Nilulunod ng dagat ang sikat ng araw
Mumunting bituin na sa langit matatanaw
Kahit ang mapayapang Hanging Amihan
Natutuksong ang alon sa dagat ay hagkan
Nagwawakas ang panahon ng paghihintay
At puso ko ay tahimik na nagbabantay
Mag-isang nagising sa kalawakan
Nag-iisa din sa pagtahak ng daan
Ako ay nalulungkot, iyong samahan
Sabay tawirin ang Tulay ng Kapayapaan
Huwag itabi ang malungkot na panaginip
Bulong ng munting tinig pakinggan sa isip
Panahon na upang tayo ay lumisan
Tuparin ang pangakong magmamahalan
At hanggang sa huling wakas
Pag-ibig ang katagang ibibigkas
Mahal kita noon, ngayon, at bukas
Dito sa gitna ng dalampasigan
Patuloy kang aabangan