TULA
Pagmuni-Muni sa Joker ng Baraha

hinawakan ka
ng isang paslit.
____sa iyong dismaya,
________hindi ka nilaro
'di tulad
ng iba mong kasamahan
____na nagsasaya
sa larong pustahan.
bagkos, inipit ka
sa pagitan ng kaniyang mga daliri
at saka ka
____pinunit.

laki kong__ gulat
nang hindi ka man lang
__________kumibo.

---------------
Kasalukuyan nasa ikatlong taon ng kursong Medical Technology sa UST si Sonny. Nagsusulat siya ng mga tula at katha sa Filipino at Sandard Bikol, at Bikol-Rinconada. Nailathala ang ilan sa mga tula niya sa Bikol Reporter, Burak, Montage at Pung'aw: Anthology of 30 Bikolano Poets.

Karapatang-ari © 2001-2005 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan