yaong reyna ng Pransiya noong dulo ng ika-18 dantaon na nagsabing hayaang kumain ng mamon ang mga walang makaing tinapay. Sila’y di nahihiyang ipagyabang ang kabundatan ng kanilang mga tiyan sa harap ng madlang ang mga butas sa sikmura’y kasinlalaki na marahil ng mga kamao.

At ilang daan na sa mga kababayan nating nakipaglaban alang-alang sa maayos na hanapbuhay, matinong edukasyon para sa lahat, at lubos na pakikinabang sa mga serbisyong panlipunan — na hinahangad din ng mga kabataan — ang tinamnan ng mga punlo sa mga dibdib at ulo? Kabilang sa kanila ang mga kabataang sina Ramon Ternida, Benjaline Hernandez, Edilberto Napoles Jr., Eden Marcellana, Isaias Manano Jr., Juancho Sanchez, Jhaivie Basilio, Marvin Montabon, Cris Hugo, at Rei Mon Guran.

Samantala’y nasa halos 200 na ang mga kababayan nating nawala na lamang at sukat, sa loob ng nakaraang limang taon, at hindi malaman kung buhay pa o patay na — kabilang ang mga kabataang sina Karen EmpeÖo at Sherlyn Cadapan.

Dahil dito, saan mang dako tumingin ang mga kabataan ay waring walang matanaw na magandang kinabukasan.

Sa ganitong panahon, ang mga kabataan ay tinatawag ng bayan upang tumugon sa mga hamon ng mga pagkakataon. Lagi’t laging umaasa ang bayan sa mga kabataan sa mga panahon ng malaking pagsubok sapagkat sila ang karaniwang nasa rurok ng lakas ng isip at katawan.

Noong panahon ng rehimeng Marcos (1965-1986), malaking papel ang ginampanan ng mga kabataan sa pagsisikap na muling palitawin ang liwanag sa bansang binalot ng dilim.

Hindi pa nga nakatatapos ng kolehiyo si Vicente Ladlad, habang halos katatapos pa lamang ng pag-aaral ni Rafael Baylosis, nang sila’y magpasyang tahakin ang landas ng kasukalan upang labanan ang mga sundalo ni Marcos na naghasik ng lagim sa buong bansa. Ang kabataang abugadong si Enrique Voltaire Garcia II ay buong tapang na nagtanggol sa mga pinaratangang “subersibo” sa harap ng hukuman, habang ang estudyanteng manunulat na si Abraham Sarmiento Jr. ay napabantog dahil sa kanyang matatapang na editoryal laban sa diktadura.

Ilan sila sa libu-libong kabataang nang mga panahong iyon ng pagsubok ay lumabas mula sa kani-kanilang mga comfort zone upang gawin ang tila hindi maaari. Napatalsik si Ferdinand Marcos noong 1986 at malaki ang naging papel ng kabataan sa dakilang kaganapang ito.

Ang Pilipinas ay nasa isang yugto ng kasaysayang higit pang masahol sa panahon ni Marcos. Tila wala nang higit pang sasahol sa kalagayan ngayon ng ating bansa.

Sa pinakamalawak na maaaring depinisyon ng terminong kabataan — yaong mga nasa gulang na 13 hanggang 35 — ang sektor ito ng ating populasyon ang siya nang pinakamalaki, at lampas na sa kalahati ng kabuuang mamamayang Pilipino, ayon sa mga estadistika ng mismong gobyerno.

Anong laki ng kapangyarihan ang taglay ng ganitong bilang! Anong himala ang kayang gawin ng ganitong kapangyarihan!

Ngayon at higit kailanman, lubusang matwid kung ang mga kabataang Pilipino ay maramihang susunod sa mga yapak ng mga kagaya nina Ladlad, Baylosis, Garcia, at Sarmiento.

8 Comments

  1. oo, tama ang sinabi niyo na ang kabataan ang tanging pag-asa ng bayan.Paano ba ito mangyayari kung ang mga tagapaghubog ng mga kabataan na ang mga guro ay pumupunta sa ibang bansa para magturo. Sino na ang maglilinang ating mga kabataan?

  2. idiot ang nag tanong na si sherryll of course for a fact palaki ng palaki ang population at naririto tayo upang maing bagong ‘sets’ ika-nga, na magpapatuloy sa mga bagay tungo sa kaunalaran.. grrr

  3. maganda sana kaso hindi nakalagay kung sino ang nagsulat kaya parangkulang sa impormasyon…..dapat nakalagay sa baba kung sino ang nagsulat nitong editoryal

  4. hmm cno nga pla nagsulat nito xaka tinalumpati ba to??

    kelangan koh kc! plz………….

  5. ..
    elow,,..
    poh..
    ask lng po sana me,
    kung cnu sumulat nang
    talumpati..?salamt.. at cnu po ang nag talumpati nito?

  6. hi poh pwd poh bang mag hingi nang idea tunkol sa tungkol sa hamon at pananagutan ng mga kabataan.sa pamamagitan ng talumpati?tnx poh

Leave a Reply