Panahong Ligalig

Inabot ng tatlong buwan bago kami muling makapagparamdam. Nabali ang aming pangako, at humihingi ako ng paumanhin dahil diyan. Ika nga ni Ate Glo, “I… am… sorry.”

Kaya sa isyung ito, sama-sama ang mga usapin kaugnay ng Kapaskuhan, Araw ng mga Puso, at EDSA People Power Revolution.

Speaking of EDSA, nabalitaan na siguro ninyo ang mga nangyari sa mga araw na dapat ay paggunita sa unang People Power. Ipinahinto ng Pangulo ang lahat ng pag-alaala sa yugtong iyon ng ating kasaysayan matapos ibaba ang Proclamation 1017, isang kautusang naglalagay sa panganib sa kalayaang binawi ng Pilipino sa EDSA noong Pebrero 1986.

Samantala, laman din ng isyung ito ang mga kuwento, tula, at pagtalakay sa mga katatapos lamang na tagumpay at trahedya sa ating bayan: ang pamamayagpag ng Pambansang Kamao (na sa kasamaang palad ay patuloy na sumusuporta sa rehimeng may kamaong mala-bakal), at ang mga trahedya sa ULTRA at St. Bernard. Southern Leyte.

At huli man daw at magaling, magaling pa rin! Binabati ng kanyang Tinig.com family si Aika Pascual na nagkamit ng second prize sa Palanca Award para sa kategoryang Kabataan Sanaysay noong isang taon.

Salamat din sa The Edge Magazine sa pagtatampok sa Tinig.com sa kanilang unang isyu.

Sa kasiyahan man o kasiphayuan, at higit sa lahat, sa mga ganitong panahong ligalig, ang Tinig.com ay nananatiling inyong tinig.


EDERIC P. EDER
Patnugot

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.