It was a humid afternoon nang malaman kong 'di ako ga-graduate nang
panahong iyon. Masakit ang ulo ko sa maghapong pag-akyat-panaog para
lang manlimos ng pirma upang maka-graduate ako. Pero wala ring nangyari.
Hiyang hiya ako sa sarili ko at sa mga tao. I felt as if I was crucified
for no reason. But then, I embraced everything. Mabilis ang mga desisyon
ko nang mga panahong iyon. Through the years, I maintained a good
image in the family. Sinabi ko na graduate na ako that time. It was
me alone who suffered, dahil ayokong masaktan ang pamilya ko sa ibabalita
ko sa kanila. I thought of applying for a job to sustain the remaining
semester before I graduate. And I did.
I even applied in a call center. Very imperial. A greener pasture
right at my very doorstep. Nakakatinik sa lalamunan. Pero kahit ganun,
sinubukan ko pa rin. I never was fluent enough to satisfy their ears.
I went through a lot of interviews. Iba ang pakiramdam nung matanggap
ako. I started to ask myself. Ito ba talaga ang para sa akin? Millions
of doubts appeared. When they called me up for an orientation, I said
yes. That day came. Mabigat ang lahat sa akin. Hindi ako pumunta.
I searched for another job. I applied as team leader of a Taiwan-based
amusement company. Hindi mahirap. Pero hindi rin naman madali. Hindi
ko nakuha yung trabaho dahil wala akong experience. Naging crew ako.
You read it right. Pumayag akong maging crew. Hindi mahirap. Hindi
rin madali. Pero masakit ulit sa lalamunan. Labag sa konsensya ko.
Pero wala akong magawa. Hindi na ako nagpa-extend, tinapos ko na lang
ang contract ko sa kanila.
At ngayon, naghahanap na naman ako ng trabaho. Mukhang nasa difficult
level na ako. I looked back. Ang daming nangyari. Ang daming mga nagbago.
Marami pala akong hindi napansin. Minsan, talagang ganun. Kapag abala
ka sa ginagawa mo, kahit huni ng ibon, pag-usad ng mga madidilim na
ulap o di kaya paglitaw at paglubog ng araw, hindi mo mapapansin.
Yun ang kapalit ng pagkita ng pera. Malilimutan mo na ang ibang bagay
na kahit simple, makapagbibigay ng kasiyahan sa iyo.
Samantala, matagal na akong naimbak sa mga palaisipan na dumadaloy
sa dinaraanan ko. Habang mahimbing akong natutulog ay patuloy ang
pag-usad ng panahon. One thing I learned about life. It goes on and
on.
Kagaya na lamang ng sitwasyon ng mga katulad kong naghahanap ng trabaho.
Hindi gaya noong bata pa kami, malinaw sa isipan namin na maging abogado,
teacher, doktor, inhinyero, o maging isang ina o ama. Ngayon, andami
nang nag-iba. May mga naging tao, bagay o hayop na. Mula sa isang
simpleng bata. Nakakalungkot. Pero yun ang nanatiling totoo sa paligid.
One thing where we can adjust ourselves to believe the theory of relativism.
Lahat ng bagay nag-iiba batay sa panahon o lugar. Walang kasiguruhan
ang lahat. Puwedeng maging maganda. Puwedeng maging pangit.
Ang mga doktor ngayon, matatagpuan mo na lang na nurses sa ibang
bansa. Teacher na naging caregiver. Lumobo sa isang napakadelikadong
bahagdan ang bilang ng mga semi-skilled workers mula sa iba't ibang
sektor. Nagkaroon ng industrial shuffle.
Halimbawa na lang ng mga call center sa ating bansa. Makikita mo
ang iba't ibang mukha sa isang building halimbawa sa RCBC Plaza sa
Makati o sa Citibank sa libis. Mga doktor na imbes na nasa hospital
para dumalo sa kanilang mga sinumpaang tungkulin upang gumamot ay
nasa isang cubicle para makipag-usap sa isang dayuhan tungkol sa naglolokong
Internet server (Inbound). Mga teacher na imbes na nasa silid-aralan
upang magturo at burahin sa kasaysayan ang mal-edukasyon ng mga Pilipino
ay nasa harap ng computer habang nakikipag-usap upang ibenta ang produkto
ng kanilang kumpanya (Outbound). Hindi naman sila mukhang kawawa.
Malaki ang sahod (12K-20K). Aircon ang working area. US-based ang
kumpanya. World class trainings. Wala ka ng mahihiling pa. Todo suporta
pa ang gubyerno sa mga multi-nasyunal na ito.
Taong 1997 nang mag-boom ang call center industry sa Pinas at inaasahang
dadami pa ang mga ito sa mga panahong darating. Malaking buwis para
sa gubyerno. Pero malabong isalalay natin sa buwis ang salitang kaunlaran
habang ang mga mamamayan naman nito ay naninilbihan sa maka-imperyalistang
interes. Masakit isiping ibinabatay natin sa kasalukuyan ang lahat
ng bagay alinsunod sa mga rekisito ng mga dayuhang bansa , maski itaya
pa ang pambansang interes. Funny how we claim we're free while we
continously stooping down and serving an imperial power. Something
beyond what is logical.
Kapit sa patalim ang pagtatrabaho sa isang dayuhang kumpanya. Mabait
lang ang mga yan dahil napaka-gullible ng mga Pinoy sa lahat ng klase
ng pang-uuto. Malinaw na brain-drain sa sariling bansa. Manipestasyon
na di kayang proteksyunan ng gubyerno ang kanilang mga taong nasasakupan.
Ang mga interes ng mga ito at ang pang-matagalang solusyon sa kahirapan.
Malabo ang lahat.
Hindi ito isang pagtuligsa sa industriya ng mga contact center kundi
isang hamon sa ating pamahalaan sa kasalukuyang kalunos-lunos na sitwasyon
ng ating mga kababayan. It doesn't suggest for a debate, but rather
a resolution to address the problem of our nation and seek the greatest
good of our people. Ang industriya ay hindi sagot ng gubyerno sa mga
krisis panlipunan, kundi panakip butas sa katotohanang hindi nito
kayang buhayin ang sariling mamamayan sa sarili nitong bansa.
Tinik sa lalamunan at isang bangungot ang alaala ng pagiging alipin.
Slavery in whatever form grows everywhere. Let's not turn our men
into monkeys.