Nagkalat ang bulaklak ng Sakura sa buong lungsod ng Kyoto. Tanda
ito ng pagtatapos ng niyebe at umpisa na panahon ng tagsibol. Bagamat
umiiral pa rin ang malamig na simoy ng hangin, ganap nang natunaw
ang mga namuong yelo sa kalsada. Pinalitan ito ng mga pilas-pilas
na sanga at puting talulot mula sa kabit-kabit na puno ng Sakura.
Ito ang panahon ng cherry blossoms. Lahat ay nagtitipun-tipon sa
ilalim ng mga punongkahoy upang pagmasdan ang pag-ulan ng mga puting
bulaklak kaalinsabay ng pag-ihip ng banayad na hangin. Ang bawat pamilya,
magbabarkada, o magkakamag-aral ay sama-samang naghahalakhakan,nagkakantahan,
at naghihiyawan habang tumutungga ng sake. Sa pagkakataong ito, nasisira
ang kultura ng katahimikang umiiral sa lipunan ng mga Hapon. Pawang
kagalakan ang mamamatyagan. Maging ang mga kalapati ay nagdiriwang
sa ilalim at ibabaw ng mga punong Sakura.
Tuwing sasapit ang ganitong okasyon, parati kong kasama ang aking
sensei. Sa tatlong taon kong pamamalagi sa Unibersidad ng Kyoto, hindi
ko nakakalimutang dalawin ang aking sensei sa kanyang tinutuluyang
aparto. Mula sa kanyang munting tahanan, sabay kaming pumupunta sa
pinakamalapit na 'koen' kung saan matatagpuan ang sandaang puno ng
Sakura. Sa naturang pook, pinag-uusapan namin ang sari-saring usapin
ukol sa pilosopiya, pulitika at kultura ng mga Hapon at Pilipino.
Sa kabila ng seryosong talastasan, hindi rin naiiwasan ang tawanan
kasabay ng 'kampai!,' hudyat ng walang katapusang inuman.
'Kampai!' Muli naming pinag-untog at pinatunog ang hinahawakang bote
ng sake.
Bagamat pumipikit-pikit ang mga singkit na mata ng aking sensei dahil
sa labis na pagkalasing, patuloy pa rin siyang nangangatwiran ukol
sa sukdulang pagkasuklam kina Koizumi at Macapagal. Punung-puno ng
damdamin ang kanyang pagtalakay sa mga 'di-makatarungang polisiya
at programa ng kanilang pamahalaan. Pabugsu-bugso ang kanyang pagsasalita,
epekto ng matapang na alak na aming pinagsaluhan sa buong maghapon.
Nang kumagat na ang dilim, inakay ko na rin ang aking lasing na sensei
pabalik sa kanyang tahanan.
Sa gabing ito, nakaramdam ako ng matinding pagkasuya sa mga talakayan
ni sensei. Malalim siyang tao. Bagamat siya ang pinakabatang propesor
sa Pakuldad ng Pilosopiya at maging sa buong unibersidad, tinataglay
niya ang pambihirang dunong at katalinuhan. Minamanipula niya ang
pilosopiya ng mga Griyego, at lubhang isinasapuso ang doktrina ng
mga Shinto. Bukang-bibig niya ang mga kwento ng Samurai at Ronin.
Kabisado niya ang Bushido, kodigo ng mga Samurai. Araw-araw na diskurso
niya ang sentimentalismo ni Emperor Meiji. Higit sa lahat, kinokolekta
niya ang iba't ibang uri ng espada na ginamit ng mga mandirigma nang
sinaunang panahon.
Dahil sa kanyang pambihirang kaalaman, umani ng iba't ibang pangalan
ang aking sensei mula sa napakaraming nangungutyang mag-aaral. Neird
daw kasi kaya't medyo iniiwasan nila ang propesor na ito. Ayon sa
mga mag-aaral mula sa Tsina, siya ang Confucius na walang bigote.
Para sa mga Kano, handsome version daw ni Grotius, the idealist. Para
sa mga arabong mag-aaral, the poor Bin-Laden dahil isa raw dakilang
terorista ng mga grades ang aking sensei. Para sa mga Pinoy kong kaibigan,
siya raw si Rizal-san, pero kung minsan, siya si Mujako-sensei mula
sa planeta ng mga matatalinong pikachu.
Kung tutuusin, totoong ala-Rizal ang aking sensei. Sa edad na 25,
natapos niya ang kanyang Masters Degree sa Unibersidad ng Tokyo. Agad
siyang kinuha ng aming pamantasan upang magsilbing lekturer sa asignaturang
Pilosopiya habang itinutuloy ang kanyang pag-aaral para sa doctorate.
At sa kanyang unang klase sa aming unibersidad, nakilala ko ang pambihirang
propesor na itinuring kong huwaran. Nang tumindig siya sa harapan
ng silid-aralan, nabigla at namangha ang madla sa isang gwapo't matipunong
Hapon na napagkamalan nilang kamag-aral. Kaagad niyang tinanggal ang
suot na salamin at sumulyap sa mukha ng bawat mag-aaral. Isang simpleng
ngiti ang lalong dumuling sa kanyang singkit na mata, kasabay ng magalang
na pagyuko at pagsambit ng mga salitang pagpapakilala. Isa-isa niya
kaming kinakausap sa wikang Hapon. Nang tanungin ang aking pangalan,
agad niya akong binara ng mga katagang 'I asked in Japanese, answer
in Japanese!' Napahiya ako sapagkat hindi pa ako masyadong nakakapagsalita
ng Nihonggo nang naturang taon.
Sir, ahh
watashiwa Jeffry-san.
'Strange Japanese!,' sagot ng masungit na propesor. Pinanatili niya
akong nakatayo habang nakikinig sa pagpapakilala ng mga kamag-aral
Watashiwa Jenny desu. Amerika-jin desu.
Watashiwa Wini desu. Malaysia-jin desu.
Watashiwa Mana desu. Thai-jin desu.
Watashiwa Ika desu. Indonesia-jin desu.
'Jeffry -san! Its your turn. Dozo!,' utos ni sensei.
Tila kumakalabog ang aking dibdib sa takot. Wala na rin akong pakialam
sa mga katagang lumalabas sa aking bibig. 'Sir, watashiwa Philippines-san
desu'
at nandilim ang aking paningin dahil sa kahihiyan dulot
ng katangahan. Lahat ay humalakhak sa aking nasabi. Minabuti ko na
lang na ngumiti at makisabay sa kanilang tawanan.
Marahil ay nabasa ng aking sensei ang reaksyon ng aking mukha. Batid
niyang napahiya ako sa ginawa niyang pag-uusisa. Matapos ang kanyang
klase, agad niya akong nilapitan at binulungan
'See me in my office after lunch.'
Hindi na ako nakakain ng tanghalian dulot ng 'di matanggal na kaba.
Pinilit kong lumakad patungo sa kanyang opisina, bagamat hindi ko
naramdamang sumasayad ang aking talampakan sa sahig dulot ng 'di mapalagay
na dibdib. Sari-saring katanungan ang umiikot sa aking isipan. Ano
kaya ang sasabihin niya sa akin? Irerekomenda kaya ng aking sensei
na mag-drop ako ng naturang asignatura dahil sa aking mahinang abilidad
sa Nihonggo? Nang nakarating sa harap ng kanyang silid, panandalian
akong huminto at kumatok ng tatlong beses hanggang sa narinig ang
matamlay na boses ng aking bagong sensei
'dozo!.'
'Genki desu ka?' (how are you)
'Im fine
ahhh
genki desu'
Agad akong pinaupo ni sensei. Tumayo siya at kumuha ng dalawang baso
at isang boteng sake. Tinanggal niya ang mga nakalapag na aklat sa
kanyang mesa at inilapag ang isang baso sa aking harapan. Tumitig
siya nang panandalian sa akin at sinalinan ng kalahati ang aking baso.
Inilapag niya ang bote ng sake sa mesa at muling tumitig sa akin.
'What are you waiting for? In Japanese custom, you should pour some
sake on my glass.'
Sinunod ko ang mungkahi ng aking sensei. Nang malaon, inangat niya
ang kanyang baso at sinambit ang katagang 'kampai!'
Pinag-untog namin ang aming mga baso at ito ang hudyat ng aming magandang
relasyon. Unti-unting nawala ang aking pangamba, at dahan-dahang gumaan
ang loob ko kay sensei. Sinumulan niya akong usisain kung saan ako
nagtapos ng undergrad degree at kung bakit ako nag aaral sa Japan.
Tinanung rin niya kung ano ang aking plano matapos ang pag-aaral sa
Unibersidad ng Kyoto. Nang nalaman niyang nais kong maging 'propesor
at manunulat', agad niya akong tinitigan sa mata habang itinataas
ang hawak na baso. Ngumiti siya at halos isinigaw ang katagang 'kampai!'
Tunay ngang nagalak si sensei sa pagkakakilala niya sa akin. Ayon
sa kanya, magaan ang kanyang loob sa mga kabataang sumusunod sa kanyang
yapak. Sa araw na iyon, nabatid ko ang pagiging dedikado ni sensei
sa kanyang propesyon. Bata pa lamang daw siya, pinangarap na niyang
magturo. At ngayong nasakatuparan na ito, buong katapatan niyang paglilingkuran
ang unibersidad sa pamamagitan ng paglinang ng mga isipan ng kanyang
mag-aaral. Para kay sensei, ang pagiging guro ang nagbibigay lakas
at sigla sa kanya. Ito raw ang kanyang propesyon, at ito na rin ang
kanyang magiging buhay. Upang maputol ang aming napakaseryosong usapan,
pabiro kong tinanong kung ano ang kanyang gagawin kung hindi na siya
muling bibigyan ng pagkakataong magturo. Napatahimik ang aking sensei.
Matapos ang ilang segundo, ipinaliwanag niya sa akin na ang bawat
nilalang ay may misyon sa kanilang buhay. Kung ang misyon ay nawalan
na ng saysay, susunod na ring mawalan ng saysay ang buhay. Kung ang
isang alipin ng sa
murai ay nawalan na nang amo, wala nang saysay ang naturang alipin.
Sa ganitong pagkakataon, maaari na rin siyang mawalan ng buhay. Ayon
kay sensei, alipin din siya ng edukasyon. At kung ipagkakait sa kanya
ang tungkuling maglingkod sa pamamagitan ng pagturo, halos ipinagkait
na rin sa kanya ang karapatang mabuhay. Namangha ako sa mga prinsipyo
ng aking sensei.
Mula noon, nakaugalian ko nang sumaglit sa kanyang opisina pagkatapos
ng aking mga klase. Halos araw-araw kaming tumatagay ng sake habang
pinag-uusapan ang mga nabubulok na tradisyon ng mga Hapon. Walang
katapusang diskusyon, mula sa Judo hanggang sa Ikebana. Marahil ay
libangan talaga ng aking sensei ang magbahagi ng kanyang mga saloobin
hinggil sa libu-libong paksa tungkol sa lipunang Hapon. Naaaliw din
naman ako sa kanyang mga paksa, lalung lalo na sa paraan ng kanyang
pagtalakay. Nakatitig lamang ako sa kanyang mapulang labi, singkit
na mata, at matangos na ilong, magkahalong kaalaman at kaligayahan
ang aking nakakalap.
++++
Tatlong taon na ang nakalipas, tatlong cherry blossoms na rin ang
magkasama naming nasaksihan. Sa tatlong taon ng aming pagiging magkaibigan,
tanging pilosopiya, pulitika at kultura pa rin ang laman ng aming
diskusyon. Siyempre, nakakaramdam na rin ako ng koonting pagkasuklam
sa aming talakayan. Paminsan-minsan, ipipilit kong ipihit ang aming
paksa tungkol sa aming personal na buhay. Naging intresado naman siya
sa kuwento ng aking pamilya. Isinalaysay ko sa kanya ang paghihiwalay
ng aking mga magulang noong ako'y sampung taong gulang pa lamang.
Madamdamin ang kanyang mga pangaral sa akin. Nabanggit ko rin sa kanya
ang tungkol sa aking ex-girfriend. Sa katotohanan, maganda ang kanyang
komento tungkol sa aming paghihiwalay at sa aking desisyon na magpunta
rito sa Japan.
Subalit nang sinimulan kong usisain ang kanyang buhay, pawang katahimikan
ang kanyang isinasagot sa akin. Sinubukan kong tanungin kung nasaan
ang kanyang pamilya. Sumagot lamang siya ng 'wala akong pamilya.'
Natanong ko na rin kung nagkaroon na siya ng mangingibig. Umiling
siya at hindi na muli nagsalita. At noong nakaraang buwan lamang,
muli kong hiniling na magkwento siya tungkol sa kanyang buhay. Sa
pagkakataong iyon, naging prangka ang aking sensei sa kanyang pagsagot
nang 'ayokong pag-usapan ang aking personal na buhay.'
Marahil ay malihim na tao ang aking sensei. Dahil sa naturang ugali,
limitado lamang ang kanyang kaibigan. Halos madalas siyang walang
kausap sa kanilang opisina. Kalimitan ay nakikita ko siyang nag-iisa
sa silid-aklatan o maging sa kainan sa unibersidad. Madalas din siyang
nagtutungo sa 'koen' upang uminom ng sake mag-isa. Sa madaling sabi,
sanay mag-isa ang aking sensei. Lahat ng tao sa unibersidad ay nais
lamang siyang tignan dahil sa kanyang kagwapuhan, subalit naiilang
na siya'y kausapin. Kung tutuusin, tanging ako lamang ang naaaaliw
sa kanyang mga diskusyon tungkol sa pulitika, pilosopiya at kultura.
+++++
Ngayon ang ikalawang araw ng cherry blossoms sa aming lungsod. Bago
sumapit ang dilim, muli na naman kaming magkikita ng aking sensei
upang maglakad-lakad sa malapit na 'koen.' Sa hapong ito, susunduin
ko ang aking sensei sa kanyang silid-aralan kung saan idinaraos ang
kanyang huling klase at doon kami magtatagpo bago magtungo sa 'koen.'
Malayo pa lamang sa kanyang silid-aralan, naririnig ko na ang kanyang
malalim na boses. Umaalingawngaw sa kahabaan ng pasilyo ang kanyang
madamdaming pagbabasa ng isang Haiku sa harapan ng klase.
Sa katotohanan, hindi ko naintindihan ang nilalaman ng Haiku na kanyang
binigkas. Totoong malalim ang mga ginamit na salita at kumplikado
ang pagkakadugtong-dugtong ng bawat linya. Subalit isang salita ang
naiwan sa aking isipan- hara-kiri. Sa paraan ng pagbabasa ng aking
sensei, pilit niyang binigyang diin ang salitang hara-kiri kasunod
ng panandaliang paghinto bago niya tinuloy ang Haiku. Bagamat isang
beses lamang ito nabanggit, binagalan ng aking sensei ang pagkakabigkas
ng naturang salita. Harakiri! Umulit-ulit ang salita sa aking isipan.
Maaaring nabasa ko na rin sa mga aklat ng kasaysayan o literatura
ang naturang salita, subalit hindi ko matandaan ang kahulugan. Harakiri.
Saan ko nga ba nabasa ang salitang hara-kiri? Ano nga ba ang kahulugan
nito?
Hindi ako nag-atubiling magtanong kay sensei habang naglalakad kami
patungo sa koen. Subalit sa halip na bigyang linaw ng guro ang aking
isipan, itinitig lamang niya ang mga singkit na mata sa aking mukha
kasabay ng tatlong beses na pag-iling. Hindi pa siya nakuntento. Mahinahon
niyang ibinulong ang mga katagang "stupid question
"
Napangiti lamang ako sa kanyang reaksyon. Dahil tatlong taon na rin
kaming laging magkasama, nasanay na ako sa mga masasakit na ekspresyon
ng aking sensei. Kapag nabababawan siya sa aking mga katanungan, kaagad
niyang binabanggit ang mga Ingles na salita gaya ng stupid, crazy,
foolish, non-sense, at minsan na rin niyang nabanggit sa akin ang
isang malutong na tagalong na salita
"bobo."
Hindi na ako nakipagtalo kay sensei. Panandalian akong tumahimik
bunga na rin ng konting kahihiyan dahil sa aking katangahan. Kahit
papano, naisip ko rin na tatlong taon na ako sa bansang Hapon kaya't
alam ko na dapat ang kahulugan ng isang napakahalagang salita gaya
ng 'harakiri.'
Naputol ang aming katahimikan dahil sa isang malakas na ihip ng hangin.
Tinangay ng pagal na hangin ang mga bulaklak ng sakura at nagsimulang
umulan ng puting talulot sa aming dinaraanang iskinita. "Napakaganda,"
nasabi ko sa aking sarili. Pinagmamasdan ko ang bawat isang bulaklak
na dahan-dahang bumababa habang nagsasayaw sa hangin. Naglalaro sa
aking isipan ang musika ni Bach at isinasabay ko ito sa grasyosong
paglipad ng mga bulaklak. Kusang nagsara ang aking pandinig sa labas.
Tanging ang musika ng biyolin lamang ang naglalaro sa aking isipan.
Sa sobrang pagkaaliw, hindi ko namalayang kinakausap pala ako ng aking
sensei. Nang mapansing hindi ako kumikibo, isang mabigat na pagbatok
ang pinadausdos sa likod ng aking ulo.
"Awww! Why sensei?"
"Well, I thought you are listening to me. You are day dreaming!"
"Gomenasai. [I'm sorry]. What are you saying?"
"Nothing. Never mind. It's only about Sakura and Harakiri."
Hindi na ako muling umimik. Nagpatuloy na lang ako sa pinapanood
na pag-ulan ng mga bulaklak. Kaaya-ayang tignan. Sana'y meron nito
sa Pilipinas.
+++++
Pagkagat ng dilim, ihinatid ko ang aking sensei sa harapan ng kanilang
bahay. Kaagad akong nagpaalam sa kanya subalit nagpahiwatig ng pagkadismaya
ang guro.
"Why don't we have some bottle of sake?" paanyaya niya.
Wala naman akong dahilan upang tumanggi sapagkat batid niyang wala
akong pasok kinabukasan. Sa madaling salita, kaagad kong pinaunlakan
ang kanyang imbitasyon.
Marahil ay naubos na rin ang aming mga paksa ukol sa pilosopiya at
pulitika. Pareho kaming walang kibo at nakatitig lamang sa mga bote
ng sake. Di nagtagal, inangat ng aking sensei ang kanyang bote sa
akmang makikipag-'kampai' at nagpahayag ng kanyang dedikasyon
"For the three fruitful years of our friendship
kampai!"
Muli nanamang nag-untugan ang bote ng aming sake. Bagamat nakiayon
ako sa kanyang pagkampai, walang reaksyon ang aking mukha. Pinanonood
ko lang ang kanyang paggalaw ngunit hindi nagsasalita ng kahit anong
kataga. Hindi naman ako nakasimangot, ngunit hindi rin naman ngumiti.
Maaaring nagkakaroon na rin ako ng hinanakit sa aking sensei. Siguro'y
iyon ang tanging paraan upang ipahayag sa kanya ang aking pagkadismaya
sa aming pagiging magkaibigan. Wala na rin akong lakas ng loob makipagdebate
sa kanya kaya't ipinamalas ko nalang ang isang 'walang reaksyong mukha.'
At dahil isang sensitibong tao ang aking sensei, kaagad niya itong
napansin.
"What's your problem?"
Wala naman akong balak sagutin ang kanyang katanungan.
Subalit inulit niya muli ang kanyang katanungan sa wikang Hapon.
"Monday ga aru?"
Umiling lang ako. Pinaulit-ulit muli ng aking sensei ang kanyang
pag-uusisa. Tatlong beses akong sumagot ng "Nothing sensei. Nothing."
"MONDAY GA ARU? TELL ME! " isang nakakatakot na bulalas
ng aking sensei. Sa totoo lang, hindi ko pa siya naririnig na sumigaw
nang ganoong kalakas. Nagtayuan lahat ng mga balahibo sa aking katawan
dahil sa sukdulang pagkagulat at takot. Nagmistulang isang bulkan
ang aking sensei. Sa isang sigaw ay naglabasan ang mga lava ng galit
at pagkamuhi sa kanyang kaibigang mag-aaral.
"Jeffry-san, why don't you tell me your problem? Monday ga arimasu
ka?"
Sa pagkakataong ito, naging mas mahinahon na siya. Muling bumalik
ang malambing subalit malalim niyang tinig. Bagamat di pa kami nahimasmasan,
pinilit kong sumagot kahit nanginginig ang aking boses at katawan.
"Well, Im just disappointed during the course of your so-called
'fruitful friendship.' How can we become real friends if you're not
opening yourself to me? You are full of secrets. Your personality
is still unknown to me. Sorry sensei, but your life is still a mystery
for me!"
"Well then, with what you said, it sounds that I'm just a stranger
to you," galit na sinabi ng aking sensei. Kaagad siyang tumayo
upang buksan ang pinto ng bahay para sa akin.
"Im not saying that," depensa ko.
"Then who am I for you? " muling usisa ni sensei.
"I should ask that! Who am I for you?," patanong na sagot
ko.
"You're my stupid, inquisitive student who doesn't know what
friendship is."
"You're my intelligent professor who knows nothing but books."
Namumula sa pagkamuhi ang aking sensei. Nilapitan niya ako't hinawakan
sa kwelyo ng aking polo. Hinila niya ito patungo sa direksyon ng kanyang
pinto.
"Get out of my house," mariing utos ni sensei.
"Why? You think you know what friendship means? What you know
is political friendship! Diplomatic friendship! Global friendship!
But shame on your ignorance of human friendship!" pagmamayabang
ko.
"Get out of here!"
"Aren't you aware that everyone despises your philosophies?
Everyone hates your ideologies. Everyone abhors your idealism. No
student appreciates your scholarly ideas, because you only base it
on books, but not on your heart. Shame on you sensei!"
"Get out!"
"You are aloof to the world behind you
You see? I'm the
only one who tolerates your ridiculous wisdom. Everyone is scared
of being bogged by your radical stinch. You are definitely scary for
them. Now tell me what -you -know -about -friend-ship!" galit
na galit na hamon ko sa mayabang na propesor.
"I said get out."
"I pity you for being a fallen philosopher. Yes, you are indeed
intelligent. Unfortunately your intelligence is only for your self-gratification.
You think you were able to touch your students' minds? Or at least
catalyze a bit of intellectual stimuli? By no means. Because they
perceive you as an inanimate dead book."
"Please. Out!"
"You are nothing sensei. You are nothing."
"Yes. I'm nothing. I'm nothing. I'm nothing. I'm nothing"
Natauhan ako sa huling sagot ng aking propesor. Napagod na siya sa
pagmamakaawa sa aking umalis ng kanyang bahay. Wala akong nagawa kundi
titigan siya. Umaagos ang kanyang luha sa mapulang pisngi. Nanginginig
siya, marahil hindi dahil sa galit sa akin kundi dahil sa galit sa
kanyang sarili. Tumagos ang aking mga sinabi sa kanyang maselang damdamin
at ngayo'y lubusan siyang napahiya sa mundong ginagalawan. Naririnig
ko ang kanyang hirap na paghikbi tanda ng nagluluksang puso. Nasaktan
ko siya. Bagamat may katotohanan ang aking mga nabanggit sa kanya,
tinanggalan ko ng dangal ang aking sariling propesor. Hinagupit ko
ng kahihiyan ang kanyang pagkatao. Binuhusan ko siya ng mga kumukulong
paratang na naging hudyat ng kanyang pagdadalamhati.
Napaluha ako sa pagsisisi.
"Sensei. Hontoni gomenasai. [I'm really sorry]."
Hindi kumikibo ang aking sensei. Nanginginig ako sa takot at pagsisisi.
Wala akong naririnig kundi ang paghikbi, pagsinghot at ang hirap na
paghinga ng umiiyak na sensei ko.
"I'm really sorry. Please."
Unti-unti akong lumapit kay sensei. Wala akong pakialam kung sapakin
nya ako o saktan. Basta't punung-puno ako ng pagsisisisi kayat lumapit
ako sa kanyang harapan hanggang sa idikit ko ang aking bisig sa kanyang
katawan. Niyakap ko ang aking sensei. Niyakap ko siya nang napakahigpit.
Pakiramdam ko, ito ang yakap na katumbas ng tatlong taon naming pagkakaibigan,
at idagdag pa ang yakap ng pagsisisi dahil sa aking mga masasamang
nasabi. Niyakap ko ang kanyang pumipiglas na dibdib, at pinilit kong
makibahagi sa sakit na kanyang dinadala sa loob ng dibdib. Naramdaman
ko ang kanyang panginginig, marahil ay dahil nanalaytay sa kanyang
dugo ang galit at pagkamuhi sa sarili.
Hindi ko inaasahang kakapit ang aking sensei sa kanyang masamang
kaibigan. Ngunit naramdaman kong hinagod niya ang aking likod at pinatong
ang luhaang mukha sa aking balikat. Niyakap ako ng aking sensei, tanda
ng masinsinang kapatawaran. Niyakap niya ako ng buong higpit, gaya
ng isang paslit na batang nangangailangan ng pagkalinga. Ang kanyang
yakap ay malinaw na nangungusap, nagpapahayag ng madamdaming mensahe
ng pag-ibig sa kanyang kaibigan. Yakap na wari'y nagsasabi ng
"nag-iisa na lamang ako, wag mokong iwan."
Sa ilang sandali, naghari ang katahimikan. Nananatili kaming magkadikit
sa isa't isa, dinarama ang init ng bawat isa; pinakikiramdaman ang
paghikbi at paghinga ng bawat isa. Walang nagsasalita, tanging ang
dalawang magkadikit na dibdib ang nag-uusap ng tahimik. Di nagtagal,
inangat ng aking sensei ang kanyang mukha mula sa aking balikat. Mapulang-mapula
pa rin ang kanyang mukha sa kabila nang tuluyang pagtigil ng pag-agos
ng luha.
Nilapit ng aking sensei ang kanyang mukha sa aking mukha. Ang kanyang
mga singkit na mata ay kumislap sa harapan ng aking nahihiyang mga
mata. Ang kanyang mapulang labi ay unti-unting lumapit sa aking bibig.
Nang lumapat ang kanyang labi sa aking labi, tuluyan nang pumalaot
ang aking kamalayan sa kawalan. Wala na akong maalala kundi ang dilim
na naaninagan ng aking nakapikit na mata, ang init na dumadampi sa
bibig, ang tamis na nalalasap ng aking dila, ang musika ng biyolin
na naglalaro sa aking sariling pandinig, ang init na nararamdaman
ng aking katawan, at ang panginginig ng isang naglalakbay na kamay
sa katawan ng aking sensei.
Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng aking sensei. Dahan-dahan niya
akong isinandal sa malambot na dingding ng kanyang sala. Nahihiya
ang aking mga matang dumilat. Naramdaman ko nalang na pinapaliguan
ako ng halik ng aking sensei. Mula sa bibig, pisngi, leeg, hanggang
sa tinanggal ang aking kamiseta upang malasap ang aking dibdib. Mahinahon
niya akong tinulak sa malambot na upuan upang mapahiga roon. Sa malamig
na panahon ng tagsibol, pinagpawisan ang aming mga katawan. Nakaramdam
kami ng kakaibang init at kinailangan pa naming tanggalin ang lahat
ng saplot na nakabalot sa aming kabuuan. Tumindi ang init, nadagdagan
ng kirot. Lalo pang uminit, naging parusa ang hapdi. Tinanggap ko
ang parusa ng aking sensei. Sa palagay ko, hindi lamang ito parusa.
Ito ang parusang may kalakip na pagmamahal.
+++++
Napakaikli ng panahon. Tuluyan na ngang naubos ang mga bulaklak ng
Sakura sa mga nakatayong puno. Wala na akong mapanood na pag-ulan
ng bulaklak. Wala nang nagsasayaw na puting talulot sa malamig na
ihip ng hangin.
Tapos na ang cherry blossom. Nagbalik muli ang dating katahimikan
ng mga parke sa aming lungsod. Tanging mga kalapati na lamang ang
nag-iingay sa ilalim ng mga punong nagbabagong-anyo muli.
Sumagi sa isip ko si Sensei. Halos isang buwan na ang nakalilipas
nang huli kaming nag-inuman sa kanyang aparto. Matapos ang naturang
inuman na nauwi sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ko na ulit nakita
ang aking sensei sa unibersidad. Siyempre noong una, medyo nahihiya
akong magpakita sa kanya. Naaalala ko pa rin kasi ang mga maaanghang
na salita na aking nabitiwan. Pinilit kong umiwas muna sa mga lugar
na malapit sa kanyang opisina at silid-aralan. Mahigit isang linggo
rin akong nagtago sa aking sensei. Subalit nang malaon, naglakas-loob
na rin akong magtungo sa kanyang opisina. Kahit papano, naramdaman
ko rin ang pangungulila ko sa kanya. Nananabik din akong makita siya.
Sa kasamaang palad, lagi naman siyang wala sa opisina. Patay ang ilaw
ng kanyang silid at halatang hindi siya pumasok ng ilang araw.
Pilit kong binubuksan ang kanyang nakakandadong pinto. Nagbabakasakali
lang akong makita siyang natutulog o nagpapahinga sa loob. Minsan
kasi, kapag medyo nalalasing, pinapatay niya ang ilaw ng silid at
doon nagpapahinga. Buti na lang, napansin ng isang kasama kong Pilipina
ang masugid na pag-aantay ko sa opisina ni sensei.
"Hoy ano ka ba, ano ginagawa mo d'yan?" urirat ni Tina.
"Ano pa nga ba e 'di inaantay si Mojako-sensei," tugon
ko.
"Tanga! Sinipa na siya ng University! Huli ka na naman sa balita
Jeff!"
"Huh? Kelan pa? Ano nangyari?"
"Unanimous decision among the deans. Last semester pa siya iniimbistigahan
ng Ryugakusei Center. Sobrang baba kasi ng evaluation niya from the
foreign students. Tapos, ang dami-dami rin daw nagko-complain na students.
Halos 50% kasi ng class niya ay binibigyan niya ng D sa final grade.
I mean, hindi siya satisfied sa performance ng mga students niya kaya
he would finally give them a big D. Well alam mo naman ang sistema
sa Japanese University, that case is not really normal," paliwanag
ng aking kaibigan na dating estudyante rin ni sensei.
"Yah, alam ko. Actually sa class namin dati, apat lang ang ipinasa
nya. Isa ako sa apat, and he only gave me C. But actually I didn't
mind it," sagot ko.
"Nakakahiya nga eh, his name appeared in the university newsletter
kaya alam lahat ng estudyante. Well, oo nga pala, you can't read kanji
yan
di ka tuloy updated sa university chismis."
"So do you have any idea kung nasaan si sensei?"
"Nobody knows. Sayang, wala na ang poging sensei."
Wala na ang poging sensei? Totoo ba ang aking narinig mula kay Tina?
Saan nagtungo ang aking sensei? Halos maiyak ako sa aking narinig.
Punung-puno ako ng awa't pagsisisi. Paulit-ulit akong sinumbatan
ng aking konsensya, "bakit hindi ako nakipagkita sa kanya kaagad?!
Bakit ko siya iniwasan?!" Hindi ko napigilang mapasuntok sa dingding
ng kanyang silid. Hindi ko naiwasang murahin ang aking sarili. Masama
akong tao. Walang kwenta akong kaibigan. Tanga ako. Istupido.
Luhaan akong tumakbo patungo sa aparto ng aking sensei. Kahit pataas
ang dinaraanang kalye, hindi ko nararamdaman ang mabilis na paghingal
ng aking baga. Walang pagod, tanging galit at pagsisisi lamang ang
aking naramdaman. Takbo, takbo, takbo hanggang sa naaninagan ko ang
malaking plaka na nakasabit sa pinto ng kanyang tahanan. Sa plaka
nakasulat ang mga letra ng kanji. Hindi talaga ako nakakabasa ng kanji
kaya't kaagad kong inilabas ang diksyunaryo upang hanapin ang kahulugan
ng naturang kanji. Parang may sumaksak sa aking dibdib nang nakita
ko ang kahulugan
bakante ang aparto.
Mahigit sampung segundo siguro akong walang-kurap na nakatitig sa
pinto ng aparto ni sensei. Pilit kong kinakalma ang aking sarili,
subalit naririnig ko pa rin ang mga sumbat ng aking konsensya. Makatarungan
naman ang mga nilalaman na panunumbat
sapagkat ako talaga ang
may kasalanan. Kung hindi ako nagtago sa aking sensei, nakausap ko
pa siguro siya. Nadamayan ko siguro siya sa mga mapapait na sandali.
Nayakap ko sana siya upang makibahagi sa sakit na dinaranas. Ngunit
makasarili ako. Hindi ko man lang naisip na maaaring kailanganin ako
ng aking kaibigang guro. Iniwan ko si sensei sa gitna ng kahihiyan.
Naiisip ko ang kanyang pag-iisa. Umiikot sa aking isipan ang litrato
ng kanyang pagluluksa. Sa aking sariling isip, nakikita ko ang aking
sensei sa ilalim ng punong sakura. Umiiyak siya habang paulit-ulit
na tinatawag ang aking pangalan
jeffrysan, jeffrysan. Subalit
tama siya, hindi ko alam ang kahulugan ng pagkakaibigan. Sa gitna
ng kanyang kalungkutan, tinalikuran ko ang a
king sensei.
++++
Araw-araw akong dumaraan sa aming paboritong 'koen,' inaasahang darating
ang pagkakataon na muling magpapakita sa akin si sensei. Sa ilalim
ng puno ng sakura, minamatyagan ko ang bawat lalaking dumaraan sa
parke, nagbabakasakaling ang dumadaang tao ay si sensei. Punung-puno
ako ng pag-asa na babalik siya. May mga araw na inaabot ako ng hatinggabi
sa loob ng koen dahil sa kakaantay. Subalit ang mga malulusog na dahon
ng pambihirang puno ng sakura ay nagsimula nang maging kulay pula.
Ito na nga ang panahon ng taglagas, ngunit hindi ko pa rin naaninagan
ang mukha ni sensei.
Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako titigil hanggat hindi
nakikita muli ang aking sensei. Hahanapin ko siya, at hindi ako susuko
hanggat hindi ko siya nakikita. Inaamin ko sa sarili ko, lubos akong
nangungulila kay sensei.
Halos pitong buwan na ang nakalipas sapul ng aming paghihiwalay.
Nang napadaan ako sa isang iskinita sa gilid ng unibersidad, napansin
ko ang isang silid-aklatan na madalas puntahan ng aking sensei. Naalala
ko muli ang mga pagkakataon na sinusundo ko siya sa naturang lugar.
Kung minsan, nadadatnan ko siyang natutulog lamang sa loob ng silid-aklatan.
Nagpasya akong pumasok dito. Muli, tinitigan ko ang bawat lalaking
makikita at sinuri kong mabuti kung narito ang aking sensei. Sinilip
ko ang bawat helera ng mga aklat. Subalit nabigo lamang ako, wala
ang aking sensei. Hindi pa rin ako nakuntento. Inulit kong suriin
ang bawat helera ng mga aklat, hanggang sa nakita ang isang aklat
na pumukaw ng aking atensyon. Ang aklat ay pinamagatang "Sakura
at Harakiri." Mukhang bago lamang ito kayat naisip ko kaagad
na maaaring si sensei ang may-akda.
Nang buklatin ko ang asul na aklat, agad kong binasa ang pambungad
na pag-aalay ng may akda. Nakasulat ito sa wikang Nihonggo.
"Para sa aking pinakamamahal na mag-aaral. Matagal mo nang inuusisa
ang aking nakaraan. Narito sa aklat na ito ang kwento ng aking buhay.
Ngayon, makikilala mo na rin sa wakas ang tunay na persona ng iyong
sensei.
"Mababatid mo ang aking dinaanang hirap mula sa aking kabataan.
Namulat ako ng walang magulang, at pinalaki ako ng mga taong hindi
ko kadugo. Maiintindihan mo naman siguro ang damdamin ng isang batang
lumaki nang walang itinuturing na pamilya? Namulat ako sa sarili kong
mundo, kayat hanggang ngayon ay umiikot pa rin ako sa sarili kong
mundo.
"Isinalaysay ko rito ang aking buhay, ganap na masaya at puno
ng pag-asa ngunit nauwi sa isang trahedya. Sa huli, malalaman mo rin
na umibig ako sa isang taong lubos na nakakaintindi sa akin. Minahal
kita ng lubusan, ngunit hindi ko ito kayang ilabas sa aking puso.
"Sa pagkakataong mabasa mo ang aklat na ito, natitiyak kong
ako'y pumanaw na.
Dahil unti-unti nang nawalan ng saysay ang aking buhay, minabuti ko
na lang na wakasan ito. Bukas o makalawa, pagkalimbag nitong aklat,
mawawala na ang iyong sensei. Panahon nang wakasan ang walang saysay
na buhay. Siya nga pala, ito ang kahulugan ng hara-kiri."
---------------
Si Youichi ay mag-aaral sa isang unibersidad sa Kansai, Japan.